Mobile Home | Desktop Version




Coach Leo, paboritong anak ng Sariaya

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Thu, 10 Sep 2015


Austria.
Ang bayan ng Sariaya sa Lalawigan ng Quezon mas kilala noon sa mga bakasyunang lugar, heritage houses at hiking venues tulad ng Paraiso Beach Resort, Balai Sadyaya Beach Resort, Christian Beach Resort, Monte Vista Beach Resort at Mar del Sol Beach Resort na paboritong puntahan ng mga bakasyonistang nanggagaling sa kanugnog na bayan nito lalo na kung Mahal Na Araw.

Kaila sa marami, ang Sariaya, isang pangunahing munisipalidad at pangatlong bayan sa lalawigan mula Maharlika Highway galing Lunsod ng San Pablo sa Laguna na may layong 126 kiometro mula Maynila via South Super Highway, ay mayroon nang dapat ipagmalaking coach sa propesyonal na Philippine Basketball Association sa katauhan ni Leo Austria.

Si coach Leo, 57 raong gulang na produkto rin ng Lyceum of the Philippines at Adamson University sports program, ay matatandaang siyang humubog sa noon ay palubog nang San Miguel Beer sa dalawang kampeonato sa nakaraang ika-40th Season ng PBA -- ang pinaka-prestihiyosong Philippine Cup o mas popular na tawaging All-Filipino at Governors' Cup.

Kung nakuha sana ng mga magse-serbesa ang kalagitnaang torneo na Commisioner's Cup, disin sana'y nakamit ng prangkisang paga-ari ni Ambassador Eduardo "Danding" Cojuangco ang pangalawang Grand Slam nito sa 40 taong kasaysayan ng kauna-unahang liga propeyonal dito sa bansa at sa Asya.

Kung kaya nga't di lamang ang mga nagga-gandahang lugar na bakasyunan sa Sariaya ang napapag-usapan ngayon. Ang pangalan ni coach Leo ay malimit na ring mabanggit, hindi lamang ng mga kababayan niya sa mga pulong-pulungan kundi pati na ng mga kalalawigan niya at iba pang bayan at lalawigan sa bahaging iyon ng Luzon.

Para sa mga hindi nakakaalam, si coach Leo ay kauna-unahan ding manlalaro ng baketball mula Sariaya na sumikat sa Ka-Maynilaan. Naging miyembro ng pambansang koponan na nsgblik sa bansa ng korona ng Asian Youth noong 1982 sa torneong dito mismo ginanap.
Nagsimula siyang malaro ng basketbol sa Santigo Elementary Schoo sa kanyang bayan. Ipinagptuloy niya ang kanyang basketball career bilang inaasahang manlalaro ng St. Francis High School sa Sariaya na kinatawan niya sa mga pang-rehiyong torneo sa Southern Tagalog tungo sa Palarong Pambansa.

Sa Palaro siya na-diskubre ng Adamson para maglaro sa UAAP kasama sina Hector Calma at Melvin Martin na naging miyembro rin ng ilang national youth teams bago lumipat sa Lycuem kung saan tinapos niya ang kanyang collegiate playing years.

Si coach Leo, pang-apat at pinaka-bata sa mga supling ng pagsasama nina Evristo Austria at Priscila Rodriguez, ay nakapaglaro sa Ilang mga koponang sa ranggo ngamateur gaya ng Masagana '99, RFM na tinulungan niyng magwagi ng Champion's Cup sa Kuala umpur noong 1995 ats 1996.

Nakuha coach Leo, kasal kay Ana Maria Sulit ng Sorsogon kung kanino ay may tatlo siyang anak, ang tahid sa pagko-coach una sa Chowking na dinala sa kampeonatso ng Philippine Basketball League noong 1998 at Sharp na dalawang beses niyang napag-kampeon sa apat na finals appearances.

Ang panganay nina coach Leo at Ana Maria, si Raymond, a redrbang manlalaro ng Blackwater Elite sa PBA. Miyembro si Raymond ng apat sa limang koiponan ng Ateneo na nakapagtala ng pambirang five-peat sa UAAP.

Unang natikman ni coach Leo kung paanong maglaro ss PBA noong 1985 nang mabili ng Shell ang prangkisa ng ma-alamat na Crispa Redmanizers. Sa koponan din ng Shell nakamit niya ng karangalan bilang Rookie of the Year nang nasabi ring taon.

