Mobile Home | Desktop Version




DUTERTE 'COVER BOY' NG TIME MAGAZINE

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 18 May 2016



Hindi pa man nakakapanumpa bilang Pangulo ng bansa ay nakamit na ni Davao City Mayor Rodrigo "Digong" Duterte ang karangalang maging "Cover Boy" ng prestihiyosong TIME MAGAZINE. Itinampok si Pangulong Digong sa isyu ng nasabing internasyonal na publikasyon noong nakaraang linggo.

Iilang Pilipino pa lamang andg nabigyan ng ganoong pagkilala ng TIME. Ang ang kaunaunahang ginawaran ng karangalan ay si Pangulong Manuel Quezon, Punong Tagapagpaganap noong panahon ng Commonwealth.

Anim pang pinakamataas na pinuno ng bansa ang naitampok bilang "Cover Boys" ng TIME -- Manuel Roxas, Ramon Magsaysay, Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Gloria Macapagal-Arroyo at Benigno Aquino III.

Apat na beses na naging "Cover Girl" si Tita Cory. Una ay noong gawaran siya ng karangalang "Woman of he Year" ng nasabing magasin noong 1987.

Tatlong hindi naman naging Pangulo ay naitampok sa unang pahina ng TIME -- ang boksingero at nahalal na senador na si Manny Pacquiao, environmentalist na si Chin Chin Gonzales at mamamahayag na si Jose Antonio Vargas.

Limang pahinang artikulo ang inilaan ng TIME kay Pangulong Digong na pinamagatang Why the Philippines elected the "Punisher" as President. Sinulat ito ni Charlie Campbell. Ilan sa dahilan ng mga Pilipino upang iboto si Duterte ay nailahad na ng kolumnistang ito noong nakaraang Lunes.

Sa kanyang istorya, inilahad Campbell kung papaanong nabaligtad ng uupong Pangulo ang Davao mula sa dati'y iniiwasang lugar ng mga Pilipino mismo dahil sas kriminalidad na talamak na nangyayari sa lunsod hanggang maging isa sa mga pinakatahimik na lugar sa daigdig.

"He would personally patrol streets after dusk, checking up on police officers, dropping by jails to scold habitual offenders and dispensing pocket change to streetwalkers or the otherwise hard-up," pahayag ni Campbell.

May ilang katanungan sa artikulo na tumutukoy kung may kakayahan ba si Duterte na gumuhit paraan kung mabibigyan ng kalutasan ang mga problemang kanyang kakaharapin dala masamang pamamahala ng mamanahin niyang rehime.

Ilan din sa mga duda sa kanyang kakayahan ay ang pagiging simpatiko niya sa makakaliwa na ayon mismo sa kanya ay patatawarin niya at bibigyan pa ng pagkakataong mabigyan ng posisyon sa kanyandg administrasyon sa ngalan ng pagkakaisa.
Isa rin sa kinatatakutan, lalo na ng sektor ng karapatang pangtao, ay ang paiging kilala ni Digong sa pagkakatayo ng "Davao Death Squad"kanyang siyudad.

oOo

SAMOT-SARI: Marami kaming kasama sa sektor ng palakasan ang nangangamba na sa dami ng mga ipinahayag na programa ng darating na administrsasyon ay walang nababanggit hinggil sa kung paanong mahahango ang Philippine sports sa hukay na kinalalagyan nito ngayon ... Sa totoo lang, inaasahan ng kolumnistang ito na sa malao't-madali ay magbibigay ng pahayag si kasamang dating Cotabato Gov. Manny Pinol tungkol dito .... Si Gov. Pinol kasi ay isa sa mga kinikilalang malapit kay Duterte na may alam spots bilang kolumnista at sumusuportas sa boksing... Kaya ganoon na lamang ang pagtataka namin nang si Manny pala ay napipisil na maging kalihim ng pagsasaka ... Hindi naman kasi namin alam na ito palang si Manny ay nasa agrikultursa rin ... he he...


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • The Scariest Division in Boxing
    By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 01 Nov 2024
  • "Worcester Championship Boxing" Official Weights
    Fri, 01 Nov 2024
  • SCHOFIELD VS. TELLEZ GIRON FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
    Fri, 01 Nov 2024
  • WEIGHTS FROM ORLANDO FLORIDA
    Fri, 01 Nov 2024
  • Team USA Sends Five Boxers to the World Boxing U19 Championship Finals and a Chance at Gold
    Fri, 01 Nov 2024
  • Press Conference Notes: Robson Conceição and O'Shaquie Foster Promise to Settle Rivalry in Saturday's World Title Rematch
    Fri, 01 Nov 2024
  • Undefeated bantamweight prospect Dominique “Dimes” Crowder Ready to cash in on The Boardwalk
    Fri, 01 Nov 2024
  • Kevin Arquero rules 3rd Fide Master Angelito Z. Camer Rapid Chess Tournament
    By Marlon Bernardino, Thu, 31 Oct 2024
  • Plania stops Julio in 3rd round
    By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024
  • MARIO "EL AZTECA" BARRIOS MEDIA WORKOUT QUOTES
    Thu, 31 Oct 2024
  • Mama fails to win WBO NABO fly
    By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024
  • Top Rank Presents Junior Lightweight World Championship: Robson Conceição vs. O'Shaquie Foster 2
    Thu, 31 Oct 2024
  • Membership of World Boxing rises to 51 National Federations after it approves applications from seven more countries
    Thu, 31 Oct 2024
  • Malik Scott in Zurdo Ramirez’ corner
    Thu, 31 Oct 2024
  • GM Daniel Quizon favorite in the Kamatyas Rapid Open chess tournament in Isabela
    Thu, 31 Oct 2024