
Alamat Ni Manny (Ika-5 Bahagi): Ang 487 taong pagkakatuklas sa Pilipinas, ipinagdiwang ni Manny
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 08 Feb 2021

Pinaupo ni Pacquiao si Marquez sa kanilang pangalawang laban.
Ika 15 ng Marso taong 2008, ipinagdiwang ng bansa ang ika-487 taong pagkakatuklas ng Pilipinas. Noong petsa ring taong 1521 iyon nadiskubre ng Portuguese na manlalayag na si Fernando Magallanes ang bansang tinawag ng “Perlas ng Silangan.”
At lingid sa kaalaman ng marami, ginunita ng noon ay tatlong dibisyong kampeon sa boksing na si Manny Pacquiao ang isa sa mga mahahalaga at di makakalimutang pangyayaring iyon sa kasaysayan ng bansa sa malayong lugar ng Las Vegas.
Sa Las Vegas, na noon pa’y itinuturingn nang kapital ng boksing sa daigdig, napiling kamtin ng Pilipiino ang kanyang ika-apat na korona sa ganoon di karaming pagkakataon – ang WBC super- featherweight.
Ang biktima ng idalawang taon mula noon ay magiging kinatawan nng lalawigan ng Sarangani sa Mababang Kapulungan ng Kongreso -- ang magiging mahigpit niyang kaaway sa ibabaw ng ring na si Mehikanong si Juan Manuel Marquez. Sinupil ng ating kababayan ang mapagmalaking Latino sa nagkakaisang hatol matapos ang 12 round na sagupaan.
Ang naturang pagtutuos, sa tutoo lang, ay pangalawa sa apat nilang paghaharap matapos ang kanilang unang laban apat na taon bago yun noong 2004 na natapos sa tabla nang si jundge Bert Clements ay nagkamaling iskoran ang unang round ng 10-7 imbes na 10-6 ayon sa 10-point scoring system na ipinatutupad sa boksing kapag ang isa sa damawang naglalaban ay mapatumba ang katunggali ng tatlong beses sa isang round.
Dahil sa maling pagkakataya ni judge Clements ng unang round, nakapag-sumite siya ng kabuuang tablang iskor na 113-113. Ang isang huwes ay nakitang nanalo si Pacquiao sa iskor na 115-110. Ang isa pa ay si Marquez ang nagwagi, 115-110.
Ganoon pa man, ang maginoong Pilipino ay tinanggap ang resulta na nagkaloob sa kanya ng pang-apat niyang korona matapos gapiin si Chatchai Sasakul ng Thailand sa walong round na KO, Lehlo Ledwaba ng Aprika, anim na round TKO, at Marco Antonio Barrera, 11 round TKO.
Ang resulta ng pangalawa nilang laban ay una lamang sa dalawang laban ng ngayon ang senador nang si Pacquiao na natapos sa takdang 12 round.
Si Mehikano-Amerikanong si Antonio Margarito ay isa lamang sa dalawang nakalaban ni Manny na hindi natulog bago natapos ang 12 round sa makasaysayang pangongolekta niya ng kampeonato sa walong dibisyon.
Lahat ng anim pang tinalo ni Manny sa kanyang tungo sa hagdan ng tagumpay, maliban kay Marquez at Margarito ay pawang tulog nang mahubaran ng korona – Sasakul, Ledwaba, Barrera, David Diaz, Ricky Hatton at Miguel Cotto.
Naagaw ng ating si Manny ang titulo ng WBC lightweight kay David Diaz sa pamamagitan TKO (9 round), ang IBO/RING junior-welterweight kay Ricky Hatton, KO (2 round), at WBO welterweight kay Miguel Cotto, TKO (12 round).
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
Sat, 18 Oct 2025Usyk in Bare Knuckle event?
By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
Sat, 18 Oct 2025MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
Sat, 18 Oct 2025Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
Sat, 18 Oct 2025Sirimongkhol, Midgley Make Weight for WBF World Title in Thailand
By Carlos Costa, Fri, 17 Oct 2025ICTSI South Pacific on Oct. 28-31
By Lito delos Reyes, Fri, 17 Oct 2025PIONEERING FILIPINO BOXERS TAKE THE SPOTLIGHT ON FIL-AM HISTORY MONTH (PART II)
By Dong Secuya, Fri, 17 Oct 2025California Commission Backs Dana White’s ‘American Boxing Revival’ and Expanded Muhammad Ali Act
By Gabriel F. Cordero, Fri, 17 Oct 2025MANNY PACQUIAO PROMOTIONS PRESENTS “COUNTDOWN TO THRILLA IN MANILA” AND “THRILLA IN MANILA 50”
Fri, 17 Oct 2025Rafael Espinoza-Arnold Khegai Featherweight World Title Showdown Set for Nov. 15 in San Luis Potosí, Mexico
Fri, 17 Oct 2025