Sa Shell niya unang natikman ang unang ekspirensya sa pagko-coach PBA mula noong 2003 hangang 2005. Hinango niya ang Turbo Chargers mula sa pagiging lging kulelat tungo sa semifinal round nang dalawang beses.

Bago mahirang na head coach ng SMB, naging assistant si Leo ni namayapa nang si Bobby Parks sa Beerrmen bench sa semi-pro Asean Basketball League noong 2012 kung kailan ang koponan ay nakapag-uwi ng silver medal. Nang sumunod na taon, nang hawakan na ni Leo ang head coaching job, gold medal na ang dala ng Beermen nang sila ay bumalik ng bansa.

o0o

SAMOT-SARI: Only in the Philippines ... Ang Pilipinas lamang ang kaisa-isang bansa marahil sa buong mundo kung saan ang problema ng trapiko aay kailangan pa ang pambansang pamahalaan ang magbigay ng kalutasan .... Iisa lamang paliwanag dito .... Panay bobo ang mga taong dapat sanang lumutas ng problema hindi lamang sa trapiko kundi sa lahat ng bagay na nauukol sa pamamahala maging sa ekonomiya, industriya, kawalan ng hanap-buhay, kahirapan at lahat-lahat na ... Eh hindi ba't suliranin din natin ang mga ito? ... IIsa rin ang paraan kung paano malulutas ang lahat ng ating mga problema .... TANGGALIN LAHAT ANG NG MGA TAONG UMUUGIT NG PAMAHALAAN! ..... Kaso hindi matatanggal ni PNoy .... MALAPIT NA NG ELEKYON KAYA DOON NA LANG TAYO BUMAWI .... HUWAG NANG IBOTO ANG MGA HINAYUPAK NA NAGPAPAHIRAP SA ATING BUHAY!


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Team USA Earns Three Wins on Day Two of World Boxing Cup: Astana 2025
    Wed, 02 Jul 2025
  • Women's Boxing Champion Signs with Combate Global, Still Aims For WBC Absolute Gold
    Wed, 02 Jul 2025
  • Sanman Boxing Presents Hard-Hitting Prospect Abubakar Yanon Set to Challenge for Philippine Boxing Federation Flyweight Title in Malungon, Sarangani Province
    Wed, 02 Jul 2025
  • Boxing Returns to Tropicana Atlantic City, July 25
    Wed, 02 Jul 2025
  • THE PAST WEEK IN ACTION 30 June 2025: Zurdo Outpoints Dorticos, Keeps WBA/WBO Cruiser Titles; Mbilli Stops Sulecki in 1; Wins by Kuroki, Wilder and Jake Paul
    By Eric Armit, Tue, 01 Jul 2025
  • IIEE Titans secured Finals in BPBL, IIEE Chessmasters retain on top level in Bundesliga
    By Marlon Bernardino, Tue, 01 Jul 2025
  • MARIO BARRIOS LAS VEGAS MEDIA WORKOUT QUOTES
    Tue, 01 Jul 2025
  • CATTERALL AND EUBANK LAY THEIR 'CARDS ON THE TABLE' AHEAD OF MANCHESTER SHOWDOWN
    Tue, 01 Jul 2025
  • Dumadag holds chess tourney
    By Marlon Bernardino, Tue, 01 Jul 2025
  • Manny Pacquiao's Case for the Greatest of All Time
    By Ace Freeman, Mon, 30 Jun 2025
  • DavNor Adventure Race 2025 set July 2
    By Lito delos Reyes, Mon, 30 Jun 2025
  • Gumila rules Antipolo rapid chess tilt
    By Marlon Bernardino, Mon, 30 Jun 2025
  • FULL CIRCLE AT WILD CARD: Jhay Otamias’ Tribute to a Fighter and a Fanbase
    By Emmanuel Rivera, RRT, Mon, 30 Jun 2025
  • Vince Paras Wins by 4th Round KO Over Sarawut Thawornkham to Capture the IBF Pan Pacific Super Flyweight Title
    Mon, 30 Jun 2025
  • Team USA's Quest for Gold Set in Stone at World Boxing Cup: Astana 2025
    Mon, 30 Jun 2025