
Alamat ni Manny (Ika 6 na Bahagi): Balik tanaw: Pacquiao-Marquez 1 at 2
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 10 Feb 2021

Ang istorya ng dalawang unang laban sa pagitan ng Pilipiniong si Manny Pacquiao at Mehikanong si Juan Manuel Marquez ay isang pagbabago.
Nagbago kapuwa ang dalawa sa loob ng halos apat na taong pagitan mula nang sila ay unang magsagupa bilang featherweight hanggang junior lightweight kung saan pareho silang nagdagdag ng apat na libra.
Mula sa isang kilalang mamamatay-tao sa ibabaw ng lona gamit ang isang kamay sa kanilang inisyal na pagtatapat kung saan ay pinabagsask ni Pacquiao si Marquez ng tatlong beses sa unang round pa lamang, si Pacquiao ay umakyat sa pagiging isang boxer-puncher gamit ang dalawang kamay.
Si Marquez na isang counter-puncher sa unang sagupaan na natapos sa split draw, ay kinakitaan ng malaking pagbabago at naging agresibong master technician sa pagbibiitiw ng kaliwa’t kanang kumbinasyon sa 126 at 130 librang dibisyon.
Kung kaya nga’t ang pagtatagpog muli ng dalawang future Hall of Famer noong ika 15 ng Marso, taong 2008 ay naayon sa kagustuhan at ikinasiyang lubos ng kani-kanilang fans.
Ang Mehikano, na nakakainip panoorin noong 2004, ay agad nakipagsabayan sa Pilipinong kinakitaan ng pagiging tunay na idolo ng kanyang kababayhan tanda ng pagkahinog sa edad.
Naging mabilis at kapanapanabik ang laban na ginanap sa Mandalay Bay sa Las Vegas at tinawag na “Unfinished Business.”
Dinomina ni Manny ang unang rouund sa scorecard ng tatlong huwes subalit nakabalik naman agad si Marquez nang sumubod na yugto sa pamamagian ng bago nyiang kaliwa’t kanang kombinasyon.
Pinabagsak ni Manny si Marquez una ang likod sa third gamit ang kaliwa. Wagi ang Pilipino sa nasabing round at pati na ang fourth. Nakuhang maka-rally ni Marquez sa 5th, 7th at 8th round. Nagmistulang tulala ang Mehikano sa 10th matapos makatanggap ng malalakas kanan nmula kay Pacman.
Muli ay nangibabaw si Marquez sa 11th at 12th pero hindi ito naging sapat upang mabago ang nakararaming desisyon ng tatlong huwes – 115-112 at 114-113 para kay Pacquiao at 115-112 para kay Marquez.
Litrato: Isa sa tatlong senaryong pagpapabagsak ni Manny Pacquiao kay Juan Marzuez noong unan nilangx pagsasagupa Mayo 8, 2004 (Mula sa file ni EDDIE G. ALINEA).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025