
Si Baby Girl Daniela at idolo ng bayan Manny Pacquiao
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 23 Sep 2015
Kahit sa kanyang pamamahinga sa pagpapagaling ng kanyang kanang balikat na napilay bago ang laban niya kay Floyd Mayweather Jr., ay patuloy ang pabibigay ng karangalan kay idolo ng bayan Manny Pacquiao.
Kaisa-isang nilalang sa balat ng lupa na nanalo ng 10 korona sa walong dibisyon at apat na lineal title bukod sa apat pang pang parangal na iginawad ng Boxing Writers Asociation of America at marami pang iba buhat sa Time Magazine at Forbes Magazine, gagawaran din ang ipinagmamalaking anak ng General Santos ng isa pang parangal buhat sa Asia Society sa isang seremonyang nakatakddang ganapin sa United Nations Headquarters sa New York.
Napili si Sarangani Congressman bilang "2015 Game Changer of the Year" ng Asia Society kasama ng siyam pang buhat sa iba't-ibang bansa sa gabi ng pagkilala sa ika-13 ng Oktubre. Lahat ng papatawan ng gagawaan ng pagkilala dahil sa kanilang nagawa sa buhay ng iba pa sa ipunan.
Ang iba pang pararangalan ay sina Isamu Akasaki, Hiroshi Amano, at Shuji Nakamura (japan), Chanda Kochhar (India), Lei Jun (China), Li Cunxin (Australia/China), Aasif Mandvi (United States/India), Mariam al-Mansouri (United Arab Emirates) and Kiran Bir Sethi (India).
Ang Pilipino ring idol ay siyang pangunahing bibigyan ng karangaln at magssalita sa selebrassyon ng UN kasama ng lahat ng gagawaran na pinili mula sa libo-libong iba pa.
"The Asia Game Changer Awards address the lack of recognition for Asians who are transforming ideas into action and improving lives," ani Josette Sheeran, pangulo ng Asia Socitey.
"This year's honorees could not be more different from one another. They include a group of scientists, a comedian, a dancer, a fighter pilot and a boxer. What they share in common is that they all fight for a better today and inspire the world to do things differently," dagdag ni Sheeran.
Ayon kay Sheeran, lahat ng gagawaran ay nakatanggap ng suporta mula sa bunog mundo, "but Pacquiao came on top of the list for his remarkable success."
"Manny Pacquiao achieved his remarkable success after a childhood of extreme hunger and poverty. Today, Manny is a major humanitarian force, directing his philanthropy toward numerous causes, including education and the fight against human trafficking. He is a remarkable inspiration and demonstrates the power of giving back to transform people's lives," Sheeran added.
Samantala, ipinahayag na ni promoter Bob Arum ang listahan ng mga anyay's puwedeng makalaban ng Pilipino sa muling pag-akyat nito a parisukat na lona sa oras na gumaling na ang napainsala niyang kanang balikat. Ito ay sina Amir Khan, Kell Brook, Lucas Matthysse and Juan Manuel Marquez.
Sa kasalukauyan, ay abala si Cong Manny sa kanyang pagtulong sa kapuwa sa kanyang probinsya at paghahanda para sa darating na halalan sa susunod na taon. Abala rin si Pacman sa poroyekto niyang persoal na magkaroon ng pagkakaisa at kapayapaan sa Sarangani.
"He's doing a million things right now," pahayag ni Arum. "But I'm not going to make a fight for him until he sees (Dr. Neal) ElAttrache. ElAttrache said he won't clear him until there's an MRI."
o0o
SAMOT-SARI:Tunay na mrami pa ring mga taong ma busilak na puso .... Noong Lunes ay may lnakatabi akong mag-ina sa LRT patungong POC-PSC Media Center sa Rizal Memorial Sports Comple .... Galing ang mag-ina sa Philippine Heart Center kung saan ang anak na ang pangalan ay Daniela San Agustin ay inoperahan sa kanyang dalawang mata noon pang Mayo ... Pauwi na sia sa sta. Cruz, Laguna ... Wala na ang dalawang mata ni Baby Girl Daniela, inalis na ng mga doktor matapos na ito'y mgkaroon ng kompikasyon nang unang ma-operahan sa hydrocephalus o paglaki ng ulko ilang buwan na ng nakararaan... May nag-donate na Filipino-American daw naman ng dalawang mata para ipalit sa inalis ... My sipon at uo si Baby girl Daniela ani ni Raquel, ina ng bata kaya di nailagaxy ang bagong pares na mata ng bata ... kailangang umuwi muna sila sa probinsya .... Pati umano gastusin sa pagpapalit ng mata ay sagot ng donor na hindi matandaan ni Raquel ang pangalan ... Pang-araw-araw na gastusin na lamang ang kailangan nilang mag-ina .... Pumanaw na ang Tatay ng limang taong si Baby Girl Daniela .... Agad namang nagsipagabot ng kani-kanailang tulong na pinansiyal ang mga kasabay naming pasahero .....Kung mayroon pang gustong tumulong , maaring tumawag sa SALA SA INIT .... SALA SA LMIG (0919 660 4764) o kaya ay sa telepono ni Raquel (0907 042 0359) ..... Maraming salamat po at pagpalain naw kayong lahat ng Panginoon!
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025