Mobile Home | Desktop Version




THE SNOW BADUA ISSUE

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 28 Sep 2015




OVERKILL!

Ito ang unang reaksyon ko nang mabasa ko sa mga pahayagan ang pasiya ni kauupo lamang na PBA commissioner Chito Narvasa na pinagbabawalan si sportswriter Snow Badua na kumober o pumasok man lamang sa lugar kung saan ay may idinadaos na aktibidad na may kaugnayan sa kauna-unahan at ngayon ay kaisa-isa nang liga propesyonal sa bansa.

May naisulat umano itong si Badua na nakasasama sa isang opisyal ng liga -- Si Alfrancis Chua o Chualay, miyembro ng board of Pba governors -- na wala namang pinagbabasihang ebidensya para patunayan na tutoo ang kanyang mga ibinulgar. Sa unang malas ay masasabi ngang overkill o sobra ang parusang iginawad kasi birtuwal na pinagbabawalan si Snow ng karapatan niyang humanap ng ikabu-buhay para mapakain ang kanyang asawa at mga anak.

Bukod sa ang parusa ay pagbabawal din sa pagsasanay ng kalayaan ng isang mamahayag na maglahad mga bagay kaugnay ng kalayaan sa pamamahayag. Ang karapatang humanap ng ikabubuhay at ang kalayaan sa pamamahayag ay parehong ginarantiyahan ng ating Saligang Batas.

Kasama sa gag order ang pagbabawal din sa kaninumang opisyal (bard governor, coach, team manager, manllalaroat iba pa) na magpa-interview kay Badua. Sinumang lalabag ay may kaparusahan.

Matindi, sa palagay ko, ang kaparusahang tinanggap ni Snow, lalo't kung iisiping mula nang ipinanganak ang liga noong 1975 o 40 taon na ang nakararaan, ang PBA at lahat ng taong may kaugnayan sa liga, kasama na rito ang media, ay isang malaking pamilya na kapag nagkaroon ng di pagkakaunawaan ang mga personalidad na nasa ilalim ng liga, ang mga ito ay nabibigyan ng solusyon sa pamamagitan ng magandang usapan.

Hindi malinaw kung may pagkakatong pinag-usap si Snow at si Chualay para magkaunawaan. O kaya an nabigyan ng reporter ng kanyang day in court, sabi nga ni Kano. O nabigyan si Chualay ng pagkakataong maitanong kay Snow kung ano ang ebiddensya niya sa mga ibinibintang niya.

Ito ang kauna-unahang pagkakaton na ang isang media man ay na-ban sa PBA, bagama't may ilang mga tinatawag na "isolated cases" ng di pagkakaunawaan ng ilang opisyal ng liga at reporter. Ito ay hindi nagtagal at nabigyan agad ng solusyon. May isang pagkakataon ngang nilunok ng iang opisyal ang kanyang pride sa pamamagitan ng pagpapahayag ng isang public apology sa pagkakamaling kanyang nagawa sa mamamahayag.

Wala ako sa kapangyarihang maghusga kung sino ang may pagkamali sa pagitan ni Snow at ni Chualay. Hindi ako nagbubukas ng face book o twitter o blog kung saan nalathala ang mga pinagsusulat ni Snow at kung saan nag-umpisa ang kontrobersiya. Ang alam ko sa nangyari ay halaw lamang sa mga kuwento sa akin.

Ang maipapayo ko lamang sa mga kinauukulan ay sana'y mag-usap sila. Si Chualay, si commissioner, si Snow para magpaliwanagan at maayos ang sigalot para hindi humaba at umabot pa kung saan at tuloy magkassakitan ng malubha. Tingin ko ay nagka-pikunan lang. Magkakasama at magkakaibigan ang mga ito. Malapit si Chualay kay KumChito. Katunayan, kay Chualay ipinamana ni KumChito ang pagiging pangulo ng Baketball coaches Association of the Philippines nang tanggapin niya ng pagka-commissioner..

Si Snow, mas malapit nga sa mga opisyal ng PBA kaysa ibang miyembro ng media. Nitong mga huling season, si Snow pa nga ang umaaktong emcee ng mga pre-season press conference na idinadaos at pati na ang finals presser. Ito ay sa kabila na may mga mas matatagal nang broadcaster sa linya ng PBA Press Corp.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Jeremy Marticio wins IIEE SIKAT, ICFF won PTC World Engineering Opening
    By Marlon Bernardino, Sat, 13 Dec 2025
  • Facularin to fight Torres on December 13 in Japan
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • Baricuatro wins, Veloso falters in SEAG boxing
    By Lito delos Reyes, Fri, 12 Dec 2025
  • BASH BOXING AND UP NEXT FIGHTING RETURN WITH SPECIAL EDITION UNF 29 TOMORROW NIGHT AT ACE · MISSION STUDIOS IN LOS ANGELES
    Fri, 12 Dec 2025
  • MERCADO AIMING TO SEND MESSAGE TO 140LB RIVALS
    Fri, 12 Dec 2025
  • Sullivan Management signs Influencer/pro boxer Brooklyn Barwick
    Fri, 12 Dec 2025
  • Round 12: Successful WBC Annual Convention in Bangkok (Photos)
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 12 Dec 2025
  • Halfway Point Surpassed at the 2025 USA Boxing National Championships
    Fri, 12 Dec 2025