
Manny Pacquiao: Ang Alamat (Unang Bahagi)
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 26 Jan 2021

Enero 22, 1995 nang si Emmanuel “Manny” Pacquiao, na noon ay tumutugon sa pangalan niya sa ring na “Kid Kulafu,” ay ipinakilala sa ibabaw ng parisukat na lona para lumaban sa isang beteranong nagngangalang Enting Ignacio sa loob ng apat na round sa Sablayan, Occidental Mindoro.
Patpatin at tumitimbang lamang ng 98 libra, kulang ng 8 libra para sa mababang timbang na 106 libra para sa dibisyon ng junior flyweight kinailangan ng bagitong si Manny, may taas lamang noong 4 tampakan at 11 pulgada, na maglagay ng pabigat sa bulsa tulad ng maliliit na bato at barya para makapasa sa kailangang timbang.
Wala isa aman sa mga nanood ng laban ang mrahil ay nakahula na si Kid Kulafu na nang kalaunan ay nakilala na sa pangalang Manny Pacquiao, ay kapasidad na mananalo ng kahit isang pandaigdig na kampeonato man lamang.
At siyempre, nagawa niya ito at nalampapasan pa niya ng pitong beses.
Ipinapanalo ng batambatang tubong Kibawe, Bukidnon ang kaunaunahan niyang laban bilang pasinaya sa walong iba pang sumunod na pakikipag-suntukan, apat dito sa pamamagitan ng pagpapatulog bago niya nalasap ang una niyang mapait na pagkatalo via KO na ginanap matapos umakyat sa flyweight sa Lunsod ng Mandaluyong.
Si Manny Pacquiao ay hindi si Manny Pacquiao kung hindi siya makababangon sa pagkakadapa. Sumunod dito ay 13 sunod-sunod na pagwawagi mula 1996 hanggang 1998 kabilang ang 11 KO at TKO, kabilang ang walong round na pagpapatulog kay Chachai Sasakul ng Thailand na hinubaran niya ng titulo nito ng WBC flyweight.
Iyon ang unang pandaigdig na kampeonato ni Pacman na umakyat mula 106 libra tungo sa 113 libra bago ang nasabing laban sa Thai. Iyon din ang naging hudyat ng mahaba at madawag na paglalakbay niya mula sa dibisyon ng light-flyweight hanggang makarating sa super-welterweight.
Labindalawang taon nang ginugol ng ating si Manny bago humantong ang kanyang karera bilang boksingero sa kanyang kinahinatnang pinakamabigat na dibisyon o dagdag na kabuuang 47 libra para sa 154-librang kategorya.
Si Manny, kabiyak ng beauty queen at dating Sarangani Bise Gubernador na si Jinkee (dating Jamora), kung kanino siya ay may limang supling, ay dapat sanang naipagdiwang ang kanyang ika-25 taong anibersaryo bilang prizefighter noong Enero 22, nang nakaraang taon.
Ngunit dahilan sa pandaigdigang paglaganap pandemya ng Covid-19, ang paggunita ng isang napaka-mahalagang pagkakataong iyon ay hindi naganap.
Si Pacquiao sa Wildcard Gym sa Los Angeles, California. Kuha ni Wendell Alinea.
Ang seryeng ito ay sinulat ng mamamahayag at kolumnistang ito at ng SAKSI NGAYON bilang handog kay ngayon ay Senador nang si Manny alang-alang sa alaala ng di makalilimutang bahaging ito sa kasaysayan ng palakasan dito sa bansa.
Una sa lahat, wala ni isa mang nilalang sa ibabaw ng lupa ang nakapaghari sa boksing ng mas marami kaysa kay Manny na nagawa ito sa walong dibisyong timbang. Isang pambihirang di inaasahang mauulit pa sa mga susunod na ilang dekada a marahil hanggang sa katapusan ng kasalukuyang siglo.
Kung nakapagkampanya lamang si Many sa junior-bantamweight at sa bantamweight, di malayong naghari din siya hindi lamang sa walo, kundi maging sa 10 dibisyon pa.
Nilaktawan niya ang dalawang dibisyong ito para umakyat sa junior-featherweight (super-bantamweight) kung saan niya nakamit ang kanyag ikalawang-dibisyong korona.
Sa lahat ng naging laban niya sa loob ng nakalipas na 25 taong pakikipagbasagan ng mukha laban sa sinumang humarap sa kanya, ang ama ni Emmanuel “Jimwell" Jr, Michael, Queennie, Princess at Israel ay nakapagtala na ng kabuuang 71 laban, nanalo ng 61 beses (39 dito ang KO) at pitong pakabigo.
(May Karugtong)
Click here to translate this article to other languages via Google.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Two Pacquiaos on same card?
By Joaquin Henson, Tue, 02 Dec 2025OLYMPIC BOXING 4: 1924 OLYMPICS AT PARIS, FRANCE
By Maloney L. Samaco, Tue, 02 Dec 2025Cebuana Lhuillier-Backed UTP National Team Shines at 40th Penang Open, Captures Multiple Titles
By Marlon Bernardino, Tue, 02 Dec 2025WBC 63th Annual Convention Opens in Bangkok
By Gabriel F. Cordero, Tue, 02 Dec 2025Undefeated Brooklyn heavyweight prospect Pryce Taylor closing out a strong 2026
Tue, 02 Dec 2025USA Boxing Announces Partnership with Xempower USA
Tue, 02 Dec 2025THE RING 6: TEOFIMO-SHAKUR SET FOR JANUARY SHOWDOWN IN NEW YORK
Tue, 02 Dec 2025Undefeated Middleweight Dante Kirkman Set to Return December 11 in Costa Mesa
Tue, 02 Dec 2025Dejon Farrell Francis Turning Things Around
Tue, 02 Dec 2025WBC Light Heavyweight Champion David 'The Mexican Monster' Benavidez Excited About History-Making Cinco De Mayo Showdown with Gilberto Ramirez
Tue, 02 Dec 2025PPV.COM RETURNS TO THE RING LIVE STREAMING ALL-ACTION TITLE TILT ISAAC "PITBULL" CRUZ vs. LAMONT ROACH, JR
Tue, 02 Dec 2025Llover Eyes Winner of Salas-Ngexeke IBF Title Duel in Mexico
By Teodoro Medina Reynoso, Mon, 01 Dec 2025Jimuel draws in pro debut
By Joaquin Henson, Mon, 01 Dec 2025Kevin Durant sets new NBA record
By Gabriel F. Cordero, Mon, 01 Dec 2025LAZARO LORENZANA CAPTURES WBC REGIONAL CHAMPIONSHIP MIDDLEWEIGHT TITLE OVER LUIS ARIAS
Sun, 30 Nov 2025