
SALA SA INIT... SALA SA LAMIG: KAMBAL NA RESPONSIBILIDAD
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 07 Sep 2016

Simula na ang mga sakripisyong nadghihintay sa magiting nating boksingerong si Manny Pacquiao para gampanan ang kambal niyang responsibilidad bilang mandirigma sa ibabaw ng lona at ang pagiging mambabatas -- senador sa madaling sabi.
Lilipad ngayong araw si Sen. Manny patungong Los Angeles sa Estados Unidos upang daluhan ang press conference para opisyal na ipahayag ang laban niya sa nagtatanggol na kampeon sa dibisyon ng welterweight ng World Boxing Organization, isa sa mga tungkuling dapat niyang gampanan kapag mayroon siyang laban.
Nakatakda sa Huwebes, ika-8 ng Sityembre (Biyernes sa Maynila) ang presscon na gaganapin sa Crytsal Ballroom sa gitna ng Hollywood sa nasabing entertainment capital of the world. Wala naman sanang problema ito sa dahilang maraming beses nang nagampanan ito ng mambabatas mula sa Lalawigan ng Sarangani mula nang magsimula siyang manalo ng 10 pandaigdig na kamponateo sa walong dibisyon.
Kaya lamang, kung matatandaan ng lahat ay nakapangako ang noon ay si Kongresista Manny habang kumakapanya sa pagka-senador na siya'y magiging mabuting miyembro ng Mataas na Kapulungan. Katunayan, naipangako niya na di tulad noong siya'y nasa Mababang Kapulungan pa, pipilitin niyang huwag lumiban ng kahit isang sesyon ng senado.
At dahil nga sa naipangako niya, apat o limang araw lamang ang ilalagi ni eight-division champion sa tinaguriang "land of the free." Ibig sabihin, maaring sa Linggong darating o Lunes ay nandito na si Senador para maka-attend ng sesyon. Doon sa mga di pa nakakabiyahe papuntang Amerika, ang haba ng lipad patungo doon ay humigit-kumulang sa 15 oras.
Sa madaling sabi, di kukulangin sa 30 oras na lalagi sa himpapawid si Senador papunta sa Amerika at pabalik dito sa Pilipinas hanggang sa siya ay makabalik sa Maynila. Hindi birong pagod at puyat ang naghibintay kay Sen. Manny sa biyaheng ito. Pero ang sabi nga, ang pangako ay pangako na dapat tuparin kahit na nga siya ang kaisa-isang boksingeo sa daigdig na naging kampeon sa mundo sa flyweight, bantamweight, junior-featherweight, junior-lightweight, lighweight, junior-welterweight, welterweight at junior-middleweight.
Hindi dyan sa presscon natatapos ang problema ni Pacman. Sa ika-5 ng Nobiyembre itinakda ang 12 round na enkuwenro laban kontra Vargas. Pero bago dumating ang petsang iyan, kailangang mag-ensayo si Manny para paghandaan ang pakikipag-tuos niya kay defending champ Vargas.
At bagamat ang laban ay papatak sa recess ng senado sa ika-22 ng Oktubre hanggang ika-7 ng Nobiyembre, hindi rin maiiwasang maging sagabal ang paghahanda na sinimulan na ni Sen. Manny tatlong linggo na ang nakararaan at tatagal hanggang isang araw bago maglaban.
Para hindi lubusang maatraso ang ensayo, napagpasiyahan na dito sa Maynila gawin ang buong pahahanda. Dalawang linggo bago dumating ang pagtutuos nakatakdang magtungo ang Team Pacquiao sa L.A . para sa huling linggo ng ensayo bago tumuloy sa Las Vegas.
Hindi naman nababahala si Pacman sa problemandg kanyang kinakaharap sa paghahanda at sa mismong sa lkaban. "Sanay na tayo sa ganyang situwasyon at nalampasan naman nating lahat yan. Medyo gipit na nga sa schedule, pero may paraan para hindi masyadong maka-apekto," aniya sa bisperas ng kanyang pag-alis kahapon.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
GM Joey is aiming for a world title shot
By Marlon Bernardino, Sun, 19 Oct 2025Patrick Bonifacio rules Directors Chess Cup
By Marlon Bernardino, Sun, 19 Oct 2025World Boxing Announces Elite Division World Rankings
Sun, 19 Oct 2025BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
Sun, 19 Oct 2025BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
Sat, 18 Oct 2025Prado, Catubig dominate DTI Run
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
Sat, 18 Oct 2025Usyk in Bare Knuckle event?
By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
Sat, 18 Oct 2025MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
Sat, 18 Oct 2025Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
Sat, 18 Oct 2025