Alamat ni Manny (Ika 3 Bahagi): Labang naglunsasd kay Manny sa rurok ng tagumpay
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 01 Feb 2021
Nakamit ni Pacquiao ang IBF korona noong tinalo niya si Ledwaba.
Tatlong taon matapos mag-debut bilang mandirigma sa ibabaw ng ring, hinubdan ni Emmanuel “Manny“ Pacquiao si Chathai Sasakul ng Thailand ng kanyang korona ng WBC sa flyweight sa pamamagitan ng walong round na pagpapatulog para sa unang pangunahing titulong pandaigdig ng Pilipino.
Ang panalong ito kay Sasakul ang nagsilbing hudyat sa mahigit isang dekadang kampanya ng ngayon ay senador nang si Pacquiao para maging kaisa-isang boksingero sa kasaysayan ng sweet science na umangkin sa di kukulangin sa 12 korona sa walong dibisyon ng boksing.
Subalit kung gaano kabilis nakamit ni Manny ang kanyang unang major world title, ganoon ding kabilis nawala ito sa kanya. Nabawi ng kababayan ni Sasakul na si Medgoen Singsurat ang korona sa pamamagitan ng tatlong round na KO sa pangalawang pagtatangka ni Manny na maipagtanggol ito.
Sa tutoo lang, humulagpos na ang pandaigdig na sinturon ng 112 librang dibisyon sa kamay ni Manny isang araw bago sumapit ang pagtutuos sa opisyal na pagtitimbang nang lumampas sa takdang timbang ang ating idolo.
Pero naging kasabihan na nga, si Manny Pacquiao ay hindi si Manny Pacquiao kung hindi siya makababangon sa kanyang dinadapaan. Tatlong taon matapos ang mapait na karanasang iyon, ang ating si Manny na noon ay nasa ilalim na ng pamamahala ni Hall of Fame trainer Freddie Roach ay nakabalikwas at nakabalik sa dapat niyang kalagyan.
Petsa Hunyo 23, taong 2001, ang tubong Kibawe, Bukidnon na si Pacquiao, ay sinorpresa ang libo-libong nanonood sa MGM Grand sa Las Vegas at milyon pang nasa kani-kanilang tahanan nang pabagsakin niya ang Aprikanong si Lehlohonolo Ledwaba sa ika-anim na round tungo sa TKO panalo.
At mapasa-kamay din niya ang kampeonato ng IBF super-bantamweitght (122-libra).
Dinomina ng noon ay 23 anyos na ama ng limang supling niya kay dating Sarangani Bise Gobernador Jinkee ang paboritong Aprikano mula sa unang tunog pa lamang ng kampana. Duguan ang ilong at mukha ni Ledwaba nang matapos ang unang round.
Pinaluhod ni Manny si Ledwaba sa lona sa pagalawang round, pangatlo at pang-apat habang ang punong-punong manoood ay nagbubunyi hanggang mamagitan ang reperi ang at hintuin ang masaker para maiwasan ang mabigat na pinsalang maaring mangyari sa kawawang nahubaran ng koronang kampeon.
“Ito ay isang pangarap na natupad. Ang layon ko ay maging kampeon muli at talagang ibinuhos ko ang lahat sa ensasyo pa lamang. Salamat sa Panginoon at nagkatutuo ag pangarap ko,” bigkas ni Pacquiao makaraan ang pinaigsing laban.
Sumampa si Manny sa ring bilang pamalit sa di makararating na challenger ni Ledwaba sa rekomendasyon mismo ni Roach dalawang linggo bago ang takdang paghaharap.
Matagumpay na naipagtanggol ng ating kababayan ang 122-librang kampeonato subalit higit dito, ang kanyang kabayanihan sa mga susunod pang laban ang nagsilbing hagdanan niya sa pagiging bayani ng sambayanang Pilipino at ng buong daigdig ng palakasan.
Sumunod na siyam na taon, namalas ng sandaigdigan ang pag-angat ni Many mula junior flyweight (106 libra) hanggang flyweight, super-bantam (122-libra), featherweight (126 libra), super-featherweight (130 libra), lightweight (135 libra). Junior-welterweight (140 libra), welterweight (147 libra) at super-welterweight (154 libra).
Sa madaling salita, nang masungkit niya ang kampeonato sa 154 librang dibisyon, nakuhang umakyat ni Manny ng 48 libra mula nang magsimula siya sa kanyang pro-career noong 1995, hanggang sa lampasuhin niya si Ricky Hatton sa loob lamang ng napaka-igsing dalawang round noong Mayo 2, 2009 sa MGM Grand sa Las Vegas.
May Karugtong.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Arquero wins Pozorrubio rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Sun, 12 Jan 2025Kingsley Ibeh wins 10th straight, Austin Brooks defends WBA title
Sun, 12 Jan 2025Villacastin to fight Marcos in RFL Kickboxing
By Lito delos Reyes, Sun, 12 Jan 2025Boxer Eumir Marcial Faces Cheating, Abuse Allegations from Estranged Wife
By Dong Secuya, Sun, 12 Jan 2025Sans Curry and Green, Warriors Bow to Pacers; Boston, New York Lose to Western Foes at Home
By Teodoro Medina Reynoso, Sat, 11 Jan 2025INDIAN OLYMPIAN NISHANT DEV PENS DEAL WITH MATCHROOM AND DEBUTS IN LAS VEGAS
Sat, 11 Jan 2025Registration opens for IBA Women’s World Boxing Championships 2025 in Niš
Sat, 11 Jan 2025DYBL to revive league on Jan. 25
By Lito delos Reyes, Sat, 11 Jan 2025SPORTS RECORDS 8: BERNARD HOPKINS JR., THE OLDEST CHAMPION IN ANY WEIGHT DIVISION
By Maloney L. Samaco, Sat, 11 Jan 2025BISUTTI VS NATTAPONG READY FOR BATTLE FOR IBF ASIA HEAVYWEIGHT BELT IN THAILAND
Fri, 10 Jan 2025ASA-PHIL Clinic Featuring International Coaches Ignites New Era for Softball in the Philippines
By Marlon Bernardino, Fri, 10 Jan 2025RFL Kickboxing Series starts on Jan. 19 at Diho 2
By Lito delos Reyes, Fri, 10 Jan 2025Pinays cited for wrong reasons
By Joaquin Henson, Fri, 10 Jan 2025Weights from Emerald Queen Casino In Tacoma, Washington
Fri, 10 Jan 2025February 14: Heavyweight Contender Jared Anderson Added to Denys Berinchyk-Keyshawn Davis Undercard at The Theater at Madison Square Garden
Fri, 10 Jan 2025