
DAPAT REMATCH
By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Mon, 14 Sep 2015

Gaya nang malimit kong sabihin, ang ipinagmamalaking anak ng Pilipinas, si Manny Pacquiao, ang kaisa-isang boksingerong napatungan ng korona bilang kampon sa walong dibisyon, ang pinaka-mabait, matuwid at malinis na nilalang na nakapagsuot ng glab at nakipagbasagan ng mukha sa ibabaw ng ring.
Kasama ko ang milyon-milyong mahiligin sa boksing sa ibabaw ng lupa na naniniwala sa kanyang pagkakaroon ng ginintuang puso at pagkama-unawin. Sa kanyang pagiging mapagbigay, ugaling madalas ay naka-pagdudulot ng mga di kanais-nais na pangyayari sa kanyang buhay mismo.
Halos tatlong taon na ang nakararaan, nahubaran siya ng korona sa dibisyon ng welterweight sa pamamagitan ng isang desisyong di natanggap maging ng buong daigdig ng sweet science. Sa halip na magalit ast mag-protesta tinanggap niya ang pagkatalo at pinatawad pa ng mga nagkasala kanya.
Noong Mayo lamang, sa kabila ng siya'y may pinsala sa kanang balikat, lumaban siya, mapagbigyan lamang ang kagustuhan ng balanang mahilig sa boksing na halos anim na taong naghintay mapanoond ang pinanabikang paghaharap ng dalawang pinakamagaling na boksingero sa daigsig.
Tinangggap ni Saragani Congressman ang pagkatalo kahit na sa pakiramdam niya'y siya ang nagwagi.
Nitong nkaraang linggo ay pumutok ang balita na ang tumalo sa kanya, ang wala pang talong pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr., ay gumamit pala ng bawal na gamot a pamamagitan ng intravenous injection ng saline at bitamina na ipinagbabawal sa ilalim ng World Anti-Doping Agency.
Dapat sana'y galit ang natural na naging reaksyon ni "Fighter of the Decade" sa nasabing ulat na inamin mismo ng nagma-mayari ng dapat ay kapuripuring 49-0 panalo-talong rekord bagamat sinabi ni Mayweather na ayon sa batas ng WADA ang kanyang ginawa.
Ang naging sagot lamang ni Paquiao ay hindi naging patas ang laban at dahil dito'y dapat silang pagharaping muli Matatandaang humingi din ang kampo ni Pacman ng pahintulot na ma-iniksyunan din siya ng pampamanhid para maalis ang sakit ng kanyang may pinsalang balikat sa oras ng laban. Hiling na hindi pinaunlakan ng Nevada State Athletic Commission.
Tatlong patong na dagok, samakatuwid ang natanggap ni Manny sa labang iyon na ginanap noong ika-2 ng Mayo. Samantalang pinagbigyan ng WADA an hiling ni Mayweater na siya'y ma-iniksyunan, binalewala naman ng NSAC ang pakisuap niyang lagyan siya ng pampamanhid.
Ang masakit pa, ang Pilipinong boxing icon pa ang napagbintangan na siyang nandaya ng mga hindi nakapanood ng magandang laban, ng mga natalo sa pustahan at maging ng ilang sektor ng media na sumuporta sa isang class suit na isinampa laban kay Pacquiao.
Sa kabila nito, ipinakita na naman ng Pambansa Kamao ang kanyang pagkamababang-loob, pagkamapag-bigay at kabaitan sa pamamagitan ng paghingi lamang ng rematch sa nagawang pagkakasala, hindi lamang sa kanya kundi sa mismong kabuuan ng komunidad ng boksing sa mundo.
At ito ang marapat namang gawin ng mga matataas na pari ng top Rank Promotions sa pamumuno ng pangulo niton si Bob Arum.
Maliwanag na ang kontrobersiyang ito ay nakasira ng malaki sa retirement ni "Money Man" na makaraang talunin si Andre Berto noong Linggo ay tahasang ipinahayag ang kanyang pamamahinga sa boksing.
o0o
Martes noong nakaraang linggo ay dinanas ng Kamaynilaan ang napakalakas na ulan na nagdulot na naman ng malawakang pagbaha na nagpahirap na naman sa mga namamasukan, mga mag-a-aral at ibang mga mamamayang madaling-araw na nang mkauwi sa kani-kanilang tahanan .... Paralisado ang Kalakhang Maynila sa dahilang walang driver ng taxi ang gustong magsakay a pili lamang na bus at jeepeny ang bumiyahe ..... Naipit ako sa Sheraton Hoel ng halos limang oras na paghinto ng buhay sa buong Metro Manila at namalas ko ang mgakawalang-hiyaang ginawa ng maraming taxi driver na ayaw magsakay .... isang Carrot Taxi na may plakang UVP 786 ang pabarumbadong huminto sa harap ng hotel at pinagsisigawan at hinamon ng away ang mga security guard nang pagbawalan siyang pumarada sa lugar .... Salamat kay Thor Balisig ng A-Tutor Taxi na may plakang TXX 473 na nagmaganang loob na ako'y ihatid nang bandang ala-una na ng madaling araw ng Miyerkoles.
Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Team USA Earns Three Wins on Day Two of World Boxing Cup: Astana 2025
Wed, 02 Jul 2025Women's Boxing Champion Signs with Combate Global, Still Aims For WBC Absolute Gold
Wed, 02 Jul 2025Sanman Boxing Presents Hard-Hitting Prospect Abubakar Yanon Set to Challenge for Philippine Boxing Federation Flyweight Title in Malungon, Sarangani Province
Wed, 02 Jul 2025Boxing Returns to Tropicana Atlantic City, July 25
Wed, 02 Jul 2025THE PAST WEEK IN ACTION 30 June 2025: Zurdo Outpoints Dorticos, Keeps WBA/WBO Cruiser Titles; Mbilli Stops Sulecki in 1; Wins by Kuroki, Wilder and Jake Paul
By Eric Armit, Tue, 01 Jul 2025IIEE Titans secured Finals in BPBL, IIEE Chessmasters retain on top level in Bundesliga
By Marlon Bernardino, Tue, 01 Jul 2025MARIO BARRIOS LAS VEGAS MEDIA WORKOUT QUOTES
Tue, 01 Jul 2025CATTERALL AND EUBANK LAY THEIR 'CARDS ON THE TABLE' AHEAD OF MANCHESTER SHOWDOWN
Tue, 01 Jul 2025Dumadag holds chess tourney
By Marlon Bernardino, Tue, 01 Jul 2025Manny Pacquiao's Case for the Greatest of All Time
By Ace Freeman, Mon, 30 Jun 2025DavNor Adventure Race 2025 set July 2
By Lito delos Reyes, Mon, 30 Jun 2025Gumila rules Antipolo rapid chess tilt
By Marlon Bernardino, Mon, 30 Jun 2025FULL CIRCLE AT WILD CARD: Jhay Otamias’ Tribute to a Fighter and a Fanbase
By Emmanuel Rivera, RRT, Mon, 30 Jun 2025Vince Paras Wins by 4th Round KO Over Sarawut Thawornkham to Capture the IBF Pan Pacific Super Flyweight Title
Mon, 30 Jun 2025Team USA's Quest for Gold Set in Stone at World Boxing Cup: Astana 2025
Mon, 30 Jun 2025