Mobile Home | Desktop Version




WALANG KAHALAGAHAN ANG PH SPORTS SA ILALIM NGA P-NOY ADMIN

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 05 Jul 2016

Noong Huwebes, ika-30 ng Hunyo, opisyal ba bumaba sa kanyang trono sa Palasyo ng Malakanyang si Benigno Simeon Aquino III upang ilipat sa bagong kahahalal na si dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte ang pamamahala a bansa bilang Pangulo.

Sa kanyang pagbaba sa Palasyo, opisyal ding naging kaisa-isang Pangulo ng bansa si P-Noy na hindi man lamang naghatid sa pambansang delegasyon sa palakasan na umalis upang lumahok at katawanin ang bansa sa alinmang kompetisyon internasyonal mula noong naupo siya bilang Punong Tagapagpanap noong 2010.

Anim na taon ding hindi man lamang bumati si Pangulong Aquino sa anumang pambansang delegayon sa sports na dumating at nagbigay karangalan sa Piliinas at sa pangalang Pilipino.

Bilang ama ng bansa at ng mga Pilipino, inangking tungkulin ng lahat ng naging Pangulo mula kay Presidente Manuel Quezon na maghatid at magbigay ng basbas sa kanino mang atleta o grupo ng atleta na umaalis upang pakipagtagisan ng lakas at kaalaman laban sa kapuwa nila atleta sa iba-iba't ibang panig ng daigdig.

Inari ding tungkulin ng lahat ng nanungkulang Pangulo na batiin ang lahat ng atlteta, koponan o delegasyon sa kanilang pagdating buhat sa lahat ng panig ng mundo dala andg mga karangalang napanalunan sa mga kompetiyong kanilandg nilahukan.

Si Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na kinamuhian ng lubos ni P-Noy ay ginawandg tradisyon na sa Malakanyang ibigay andg mga pinansyal na insentibong dapat matangdgap ng mga atleta na nagdala ng ginto, pilak at tansong medalyang napanalunan.

Para kay dating Pangulong Aquino, walang halaga sa kanya ang palakasan. Hindi niya nalaman pati ng kanyang mga alipores ang kahalagahan ng isport sa pagtatayong isang malakas, malusog at alertong pamayanan na ipinag-u-utos mismo ng Saligang Batas ng Pilipinas.

Hindi umabot sa kaisipan ni Aquino at ng kanyang mga alyado ang dahilan kung bakit naisipan ng mga sumulat ng Konstitusyon na maglagay ng ilang probisyon na nagmamando sa estado o pamahalaan na suportahan ang palakasan sa pamamagitan ng paglalagay ng isang ahensyang mamamahala para sa pagpapaunlad nito tungo nga sa layong makapagtatag ng malakas na pamayanan.

Kung ang edukasyon ay may kagawarang (Department of Education) namamahala para siguruhing makapagtatag ng matalinong pamayanan ayon sa mga sumulat ng Sligang Batas, ganoong din ang palakasan na ang Philippinie Sports Commission ang katapat na ahensya.

Kaya naman hindi na nakapagtataka na mula noong manirahan si Pangulong Aquino sa Malakanyang ay napagtatalo na tayo ng ating mga kalapit bansa maging sa pinakamababang antas pang-rehiyong palaro tulad ng Southeast in Games.

Matatandaang mula noong dumating ang administrasyon ni Aquino sa ating buhay ay naging pampito ang Pilipinas sa ginanap na SEA Games noong 2011, pang-anim noong 2013 at 2015.

Ang pampitong tapos ng mga atletang Pilipino noong 2011 sa Palembang, Indonesia ay pinakamababang naabot ng Pilipinas mula nang matanggap tayo bilang miyembro ng SEA Games Federation noong 1977.

NAKAKAHIYA! Kung nalamaman marahil ni Pangulong Marcos na magkakaganito ang kalagayan ng Philippine sports, disinsana'y di na niya hinangad na mapasap ang bansa sa SEA Games.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • GM Joey is aiming for a world title shot
    By Marlon Bernardino, Sun, 19 Oct 2025
  • Patrick Bonifacio rules Directors Chess Cup
    By Marlon Bernardino, Sun, 19 Oct 2025
  • World Boxing Announces Elite Division World Rankings
    Sun, 19 Oct 2025
  • BEN WHITTAKER PRESS CONFERENCE: EVERYTHING THAT WAS SAID AS NEW MATCHROOM SIGNING MEETS GAVAZI – PLUS: VUONG vs GWYNNE II
    Sun, 19 Oct 2025
  • BIADO, YAPP, AND DUONG POWER TEAM ASIA TO THE BRINK OF GLORY
    Sat, 18 Oct 2025
  • Prado, Catubig dominate DTI Run
    By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025
  • YORK HALL FIGHT NIGHT RESULTS: GEORGE LIDDARD MAKES HISTORY TO BECOME THE YOUNGEST EVER BRITISH MIDDLEWEIGHT CHAMPION
    Sat, 18 Oct 2025
  • Usyk in Bare Knuckle event?
    By Gabriel F. Cordero, Sat, 18 Oct 2025
  • IIEE Singapore tops National Chess Olympiad, Quezon City Simba's Tribe wins 2 matches in PCAP
    By Marlon Bernardino, Sat, 18 Oct 2025
  • Liddard Destroys Conway to Claim British Middleweight Title, Becomes Youngest-Ever Champion
    By Dong Secuya, Sat, 18 Oct 2025
  • Keiron Conway vs George Liddard: Unbeaten Prospect Faces Stiff Challenge
    By Chris Carlson, Sat, 18 Oct 2025
  • Alicaba to fight for WBC Asian Continental super fly
    By Lito delos Reyes, Sat, 18 Oct 2025
  • DAY TWO: STARBOY MANAS STEALS THE SHOW AS TEAM ASIA EXTENDS PERFECT RUN
    Sat, 18 Oct 2025
  • MANNY PACQUIAO PROMOTIONS INTRODUCES CHIEF FINANCIAL OFFICER AND VICE PRESIDENT TONY COHEN
    Sat, 18 Oct 2025
  • Joseph Subia Signs with Wise Owl Boxing
    Sat, 18 Oct 2025