
Sports sa Pilipinas, nasa maling mga kamay
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 17 Jun 2016
"Saan patungo ang Isports-Pilipinas? Mayroon bang mapa na sinusundan ang mga naglalakbay? Anong hakbang ang inihahain ng mga namumuno at nais mamuno sa ating Bansa? Anong gabay ang maibibigay ng kung sino man ang ituturing na mamamahala sa Isports-Pilipinas?"
Ang mg katanungang ito ay buhat kay Vic Africa, dating pangulo ng Philippine Fencers Association na estudyante ngayon ng PhD Anthrology sa Pamantsan ng Pilipinas, sa kanyang reaksyon sa aking kolum na lumabas ilang linggo bago mag-eleksyon noong Abril.
"Mga salita lang ba ang madidinig ng komunidad sa Isports-Pilipinas mula sa kanila .. o ang mga salita ba nila ay isasalin sa aksyon?" dagdag na tanong ni Vic na nagpahayag din ng pagdudududa hinggil sa pagsusuri ng pondasyon ng Isports-Pilipinas o sa ang pilosopiya na pinagtatayuan nito.
Ayon kay Vic, tila daw hindi nauunawaan ng mg namumuno sa isport dito sa bansa ang ibig sabihin ng ng Art. XIV, Sec. 19.1 ng Saligang Batas na naguutos sa pamahalaan na " itaguyod ng Estado ang edukasyong pisikal at pasiglahin ang mga programang pang-sports, mga paligsahang panliga, at mga amateur sports, kasama ang pagsasanay para sa mga paligsahang pandaigdig, upang maisulong ang disiplina sa sarili, pagtutulungang magkakasama at kahusayan para sa pagbubuo ng kapamayanang malusog at mulat."
(?The State shall promote physical education and encourage sports programs, league competitions, and amateur sports, including training for international competitions, to foster self-discipline, teamwork, and excellence for the development of a healthy and alert citizenry.")
Kapansin-pansin din, puna ni Vic, na ang Philippine Sports Commission na natatatag na sangay ng gobyerno na dapat na magpatupad ng nasabing kautusan ay tila hidi nauunawaan king bakit kailandgan ang palakasan sa pagbuo ng isang pamayanang malusog at may malakas na pangangatawan.
"Kung para sa Estado at mga mamamayan, ang Saligang-Batas ay ang ?kontrata ng mga inaasahan? (?contract of expectations?), at kung ang kontratang ito ay isasagawa ng PSC, Ano ang mga maaasahan mula sa nasabing probisyon?" tanong pa ni Africa na sports ang focus ang kanyang pag-aaral.
Sa madaling salita, aniya, ano ang pilosopiya na sinasandalan ng nasabing probisyon? Bakit ba kailangan ng isports? Ano ang inaasahang ambag ng isports sa Pambansang kaunlaran at pagbuti ng mga mamamayan? Bakit kaiangang maglaan ng ponpdo ang pamahalaan para dito?
Para kay dating opisyal ng PFA, ang hindi maliwanag at hindi ipinapaliwanag na pilosopiya na sinasandalan ng mandato ng mg nahihirang na oisyal ang siyang kadahilanan ng "malabo at parokyalismo na nararanasan ng Isports-Pilipinas."
Ayon kay Africa, dapat ipaliwanag sa kung sino maaatasang magpatupad ng Pambansang pilosopiya sa isports? Ito ang dapat tingnan ng mga kinauukulan. Kung ang isports ay isang paraan ng paghuhubog ng pagkatao at pinagkakahalagahan paliwanag at ipaalam ito sa kanila. Kung ang tunay na layunin ng isports ay ang makabuo ng kapamayanang malusog at mulat, gawin nila ito.
Ang paglalakbay ay magiging madali kung alam ang pupuntahan. At mas maigi pa sana kung iisa lamang ang ?tambol mayor? na susundan ng mga nagma-martsa. Hanggang pangarap na lamang ba ito para sa Isports-Pilipinas?
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Controversial Judges from Pacquiao-Barrios Fight Tapped for Canelo-Crawford Showdown
By Dong Secuya, Sat, 23 Aug 2025Levinson’s Gift: Runyon’s quiet revelation, Lawton’s last battle, and the first Filipino boxer
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 23 Aug 2025Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025AISAT Basic Ed football training starts
By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
Fri, 22 Aug 2025Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
Fri, 22 Aug 2025Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
Fri, 22 Aug 2025COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
Thu, 21 Aug 2025‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
Thu, 21 Aug 2025JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
Thu, 21 Aug 2025Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025