HUWAG IPAGKAIT SA SAMBAYANANG PILIPINO NA MAPANOOD ANG HULING LABAN NI PACMAN
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 10 Mar 2016
GENERAL SANTOS CITY -- Hindi naman napakalalim na palaisipan kung bakit mahal ng mga Pilipino si Manny Pacquiao.
Mula noong mapanalunan ni Pambansang Kamao ang korona sa fylweignt ng World Boxing Council noong 1998, lalo na noong patungan siya ng korona bilang pandaigdig na kampeon din ng International Boxing Federation sa super-bantamweight noong 2001, ay sindundan na ng kanyang mga kababayan ang kanyang karera sa boksing para mabigyan niya ng 'di mapapantayang karangalan hindi lamang ang kanyang sarili kundi ganoon din ang Pilipinas at ang lahat ng Pilipino.
Mula pagiging flyweight o 112 librang timbang, unti-unting umakyat si Pacman sa featherweight (126 libra), super-featherweight (130 libra), lightweight (135 libra), junior-welterweight (140 libra), welterweight (147 libra) at super-welterweight (154 libra) at makuhang lahat ang 10 pandaigdig na kampeonato sa mga dibisyong ito.
Kahit saang lugar siya dalhin ng kanyang napiling propesyon, sa Asya, Etados Unidos, maging saan mang lupalop sa mundo, kung hindi man siya personal na puntahan para mapanood and kanyang mga laban, ay pinapakinggan nila ang mga ito sa pamamagitan ng radyo, pinapanood sa telebisyon at binabasa sa mga pahayagan tanda ng kanilang pagmamahal sa kanya at pagkilala sa nagawa niya para sa bansa at sa lahing kayumanggi.
Ang buong bansa ay mistulang paralisado kung siya ay lumalaban. Parang estatuwang nakatayo na di kumikilos. Wala halos lumalabas ng kani-kanilang mga tahanan at kung may mangila-ngilan man, ito ay upang maghanap lamang kung saan sila makapanonood, makisaya kapag nanalo at lumuha kapag natalo.
Ang mga rebelde ay bumababa sa kapatagan upang samahan ang mga tahimik na sibilyan-bayan na mapanood ang kanilang idolo sa liwasang bayan, plasa, stadium o anumang bukas na palaruan o espasyo.
Hindi kululangin sa 40 laban pa ang sumunod mula nang patulugin ni ngayon ay Sarangani Congressman Pacquio ang Thai na si Chatsai Sasakul sa ika-8 round ng kanilang 12-round na paghaharap upang makuha ang titulo hg WBC flyweight na walang sawa siyang sinuportahan ng kanyang mga kababayan.
Pagsuportang dala ng kaisipang sa bawat panalo at talo ng kanilang bayani ay nagbibigay ng pagasa sa mga Pilipino na gaano man silang kaliit at kalalim ang mga kahirapang kanilang kinasasadlakan ay mayroon pang pagkakataong sila ay makaahon at marating ang kaginhawahang ngayon ay tinatamasa ng Pambansang Kamao.
Sa ika-9 ng Abril ay haharapin ni Pacquiao sa ikatlong pagkakataon ang Amerikanong si Timothy Bradley at may pagkakataon na naman sanang makita siya ng kanyang mga kababayan, sa kahuli-hulihang pagkakataon tapos na ipahayag niyang magre-retiro na siya matapos ang labang iyon.
Sa kasamaang palad, ang mga kaganapang kasama ng kanyang huling 40 na laban ay malamang na hindi mangyari sa kanyang pamamaalam. May isang petisyong iniharap sa Commission on Elections ang isa ring kanditato sa pagka-senador na naglalayong patigilin ang Pacquiao-Bradley fight o kaya ay huwag itong ipalabas dito sa Pilipinas.
Magiging malaking bentahe umano para kay eight-division champ kung ilalabas ang laban dahil milyun-milyon ang inaasahang makakapanood nito. Sinadya daw ni Cong. Manny na idaos ang nasabing laban sa panahon ng kampanya. May kasama pang pananakot na baka daw kanselahin ang kandidatura ni Cong Manny.
Malaking kasinungalingan ito, kung hindi man katangahan. Kung nirepaso lamang sana ng mga nasa likod ng petisyon ang mga laban ni Manny mula nang magsimula siyang mg-boksing noong taong 1995, nakita sana nila na hindi kukulangin sa 30 laban niya ay naganap mula sa buwan ng Enero hanggang Mayo.
Sino naman ang maga-akalang maiisip pa ni Manny at ng kanyang promoter na gawin ito para lamang magkaroon ng bentahe sa publisidad? Hindi nga ba't lahat ng laban niya ay kusang sinusundan ag pinapanood ng mga Pilipino?
Yung patigilin ang laban sy malabong mangyari sa dahilang ito ay idaraos sa Las Vegas, Nevada na di kayang abutin ng galamay ng Comelec. Yung hindi ipalbas ang laban dito ang puwedeng mangyari
Kung magkakaganoon, HINDI MAKIKITA NG ATING MGA KABABAYAN NA LUMABANG MULI ANG ATING PAMBANSANG KAMAO!
AT HINDI NA NILA MULING MAPANOOD ANG KANILANG IDOLO KUNG TOTOHANIN NI MANNY ANG BALAK NIYANG PAGRE-RETIRO! BAKIT KAILANGANG IPAGKAIT PA SA MGA KABABAYAN NATIN NA MAKITA ANG KANILANG BAYANI SA KAHULI-HULIHANG LABAN NIYA?
Tila yata dala na naman ito ng pagkakaroon ng utak talangka ng ilan sa ating mga kababayan. Masakit! di po ba?
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Dumam-ag fights Limura for vacant OPBF fly title
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Jayson Mama vs. Michael Bravo Ends in Technical Draw; Joey Canoy and Rv Deniega shine in Sanman's Last Show of 2024.
Sat, 28 Dec 2024Casama to face Fujita in Tokyo
By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024Mirano, Bernardino, Alidani shine in Penang chess tilt
By Marlon Bernardino, Sat, 28 Dec 2024February 24: Junto Nakatani-David Cuellar Title Showdown Headlines a Bantamweight Bonanza in Tokyo LIVE on ESPN+
Fri, 27 Dec 2024Zamora, Soledad crush opponents in Bangkok
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024GOLDEN BOY LAUNCHES INTO 2025 WITH ERIC PRIEST HEADLINING FIRST-EVER SHOW AGAINST TYLER “HERCULES” HOWARD
Fri, 27 Dec 2024PH Fighter of the Year, Top Fighters of 2024
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 27 Dec 2024Three in line for title bids
By Joaquin Henson, Fri, 27 Dec 2024Paciones wins WBA Asia light fly title
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024Yanong KOs Phayom in 2nd round
By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024Cebuana Lhuillier Tennis Team Dominates, Defends Title at 41st PCA Open Championship
By Marlon Bernardino, Fri, 27 Dec 2024MIEL FAJARDO READY FOR YOHANA IN EXCITING WBO 112 GLOBAL TODAY IN TANZANIA
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024Today! Paciones, Yanong, Zamora, Soledad Ready for Action in Highland Show in Thailand
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024LERASAN, KASSIM, MAKE WEIGHT FOR WBF 118 BELT IN TANZANIA
By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024