KULELAT NA NAMAN ANG ATLETANG PILIPINO
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 27 Apr 2016
Sa malas ay wala pa ring pagasa na magbabago ang kalagayan ng palakasan sa bansa sa susunod na administrasyong papalit sa kasalukuyang rehime. Na ang atletang Pilipino ay mananatiling kulelat maging sa pinakamababang uri ng kumpetisyon dito sa bahaging ito ng Asya -- ang Southeast Asian Games -- kung saan ang Pilipinas ay natapos na pag-anim sa overall standing sa kahulihulihang kaganapan nito noong nakaraang taon sa Singapore. Matatandaang pampito ang Pilipinas noong 2013, pinakamababa mula nang ang bansa ay unang lumahok noong 1977.
Nasabi ko ang obserbasyong ito sa dahilang natapos at natapos ang ikatlo at huling kabanata ng pampanguluhang debate tungo sa nalalapit na halalan para sa pinakamataas na puwesto ng pamahalaan ay wala isa man sa limang mga kandidato ang nakapagpahayag ng programa tungkol sa kung paano nila mahahango ang Philippine sports sa malungkot na hukay na kinalalagyan nito.
Ang ibig sabihin, wala isa man kina Bise Presidente Jojo Binay, dating kalihim Mar Roxas, Sen. Miriam Santiago, Mayor Digong Duetrte at Sen. Grace Poe ang nakakaunawa ng kahalagahan ng sports sa pagtatatag ng isang malusog at malakas pamayanan na napapaloob mismo sa Saligang Batas bilang isa sa mahahalagang tungkulin ng gobiyerno.
Ang ibig ding sabihin ng pagiging tahimik ng mga kandidato sa panguluhan tungkol, sa kani-kanilang programa sa palakasan ay wala ni isa man sa kanila ang karapatdapat na pagkatiwalaan ng boto ng lahat ng lider natin sa sports, atleta, coach, trainer at lahat ng nagmamahal sa sports. Sa madaling sabi, wala tayong dapat iboto alinman sa mga kandidatong naghahangad na maging pangulo ng bansa kahalili ng kasalukuyang nananahanan sa Palasyo ng Malakanyang, si pangulong Benigno Aquino III. Maliban na lamamg na kung mula sa araw na ito, hanggang sa araw ng eleksyon ay may magkusang magpahayag ng programa kapag nabasa ang kulom na ito.
Para sa kaalaman ng mga kinauukulan, sa ilalim ng "Article II -- Declaration of Principles And State Policies ng Saligang Batas ay ipinaguutos:
Section 13: "The state recognizes the vital role of the youth in nation- building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social-well-being. It shall inculcate in the youth patriotism and nationalism, and encourage their involvement in public and civic affairs."
Sec. 17: "The state shall give priority to education, science and technology, social progress, promote total human liberation and development."
Article XIV, Section 19 (Philippine Constitution): (1) "The state shall promote physical education and encourage sports programs, league competitions, and amateur sports, including training for international competitions, to foster self-discipline, teamwork, and excellence for the development of a healthy and alert citizenry."
(2) "All educational institutions shall undertake regular sports activities throughout the country in cooperation with athletic clubs and other sectors."
Ang mga probisyong ito ng Saligang Batas ang naging basehan ng lahat ng batas, proklamasyon, utos-ehekutibo, ordinansa at iba pa na ipinatupad ngd lahat ng administrasyon mula sa panunungkulan ni Pangulong Quezon, Manuel Roxas, Jose Laurel, Elpidio Quirino, Ramon Magsaysay, Diosdado Macapagal, Ferdinand Marcos, Cory Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo.
Tanging ang pamamahala lamandg ni Presidente Noynoy ang walang nagawa para palakasan at paunlarin ang palakasan sa bansa. Siya ang tanging Punong Ehekutibo, sa totoo lang, na ni hindi nag-send off o nag-welcome ng national sports delegation na kumatawan sa Pilipinas sa alinnmang international competition sa loob nang anim na taon niyang panunungkulan.
At sa tingin ng SALA SA INIT ... SALA SA LAMIG, mauulit ang masamang karanasang ito sinuman kina Binay, Roxas, Santiago, Duerte, at Poe ang manalo sa darating na halalan.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
The Scariest Division in Boxing
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 01 Nov 2024"Worcester Championship Boxing" Official Weights
Fri, 01 Nov 2024SCHOFIELD VS. TELLEZ GIRON FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
Fri, 01 Nov 2024WEIGHTS FROM ORLANDO FLORIDA
Fri, 01 Nov 2024Team USA Sends Five Boxers to the World Boxing U19 Championship Finals and a Chance at Gold
Fri, 01 Nov 2024Press Conference Notes: Robson Conceição and O'Shaquie Foster Promise to Settle Rivalry in Saturday's World Title Rematch
Fri, 01 Nov 2024Undefeated bantamweight prospect Dominique “Dimes” Crowder Ready to cash in on The Boardwalk
Fri, 01 Nov 2024Kevin Arquero rules 3rd Fide Master Angelito Z. Camer Rapid Chess Tournament
By Marlon Bernardino, Thu, 31 Oct 2024Plania stops Julio in 3rd round
By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024MARIO "EL AZTECA" BARRIOS MEDIA WORKOUT QUOTES
Thu, 31 Oct 2024Mama fails to win WBO NABO fly
By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024Top Rank Presents Junior Lightweight World Championship: Robson Conceição vs. O'Shaquie Foster 2
Thu, 31 Oct 2024Membership of World Boxing rises to 51 National Federations after it approves applications from seven more countries
Thu, 31 Oct 2024Malik Scott in Zurdo Ramirez’ corner
Thu, 31 Oct 2024GM Daniel Quizon favorite in the Kamatyas Rapid Open chess tournament in Isabela
Thu, 31 Oct 2024