
Alamat ni Manny (Ika-Apat na Bahagi): Pangatlong titulo, nakamit ni Paquiao laban kay Barrera
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 03 Feb 2021

Nobyembre 15, taong 2003 ang unang hudyat na nagtukoy sa kadakilaang ipapamamana ni Manny Pacquiao sa larangan nng boksing at sa palakasan, sa kabuuan.
Noong petsang iyon, hinarap ni Pacquiao ang Mehikanong si Marco Antonio Barrera sa nakatakdang 12 round na sagupaang ginanap sa Alamodrome sa San Antonio, Texas kung saan nakamit ng idolong Pilipino ang pangatlo sa walong dibisyong paghaharian niya na siya lamang ang nakagagawa sa kasaysayan ng boksing.
Ang kampyonatong lineal sa timbang na featherweight ang pinaglabanan ni Manny at Barrera, itinuring noon at maging hanggang sa kasalukuyang panahon ang pinakamagaling na tumuntong sa trono ng 126 librang dibisyon.
At ipinamalas ito ng Mahikano, na llamado, 4-1 sa logro ng mga mamumusta, nang pabagsakin niya ang ipinagkakapuri ng Pilipinas sa unang round pa lamang ng pagtutuos.
Subalit gaya ng dalawang naunang nakasagupa ng ating bayani para sa unang dalawang dibisyong titulo – ang Thai na si Chatchai Sasakul sa flywewight at ng Aprikanong si Lehlo Ledwaba na kapuwa hindi natapos ang takdang 12 round.
Di rin tumagal ang ipinagmamalaki ng Mehiko. Nabawi ni Manny ang 1st round knockdown nang patumbahin niya ang kalaban sa third. Natapos ang 4th namaga ang dalawang mata ni Barrera.
Isa pang knockdon sa 11th na nagtulak sa corner ng Mehikano na ihagis ang tuwalya bilang hudyat na di na kaya ng kanilang bata na magpatuloy pa sa laban apat na segundo pa lamang ang nakalipas sa round.
Iyon ang kaauna-unahang pagkakataong lumaban si Pacquiao bilang featherweight. Pagbalik sa Pilipinas noong Nobiyebbre 24 nang nasabing taon, ginawaran si Manny ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ng Presidential Medal of Merit sa Ceremonial Hall ng Malakanyang.
Nang sumunod na araw, pinarangalan siya ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ng Congressional Medal of Achievement sa base ng Resolusyon Blg. 765 na kinatha ng noon ay House Speaker Jose de Venecia at Cong. Juan Miguel Zubiri ng Bukidnon kung saan sa bayan ng Kibawe siya isinilang.
Si Barrera ay kabilang sa mga elitistang grupo ng mandirigma sa daigdig matapos niyang talunin ang mga nakaharap niya bago ang laban kay Pacquuiao at para makuha ang lineage.
Sa kanyang pahayag sa panayam sa reporter na ito sa overseas phone matapos ang laban, sinabi ni Manny: “Si Barrera ay itinuturing na isa sa mga, o marahil ay pinaka-pangunahing pound-for-pound fighter daigdig. Nang ako ay naglalakad patungong ring, mga boo at kantyaw ang sumalubong sa akin mula sa fans.”
“I think I only had one fan – ang trainer kong si Freddie Roach," pabiro niyang nabigkas. "Bago lamang ako dito. As for the fight, I was in total control. Every round I felt like the first round because my conditioning was so good. I never got tired.“
“Nang nasa ibabaw na ako ng ring, sa halip na boo, wala akong narinig,” pagtatapat niya. “The Barrera fans were so surprised that I won and by the way I won.“
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025