Mobile Home | Desktop Version




Manny Pacquiao: Ang Alamat (Ikalawang Bahagi): Mula flyweight, umakyat si Pacquiao para maging hari ng super-welterweight

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 27 Jan 2021



Isang maulang araw noong taong 2001, isang 22 taong gulang na dating kampeon sa flyweight ng World Boxing Council at kumatok sa pintuan ng Wile Card Gym sa Hollywood, California na pag-aari ng tanyag na boxing trainer na si Freddie Roach upang humingi ng tulong na pamahalaan ang kanyang pro-career.

Tatlong taon bago siya natanggap ni Roach, ang Pilipinong si Emmanuel “Manny” Pacquiao ay pinatulog si Chatchai Sasakul ng Thailand para sa WBA 112 librang kampeonato para simulan ang kanyang koleksiyon ng di kukulangin sa 12 padaigdig korona at tanghaling kaisa-isang nilalang sa kasaysayan ng sweet science na pagharian ang walong dibisyon ng kanyang napiling sport.

Makaraan ang isang dekada at dalawang taon mula noon at sa pamatnubay ng Hall of famer na si Roach, si Pacquiao ay nakoronahan din bilang panginoon ng RING Magazine sa featherweight, WBC super-featherweight, WBC lightweight, IBO/Ring welterweight, WBO welterweight at WBC super-welterweight.

Lingid sa kaalaman ng marami, ang ngayon ay mambabatas nang si Manny ay kauna-unahang boksingero na nanalo ng pandaigdig na kampeonatong lineal sa limang dibisyon.

At kauna-unahan din sa kasaysayan na makamit ang apat na pangunahing titulo sa orihinal na walong dibisyon na kung tawagin ay “glamour” divisions -- flyweight, featherweight, lightweight at welterweight.


Pinaupo ni Pacquiao sa lona si Thurman noong naglaban sila noong Hulyo, 2019 sa Amerika. Kuha ni Wendell Alinea.

Ang ating si Pacquiao ay matagal na kinilalang pinakamahusay na aktibong mandirigma sa ibabaw ng ring pound-for-pound ng halos lahat ng sporting news at boxing websites, kabilang ang ESPN, Sport illustrated, Sporting Life, Yahoo Sports, About.com, BoxRec, at RING.

Ito ay mula nang ang umaakyat siya sa lightweight hanggang maagaw ang korona niya sa welterweight noong 2012.

Si Manny rin ang tinanghal na pinakamatagal na naghari sa listahan ng 10 aktibong boksingero ng RING pound-for-pound.

May mga nagsasabing wala na umano ang dating bagsik ni Manny sa ibabaw ng parisukat na lona bagamat mas marami ang sumusumpa na taglay pa rin niya ang kalidad ng isang mandirigmang nakagawa ng malaking pangalan sa sport ng boksing.

Sa edad na 42, kung magagapi na ang salot na coronavirus, at makakita na ang Team Pacquiao ng makakalaban para ituloy ang mga natamo niyang tagumpay sa 25 taong nakalipas, si Manny ay may pagkakataon madagdagan ang kanyang maipamamana sa daigsdig ng palakasan.

At umusad ng kulang tatlong taon para maapantayan ang record ng dating kampeon sa heavyweight na si George Foremqan na nabawi ang kanyang korona sa edad na 45 taong gulang noong 1994.

Huling nakita si Pacquiao ng kanyag milyong tagasunod noong Hulyo 2019, kung kailan ay pinalasap niya ang dating walang talong si Keith Thurman ng mapait na pagkatalo para mapanatili ang kanyang super WBA welterweight sinturon na inagaw niya kay Argentine Lucas Matthysse kung saan sa 7 round niya pinatulog.

Nauna rito, naidepensa niya ang korona laban kay Andrien Broner na tulad ni Thurman ay isa ring Amerikano.

(May Karugtong)

Click here to translate this article to other languages via Google.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • MARIO BARRIOS LAS VEGAS MEDIA WORKOUT QUOTES
    Tue, 01 Jul 2025
  • CATTERALL AND EUBANK LAY THEIR 'CARDS ON THE TABLE' AHEAD OF MANCHESTER SHOWDOWN
    Tue, 01 Jul 2025
  • Dumadag holds chess tourney
    By Marlon Bernardino, Tue, 01 Jul 2025
  • Manny Pacquiao's Case for the Greatest of All Time
    By Ace Freeman, Mon, 30 Jun 2025
  • DavNor Adventure Race 2025 set July 2
    By Lito delos Reyes, Mon, 30 Jun 2025
  • Gumila rules Antipolo rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Mon, 30 Jun 2025
  • FULL CIRCLE AT WILD CARD: Jhay Otamias’ Tribute to a Fighter and a Fanbase
    By Emmanuel Rivera, RRT, Mon, 30 Jun 2025
  • Vince Paras Wins by 4th Round KO Over Sarawut Thawornkham to Capture the IBF Pan Pacific Super Flyweight Title
    Mon, 30 Jun 2025
  • Team USA's Quest for Gold Set in Stone at World Boxing Cup: Astana 2025
    Mon, 30 Jun 2025
  • SBA SEASON 2 DRAFT UNVEILS RISING STARS AND STRATEGIC MOVES AS TEAMS COMPLETE THEIR ROSTERS
    By Marlon Bernardino, Mon, 30 Jun 2025
  • Filipino Elwin Retanal wins Saudi rapid chess meet
    By Marlon Bernardino, Mon, 30 Jun 2025
  • Jake Paul Earns Boxing Legitimacy with Dominant Decision Over Julio Cesar Chávez Jr.
    By Dong Secuya, Sun, 29 Jun 2025
  • Zurdo Ramirez Defends Cruiserweight Crowns with Unanimous Decision Over Dorticos
    By Dong Secuya, Sun, 29 Jun 2025
  • Vince Paras Faces Sarawut Thawornkham Today at Venue 88 in Gensan
    Sun, 29 Jun 2025
  • USA Elite High Performance Team Sets Sights on Gold at World Boxing Cup: Astana 2025
    Sun, 29 Jun 2025