Kobe makalalaro na, susunod na kaya si Manny?
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 20 Sep 2015
Magandang balita para sa mga milyong tagahanga ni Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers dito sa bansang baliw na baliw sa basketball.
Ayon sa ulat, balik na umano ang dating lakas sa paglalaro ni Black Mamba at handang-handa na siyang sumabak sa darating na training camp ng Lakers na magsisimula sa Hawaii sa darating na ika-28 ng Sityembre.
Matatandaang napinsala ang rotator cuff ng kanang balikat ni Kobe noong Enero nitong taong ito at mula noon ay hindi na siya nakitang nakapagsuot ng uniporme ng Los Angeles.
Napapagusapan na rin lang ang pinsala ni Kobe sa kanyang rotator, ito rin ang naging pinsala ng ating Pilipino eight-division boxing champion Manny Pacquiao. Noong kalagitnaan naman ng Abril nakuha ni Sarangani Congressman ang kanyang injury habang naghahanda para sa laban niya kay Floyd Mayweather Jr.
Walong buwan ang inabot ng pagkukumpuni ng balikat ni Kobe. Ang ibig sabihin, kung ganoon ding kahaba ang itatagal ng pagpspagaling ni Cong Manny, malapit-lapit na ring makaahon ang kabiyak ni Saragani Vice Gov. Jinkee sa kanyang pinsala. Bago dumating marahil ang Pasko ay baka magaling na magaling na ang Tatay nina Jimwell, Michael, Pincess, Queenie at Israel.
Pero kung ang pagbabasihan ay ang mga ikinikilos ni Cong, baka mas maaga pa ay ganap na makumpuni na ang pinsala niya.
Kung magkakagganoon, Enero sa susunod na taon ay baka handa na rin siyang mag-ensayo na matagal-tagal na rin namang hindi niya nararanasan. At baka sa Marso o Abril, eksaktong isang taon pagkaraang siya'y madsisgrasya, ay makalaban na siya.
Ibig ding sabihin ay di na gaanong magtatagal at makikita na naman natin siyang tumayo sa ibabaw ng ring upang muli ay bigyan taho ng kalaigayahan na hindi natin nakita noong huling laban niya sa wala pang tayong Amerikanong si Mayweather.
Sa ngayon ay enooy na enjoy naman ang "Fighter of the Decade" sa kanyang pagpapagaling at pagpapahinga. Sinasamantaa niya ang mga panahong ito sa pamamasyal at papapa-unlak sa mga imbitasyon sa kanya.
Baay na di niya maawa noong aktibo siya sa paglaban.
Ilang araw lamang ang nakalilipas ay nasa Tokyo siya kung saan ay panauhing pandagal siya sa pagdaraos ng PHILIPPINE FESTA na ginanap sa pangunahing lunsod ng bansang Hapon. Naikuwento o na rin sa ilang nakarang piyesa ng SALA SA INIT ... ang pakikipag-ugnayan niya sa kalikasan sa kanyang Pacman Beach Resort sa Sarangani.
Abala rin si Cong Manny ngayon sa pagpo-promote ng pagkakaisa at kapayapaan sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim sa kanyang nasasakupan.
Sa madaling salita, habang ang kalaban iyang si Mayweather ay kung ano-anong iskandalo ang kinasasangkutan, itong huli ay ang sapantahang dinaya niya ang kanilang laban noon ika-2ng Mayo, si Pacman ay nalululong sa mga makabuluhang aktibidades.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
The Scariest Division in Boxing
By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 01 Nov 2024"Worcester Championship Boxing" Official Weights
Fri, 01 Nov 2024SCHOFIELD VS. TELLEZ GIRON FINAL PRESS CONFERENCE QUOTES
Fri, 01 Nov 2024WEIGHTS FROM ORLANDO FLORIDA
Fri, 01 Nov 2024Team USA Sends Five Boxers to the World Boxing U19 Championship Finals and a Chance at Gold
Fri, 01 Nov 2024Press Conference Notes: Robson Conceição and O'Shaquie Foster Promise to Settle Rivalry in Saturday's World Title Rematch
Fri, 01 Nov 2024Undefeated bantamweight prospect Dominique “Dimes” Crowder Ready to cash in on The Boardwalk
Fri, 01 Nov 2024Kevin Arquero rules 3rd Fide Master Angelito Z. Camer Rapid Chess Tournament
By Marlon Bernardino, Thu, 31 Oct 2024Plania stops Julio in 3rd round
By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024MARIO "EL AZTECA" BARRIOS MEDIA WORKOUT QUOTES
Thu, 31 Oct 2024Mama fails to win WBO NABO fly
By Lito delos Reyes, Thu, 31 Oct 2024Top Rank Presents Junior Lightweight World Championship: Robson Conceição vs. O'Shaquie Foster 2
Thu, 31 Oct 2024Membership of World Boxing rises to 51 National Federations after it approves applications from seven more countries
Thu, 31 Oct 2024Malik Scott in Zurdo Ramirez’ corner
Thu, 31 Oct 2024GM Daniel Quizon favorite in the Kamatyas Rapid Open chess tournament in Isabela
Thu, 31 Oct 2024