Mobile Home | Desktop Version




Pacquiao-Mayweather II, posible o hindi?

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Tue, 17 Nov 2015



Okey, alam na nating lahat na retirado na si Floyd "Money Man" Mayweather Jr. at kung paniniwalaan natin ang bulong-bulungan malamang na sumunod ang mahigpit niyang kaaway, ang ma-alamat na Pilipinong si Manny Pacquiao.

Bagamat wala pang opisyal na pahayag si Pacman tungkol sa umano'y balak niyang pamamahinga matapos ang susunod niyang laban sa ika-9 ng Abril sa susunod na taon. Pero kapanipaniwala ang balita sa dahilang ang pinagmulan nito ay si Bob Arum mismo, ang kaniyang promoter. Ayon kay Arum, nagkausap na umano sila ni Sarangani Congressman at nasabi sa kanya ng huli ang balak nga nitong sumunod sa yapak ni Floyd Jr.

Tutoo man o hindi, magkakaroon ng pagkakaon si Cong Manny na iwanan ang minahal niyang sport sa loob ng mahigit 20 taon nang mas makulay, bagay na di naranasan ng wala pang talong si Mayweather. Kung matatandaan, pinili ni Money Man na labanan ang pipitsuging si Andfre Berto na tapusin ang kanyang 19 na taong kampanya sa ibabaw ng parisukat na lona.

Sa naging resulta nga ng laban, kayang-kayang nalampsan ng limang beses na kampeong Amerikano si Berto upang magtala ng kanyang 49-panalo, 0-talong rekord at pantayan ang matagal nang rekord na pagaari ng dakilang si Rocky Marciano.

Dahilan para hindi maging masaya at makulay na tinanggap ng buong komunidad ng boksing ang kanyang pamamaalam gaya ng inaasahan niya at ng nakararami.

Sa kabilang dako, inaasahang magiging mas marangya at karapatdapat sa kanyang kalagayan sa mundo ng boksing ang pamamaalam ni eight-division champion. Pawang mga de-dalidad na boksingero ang nakahanay na posible niyang makalaban sa Abril -- ang wala pang talong kampeon sa junior welterweight na si Terence Crawford, dating naghahawak ng koronang si Amir Khan at welterweight titleholder na si Timothy Bradley.

Kahit sino ang mapagpasiyahang kalaban ni "Fighter of the Decade" ay siguradong magiging patok na tatangkilikin ng mga mahihilig sa boksing. Di gaya ng nakaraang pagtutuos nina Mayweather at Berto na nilangaw kapuwa sa takilya at sa pay-per-view.

Mababawi lamang ni Mayweather ang naglaho niyang reputasyon kung lalabas siya sa pintuan ng pagre-retiro at labanang muli ang asawa ni Sarangani Vice Gov. Jinkee. Tutal naman ay isa siya sa mga napipisil ni Cong Manny para sas susunod niyang laban.

Isang malaking utang na loob na tatanwin ng balana kung lalaban siyang muli at si Manny ang makakaharap niya. Malaking utang na loob din niyang dapat tanggapin kay Manny kung matutuloy ang kanilang pangalawang laban sa dahilang ito ang magiging saving grace niya sa maling desisyong harpin si Berto sa kanyang pag-awit ng kanyang swan song.

Sabi ng ng mg kababayan niya sa United States of A., why not? Kaya nga lamang, naniniwala din ako sa palagay ng mas nakakararami na imposibleng mangyari ito. Sabi nga ng marami, kung yung unang laban nila ay tumagal ng limang taon bago nangyari, ito pang pangalawa?

Maliban na lamang kung maiisip ni Money Man ang magiging bahagi niya at ni Pacquiao sa pag-ukit ng kanilang pangalan sa kasaysayan ng boksing kung magiging posible ang Pacquiao-Mayweasher II o kaya ang Pacquiao-Mayweather Super Fight III tulad ng trilogy sa pagitan ni Muhammad Ali at Joe Frazier na hanggang ngayon, 40 taon ang nakararaan ay nananatili sa isipan ng mga tagasunod ng sweet science pinag-u-usapan pa.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Dumam-ag fights Limura for vacant OPBF fly title
    By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024
  • Jayson Mama vs. Michael Bravo Ends in Technical Draw; Joey Canoy and Rv Deniega shine in Sanman's Last Show of 2024.
    Sat, 28 Dec 2024
  • Casama to face Fujita in Tokyo
    By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024
  • Mirano, Bernardino, Alidani shine in Penang chess tilt
    By Marlon Bernardino, Sat, 28 Dec 2024
  • February 24: Junto Nakatani-David Cuellar Title Showdown Headlines a Bantamweight Bonanza in Tokyo LIVE on ESPN+
    Fri, 27 Dec 2024
  • Zamora, Soledad crush opponents in Bangkok
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • GOLDEN BOY LAUNCHES INTO 2025 WITH ERIC PRIEST HEADLINING FIRST-EVER SHOW AGAINST TYLER “HERCULES” HOWARD
    Fri, 27 Dec 2024
  • PH Fighter of the Year, Top Fighters of 2024
    By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 27 Dec 2024
  • Three in line for title bids
    By Joaquin Henson, Fri, 27 Dec 2024
  • Paciones wins WBA Asia light fly title
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • Yanong KOs Phayom in 2nd round
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • Cebuana Lhuillier Tennis Team Dominates, Defends Title at 41st PCA Open Championship
    By Marlon Bernardino, Fri, 27 Dec 2024
  • MIEL FAJARDO READY FOR YOHANA IN EXCITING WBO 112 GLOBAL TODAY IN TANZANIA
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024
  • Today! Paciones, Yanong, Zamora, Soledad Ready for Action in Highland Show in Thailand
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024
  • LERASAN, KASSIM, MAKE WEIGHT FOR WBF 118 BELT IN TANZANIA
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024