Alamat ni Manny Pacquiao (Ika-7 Bahagi): Paano nanakawan ng panalo si Manny Pacquiao?
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 18 Feb 2021
Pinatumba ni Pacman si Marquez ng tatlong beses sa unang round sa pinakauna nilang laban.
Tiyak na umanong lalabang muli ang Pambansang Kamao ng Pilipinas na si Manny Pacquiao, ang kaisa-isang nilalang sa planetang ito na hawak ang di kuklulangin sa 12 pandaigdig na korona sa walong dibisyon.
Wala pang alam kung sinoang makakaharap, kung kailan at kung saan. Ang sinisiguro ng kolumnistang ito ay itataya ng idolo ng Pilipinas and kanyang nakai-inggit na record na 71 laban, panalong 62 na may 39 KO o TKO at pitong talo.
Huling tumuntong sa ibabaw ng ring si Manny noong Hulyo 2019 kung kailan ay ipinalasap niya sa nagkukunwaring tagapagmana ng koronang si Keith Thurman, isang ambisyosong Amerikano, ang unang pagkatalo ng huli sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Bagamat tunay na kapuri-puri ang kanyang panalo-talong naitala sa kanyang 25 taon bilang prizefighter, mas maganda pa sana ang naging rekord ng ngayon senador nang si Pacman kung hindi sana siya nanakawan ng siguradong panalo sa tatlong laban niya.
Ang ng isa ay napagpasiyahahng tabla at ang dalawa ay lumabas na talo ayon sa lupon ng mga huwes.
Unang nadaya ang ating bata noong unang laban niya kay Juan Manuel Marquez Mayo 2004 nang magkamali ang isang huwes na iskoran ng tamang 10-6 ang knockdown round kung saan pinalugmok niya ang kalaban sg tatlong beses sa unang round pa lamang ng pagtutuos.
Kung naiskoran sana ni judge Burt Clements ang nasabing round ng 10-6 gaya ng ginawa ng dalawang huwes pang sina John Stewart at Guy Jutras, umuwi sana si Pacquiao na bitbit ang kanyang ika-39 panalo.
At ang WBC super featherweight na sinturon ng Mehikano, pang-apat sa walong dibisyong napanalunan niya nang sumunod na dalawang taon. Nagharap muli ang dalawa ng dalawang bess pa noong Marso 15, 2008 kung kailan ay nakuha na ng Pilipino ang korona. Tulog naman sa pang-anim na round ang dating kongresista sa kanilang pang-apat at huling pagtutuos noong 2012.
Humingi ng tawad si Clements matapos ang pangyayaring iyon at inaming: “I just screwed up. I feel badly because I dropped the ball.”
Nagpatuloy ang kamalasan ng ama ng limang anak niya kay dating Sarangani Vice Gov. Jinkee walong taon ang nakalipas noong Hunyo 9, 2012 nang manakawan siya ng kanyang WBO welterweight title ni noon ay wala pang talong si Timothy Bradley.
At pitong taon makaraan noon, sa harap ng 51,052 manonood sa Brisbane, Australia, itinaya ng ating si Manny ang kanyang sinturong nabawi na niya namuling nananakaw na naman sa kanya ng dating Australiyanong gurong si Jeff Horn sa isa na namang kortrobersyal na labang halos lahat ng tao ay Inakalang napanalunan niya.
Kung bakit at paanong nangyari ito, malalaman ninyo sa sussunod na bahagi ng seryeng ito.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Ortega wins Laguna chess
By Marlon Bernardino, Wed, 25 Dec 2024Paciones to fight Li in Bangkok on Dec. 26
By Lito delos Reyes, Tue, 24 Dec 2024Antonio Vargas Seeks Showdown with WBA Bantamweight Champion Seiya Tsutsumi
Tue, 24 Dec 2024FIGHTBOOK ANNOUNCES OFFICIAL LAUNCH IN EARLY 2025 AND OPENS PRE-REGISTRATION FOR PROFESSIONAL BOXERS
Tue, 24 Dec 2024IBA investigates possible integrity violations at the ASBC Asian Boxing Championships in Thailand
Tue, 24 Dec 2024NM Ilar rules 7th Nova Onas Rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Tue, 24 Dec 2024Where Have All THE Heavyweights Gone?
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 23 Dec 2024World-Ranked Contenders Jayson Mama, Joey Canoy, and Esneth Domingo Scheduled to Return on December 27 in Kalamansig
Mon, 23 Dec 2024Beltran loses by KO in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024CATTERALL COLLIDES WITH BARBOZA JR AT CO-OP LIVE ON FEBRUARY 15
Mon, 23 Dec 2024Elite and Youth Champions Named to Conclude the 2024 USA Boxing National Championships
Mon, 23 Dec 2024Quirante KOs former teammate in 4th round
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Santisima, Portes bow in Japan
By Lito delos Reyes, Mon, 23 Dec 2024Male and Female Junior Division Champions Named at USA Boxing National Championships
Sun, 22 Dec 2024Curry, Green Stinking the Joint to Spite Kerr, Resist Change in Dying Warriors Dynasty?
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 21 Dec 2024