
49-0 ni Mayweather, nabahiran ng mantsa
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Wed, 16 Sep 2015

Nabahiran ng mantsa ang pare-retiro ng wala pang talong si Floyd Mayweather Jr. (ito ay kung tototohanin niya ng kanyang pahayag bago at matapos ang laban niya kay Andre Berto noong Linggo) dahil sa napabalitang paggamit niya ng bawal na gamot noong nasabing engkuwentrong ginanap sa ma-alamat na Madison Square Garden sa New York.
At samantalang patuloy na namamarkahan ng kontrobersiya ang pagkatao ni Money Man maging sa kanyang self-proclaimed retirement, lalo namang tumitingkad ang kalinisan at kabusilakan ng pagkatao ng kanyang mahigpit na kaaway na si Pilipino eight-division champion Manny Pacquiao. Kalinisan at kaputiang pinipilit na padilimin ng kanyang mga kritiko, kabilang na si Mayweather at ang kanyang buong angkan.
Tama ang kasabihang hindi mo mapapatumba ang isang mabuting tao, kahit ano ang gawin mo. YOU JUST CAN'T PUT A GOOD MAN DOWN, sabi nga ni Kano.
Pinagbintangan si Sarangani Congressman kasi na nandaya noong laban niya kay Mayweather noong i ka-2 ng Mayo sa dahilang may pinsala pala siya sa kanang balikas na hindi niya ibinunyag. Dahilan upang maglunsad ang maraming naunsiyami sa anila'y di katapatan ni Pacquiao at ng kanyang kampo ng isang maramihang demanda.Pandaraya ang naging basihan ng kasong isinampa.
Sa isang mahabang artikulong sinulat ni Thomas Hausser, ibinunyag niyang noong bisperas ng laban ay nagpa-ineksyon si Mayweather ng gamit na ipinagbabawal na saline at bitamina. Hindi namn talaga bawal ito, pero dahil sa pinadaan sa pamamagitan ng intravenous, nakapagtatakang nakakuha ang kempeon sa welterweight ng exemption mula sa Word Anti-Doping Agency. Suspetsa ni Hausser ay matagal na itong ginagawa ni pound-for-pound king maging sa mga nauna niyang laban.
Bagay na kinukuwesyon ngayon ng Nevada State Athletic Commission, ang ruling body ng boxing sa Nevada. Ang NSAC, kung matatandaan, ay hindi pinaunlakan ang hiling naman ni Pacman na maturukan siya ng pampamanhid para hindi niya maramdaman ang sakit ng balikast sa oras ng laban. Kung mapapatunayang tutoo ang bintang ni Hausser sa kanyang artikulo, sino ngayon ang lumabas na nandaya?
o0o
Maraming mambabasa ng philboxing.com ang nagtatanong sa pamamagitan ng e-mail, text at tawag kung bakit Tagalog ang ginagamit kong pamamaraan sa pagsulat nitong mga nakararaang buwan. Una, ay dahil sa hiling ng editor ko sa PHILIPPINE DIGEST isang buwanang pahayagang mababasa sa Estados Unidos, partikular sa San Francisco at Los Angeles, na sumulat ako ng kolum sa Tagalog na pinaunlakan ko naman sa dahilang ilang dyaryo din naman dito sa Pilipinas ang gumagamit ng kolum kong itong SALA SA INIT .... SALA SA LAMIG, lalo na ang POLICE FILES TONITE. Ayon sa Boss kong si Alfred Gabot, kolum sa Tagalog umano ang gustong mabasa ng mga suki ng PHILIPPINE DIGEST sa bahaging iyon ng Amerika.
Nandoroon na rin lamang sa pagsulat sa pambansng wika, nasabi ko sa aking sarili bakit hindi ko na lamang gawing sindikato ang SALA SA INIT .... at ilabas ko rin sa ibang pahayagan? Kaya kinunsulta ko ang iba pang media outfit na gumagamit ng aking kolum, kabilang na ang PHILIPPINE NEWS TODAY, PHILIPPINE ASIAN NEWS at ilan pang magazine na nililimbag ng REYFORT PUBLISHING na pagaari ni kaibigang Rey Fortaleza sa Vancouver, Canada, isa pang publikasyong pinamamahalaan ni kaibigan ding Ramon Datol, at internet news service na Philboxing at Asian Fight Scene na kung puwede ko rin silang bigyan ng mga sulat ko sa Tagalog.
Pumayag naman ang mga kinauukulan. Bakit nga ba hindi eh puto mga Pilipino na ring lamang namang ang mga mababasa nila sa kani-kanilang lugar. Kaya nga, depende sa sigasig kong magsulat ng sarili nating wika, magpapatuloy na matutungnghayan ng aking mga milyon-milyong ang sinindikatong SALA SA INIT .... SALA SA LAMIG maging saan man sila naroroon, sa Amerika, Canada, Europa at maging sa Africa na nararating din ng Philboxing. Palakasan ang tema ng kolum na ito bagamat paminsan-minsan ay lumiliko tayo ng daan tungo sa tema ng pulitika, musika, at iba pa.
o0o
Isang pagbati ang ipinaaabot ni kasamang kolumnistang si Danny Simon kina Kim dela Cruz at Faye Pacheco, mga bagong kakilala na nagta-trabaho sa AFTER WORK COFFEE BAR n nasa kalye Mabini sa Ermita sa Maynila.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025