Mobile Home | Desktop Version




LABAS SI MAYWEATHER, PASOK SI CHOCOLATITO

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Fri, 18 Sep 2015



Matapos ipahayag na tuluyan na siyang magpapahinga, tinananggal na ng RING MAGAZINE si dating WORLD welterweight champion Floyd Mayweather Jr. sa kanyang trono bilang pound-for-pound king ng boksing.

Tinalo ni ?Money May? si Andre Berto sa pamamagitan ng unanimous decision noong Sabado (Linggo sa Maynila) para maitala ang kanyant 49 na panalo at kasunod nito?y ipinahayag ng Amerikanong five-division champion na tiyak na ang kanyang pamamahinga matapos tablahin ang 49-0 panalo-talong rekord ng dating kampeon sa heavywweeight na si Rocky Marciano.

At dahilan nga sa kasiguruhanng pahayag ni Mayweather, ipinasya naman ng Ratings Panel at Editorial Board ng RING, kinikilalang biblya ng boksing sa ibabaw ng lupa, na tanggalaon na siya sa kanyang trono.

Napagpasiyahan nin ng Panel na ang iakyat sa tronong iniwan ni ?Pretty Boy Floyd? si flyweight champion na si Roman ?Chocolatito? Gonzalez, kilala rin sa taguring ?The Nicaragua Beast.?

Nabanggit na rin lamang ang rekord, lumalabas na si Gonzalez ang kauna-unahang boksingerong galing sa 112-pound division na mahirang na pinakamagaling na nilalang sa ibabaw ng ring at tanghling pinakamahusay hanggang sa kung hanggang kailan siya mananatili sa posisyong ito. Si Gonzales, samakatuwid, ang lumalabas ding ?pinakamaliit? na boksingero na mauupo sa trono ng pound-for-pound king,.

Magandang balita ang pag akyat ni Gonzalez sa ibabaw ng listahan ng pound-for-pound king sapagkat magbibigay ito ng daan para isa pang Pilipinio, si Brian ?Hawaiian Punch? Viloria na makabalik na muli sa elitistang grupo.

Nakatakdang labanan ni dating flyweight king viloria si Gozalez sa darating na ika-17 ng Oktubre at kung mananalo siya at maibalik ang korona sa kanyang ulo ay malamang pinakamababa ang ikalawang puwesto ang marating niya.

At nasisiguro ng SALA SA INIT .. SALA SA LAMIG na magiging karagdagang inspirasyon at motibasyon niya ang paggiging Numerio Uno ni Chocolalito sa bnasabing listahan.

Ayon kay Michael Rosenthal; staff writer ng RING, hindi naging napakahirap ang pagkakapili kay Gonzalez bilang pound-for-pound king sa dahilang ang halimaw ng Nicaragua ay may ipinagmamalaking 43-0 panalo-talong kartada, 37 dito ay sa pamamagitan ng knokcout. Bukod sa mayroon din siyang impresibong rekord ng mga tinalo, kabilang ang sunod na siyama na pinatulog niya,.

Isama ang koronang ipinutong sa kanyang ulo sa tatlong dibisyon at walang duda ngang masasabing siya talaga ang pinakamahusay na maliit na nilalang sa planetang ito. Bago mailuklok sa Gonzalez bilang Numero Uno, pangalawa siya kay Maywweather sa nakaraang pagra-ranggo sa nakalipas nax ilang panahon.

Samantala, patuloy na bumulosok sa pangwalo si Filipino eight-division champion Manny Pacquiao, isa ring dating pound-for-pount king sa mga kinikilalang de-kalobreng mansdirigma sa lona. Ang pagkatalo ni ?Fighter of the Decade? kay Mayweather sa naging kontrobersyal nilang laban noong ika-2 ng Mayo ay pinagbasihan ng Editorial Board na ibaba siya ng ranggo.

Kabilang sa 10 tampok sa listahan ng RING MAGAZINE sina: Andre Ward, Sergey Kiovalev, Gennady Golovkin, Guillermo Rigondeaux, Vladimir Kiltschko, Terence Crawford, Manny Pacquiao, Shinsuke Yamanaka.

o0o

SAMOT-SARI: Marami ang nagtatanong sa kolumnistang ito kung ano na ang balita kay Pacman ... Kung lalaban pa ba siya o susundan na lamang anxg yapak ni Mayweather sa pagre-retiro ... Dalawang linggo na nating di nakakausap si Sarangani Congressman pero ay tinitiyak ko ay lalaban pa uli siya.... Nagpapagaling pa nga lamang sa tginamopng pinsala niya sa kanang balikat at kasalukuyang sumasailalim sa proseso ng rehabilitasyon sa pamamahala ng isang doktor na Pilipino ....Medyo galit nga siya sa napabalitang pandaraya sa kanya ni Mayweather na kasapakat ang United States Anti-Drugs Agency na nababasa natin sa ilang media outfit... Lulong din siya sa paghahanda para sa darating na eleksyon sa susunod na taon .... Hindi pa nga lamang malaman kung ano ang tatakbuhin niya ... Kung magre-reelection, tatakbong senador o gobernador ng Sarangani.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Rodrigo to challenge undefeated Sandoval in US
    By Lito delos Reyes, Sat, 23 Aug 2025
  • Round 12 with Mauricio Sulaimàn: Call to Action 12 Items for Boxers' Safety
    By Mauricio Sulaimán, Fri, 22 Aug 2025
  • Libranza vs Pangga headlines Elorde card on Aug 24
    By Lito delos Reyes, Fri, 22 Aug 2025
  • GM Antonio to compete in P100,000 top prize Rapid chessfest this Sunday in Roxas City, Capiz Province
    By Marlon Bernardino, Fri, 22 Aug 2025
  • AISAT Basic Ed football training starts
    By Kim delos Reyes-Teves, Fri, 22 Aug 2025
  • Josh Navarro Scores Another Win in Pomona, California
    By Carlos Costa, Fri, 22 Aug 2025
  • UNDEFEATED CRIZTIAN PITT LAURENTE SET TO FACE HEBI MARAPU FOR IBF PAN PACIFIC TITLE
    Fri, 22 Aug 2025
  • Dare To Enter: Undefeated WBC Interim Champion Vergil Ortiz to Defend Super Welterweight Title From Number 1 Contender Erickson “The Hammer” Lubin
    Fri, 22 Aug 2025
  • Euri Cedeno Takes on Willie Jones on Friday, September 5th at Wind Creek Event Center in Bethlehem, PA
    Fri, 22 Aug 2025
  • COE AND HART CLASH ON BOOTS ENNIS CARD IN PHILADELPHIA
    Thu, 21 Aug 2025
  • ‘There's nothing that he brings to the table that I've not got an answer for’ Sam Rennie on upcoming fight at Thunderdome 51
    Thu, 21 Aug 2025
  • JAMAINE "THE TECHNICIAN" ORTIZ TRAINING CAMP NOTES
    Thu, 21 Aug 2025
  • Gervonta Davis vs. Jake Paul: Exhibition Bout Announced for November
    By Gabriel F. Cordero, Thu, 21 Aug 2025
  • Legendary boxing coach John Brown Compares cornering Tommy Morrison & Rising young star Marco Romero
    Thu, 21 Aug 2025
  • World Kid to Host Meet-and-Greet and Open Workouts In advance of “The Return” on August 31 in Detroit
    Thu, 21 Aug 2025