Mobile Home | Desktop Version




Programa ni Paccquao para sa Kapayapaan at Pagkakaisa, nagbubunga

By Eddie Alinea
PhilBoxing.com
Sun, 06 Sep 2015



Kulang-kulang na apat na buwan pa lamang matapos maoperahan sa kanyang kanang balikat na napanisala habang naghanda sa laban niya kay walang talong si Floyd Myweather Jr. na lumala sa aktuwal na laban noong ika-2 ng Mayo sa Las Vegas, ay mistula ngang magalin na magaling na si eight-division boxing champion Manny Pacquiao.

Kung matatandaan, hindi bababa sa anim na buwan ang ibinigay na palugit ng kanyang doktor sa Los Angeles, kung saan siya ay sumailalim sa operasyon, bago magsimulang gumaling.

Ayon sa diagnosis ni Dr. Neil ElAttrache na nagsagawa ng operasyon sa Kerlan Jobe Otthopaedic Clinic ilang araw matapos ang labang tinaguriang "Fight of the Century," anim hanggang siyam na buwan ang maaring itagal ng rehabilitasyon bago niya muling maikilos ng normal ang kanyang kanang kamay na noon ay may sling.

Subalit humigit-kumulang lamang na isang buwan ay tinangggal na ni Sarangani Congressman ang sabit sa kanyang kanang kamay at muli na naman niyang naibababa at naitataas iyon pagkaran lamang ng napakaigsing panahong yaon.

"Hindi pa masyadong magaling gaya ng napabalita," pagtatapat ni Cong Manny sa kolumnistang ito nang magkausap kami sa kanyang mala-palasyong tahanan sa Forbes Park may isang linggo na ang nakararaan. "Pero may progreso. Malaki na ang pagbabago mula noong ma-operahan. Siguro ilang linggo na lamang at normal na muli ako."

Ayon sa mga taong malalapit kay Cong Manny, napakalaki na nga ng ipinagbago ng kanilang amo. Nakakapag-diving sa kanjyang pribadong beach resort sa Tinonto, Sarangani. Nakalalangoy, nakakapaglaro na ng basketbol.

Balitang ikinagalak ng maraming taga-subaybay ng programang "Tropang Bistag-Sports" noong Huwebes sa istasyong DZEC ng Iglesia Ni Kristo kung saan ay nakapanayam namin a pamamagitan ng telepono si Choy Garcia, ang kanyang close-in security.

"Masayang-masaya ngayon si Cong. Masayang-masaya siya na halos araw-araw ay nakikipaglaro siya sa mg isda sa dagat at nakikipag-ugnayan sa kalikasan," ani Garcia. "Ang lubos na ikinasasaya ni Cong ay ang halos araw-araw din niyang nakakapiling ang mga taong naninirahan sa kabundukang nasa paligid ng Tinonto."

Ayon kay Garcia na sinigundahan ni chief security, Master Sgt. Caloy Homo, humigit-kumulang sa 1,000 ang iniimbita ni Pacquiao na magtungo sa beach resort niya para lumahok kumpetisyon sa ilang sports gaya ngx basketbol, volleyall, chess, bilyar, darts at kasama na ang scrabble at katsutubong larong tug-of-war palosebo, at iba.

Ang programa, ayon sa dalawa at ni "Man Friday" David Sison, ay pinangalanann ni Congressman na "Bring Me." Ino-obliga kasi ang mga na magdala ng makakasama -- Kristiyano man o Muslim na ikinakalat sa iba't-ibang koponan para magpaligsahan sa mga nasabing laro.

Nang tanungin namin si "Fighter of the Decade" kung ano ang layunin niya sa programa, sinabi niyang ito ay ang munti niyang kontribusyon sa ibinunsod niyang "Pagsa-sama-sama Tungo sa Pakakaisa at Kapayapaan" sa lalawigan ng Sarangani.

Pagkatapos ng isang buong araw na paligsahan, susundan ito ng bible study upang lalong pagbuklko-buklurin ang mga kalahok.

"Alam mo ba? Siguro hindi ka maniniwala, mahigit nang pitong libong Muslim ang naturuan naming magbasa ng bibliya mula noong simulang namin ang programa," tuwang-tuwang pagtatapat ni Pacman.

"Hindi ba nakatutuwa yun? Napapag-sama-sama ang mga Kristiyano at Muslim sa isang lugar halos araw-araw, sa paglalaro at pa-aaral ng mga salita ng Diyos!"

"Pinatutunayan lamang namin na taliwas sa paniwala ng nakararami sa labas ng Mindanao, na hindi magkaka-away ang Kristiyano at Muslim. Na maari silang magsama sa paglalaro, at sa iba't-iba pang mga aktibidades, kasama na dito ang mag-aral ng tungkol sa bible.

"Bakit nga ba hindi tataba ng puso mo kapag nakikita mong nakakapag-promomote ka na ng peace and unity among our people, napapasaya mo pa sila," aniya. "Talaga namang hindi matatawaran ang kasiyahang ko kapag nakikita ang ganitong senaryo araw-aaw."

"Kailangan ko pa palang magkaroon ng kapansanan nang mahaba-habang panahon para maranasana ko ang kakaibanxg kaligayahang ito na nadarama ko. Ang nadarama ko ngayon ay isang kaligayahang matagal ko nang hindi nararanasan."

"At ito ng dqhilqn mrhil kung bakit napapadali ang pag-galing ko," aniya.


Click here to view a list of other articles written by Eddie Alinea.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Dumam-ag fights Limura for vacant OPBF fly title
    By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024
  • Jayson Mama vs. Michael Bravo Ends in Technical Draw; Joey Canoy and Rv Deniega shine in Sanman's Last Show of 2024.
    Sat, 28 Dec 2024
  • Casama to face Fujita in Tokyo
    By Lito delos Reyes, Sat, 28 Dec 2024
  • Mirano, Bernardino, Alidani shine in Penang chess tilt
    By Marlon Bernardino, Sat, 28 Dec 2024
  • February 24: Junto Nakatani-David Cuellar Title Showdown Headlines a Bantamweight Bonanza in Tokyo LIVE on ESPN+
    Fri, 27 Dec 2024
  • Zamora, Soledad crush opponents in Bangkok
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • GOLDEN BOY LAUNCHES INTO 2025 WITH ERIC PRIEST HEADLINING FIRST-EVER SHOW AGAINST TYLER “HERCULES” HOWARD
    Fri, 27 Dec 2024
  • PH Fighter of the Year, Top Fighters of 2024
    By Teodoro Medina Reynoso, Fri, 27 Dec 2024
  • Three in line for title bids
    By Joaquin Henson, Fri, 27 Dec 2024
  • Paciones wins WBA Asia light fly title
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • Yanong KOs Phayom in 2nd round
    By Lito delos Reyes, Fri, 27 Dec 2024
  • Cebuana Lhuillier Tennis Team Dominates, Defends Title at 41st PCA Open Championship
    By Marlon Bernardino, Fri, 27 Dec 2024
  • MIEL FAJARDO READY FOR YOHANA IN EXCITING WBO 112 GLOBAL TODAY IN TANZANIA
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024
  • Today! Paciones, Yanong, Zamora, Soledad Ready for Action in Highland Show in Thailand
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024
  • LERASAN, KASSIM, MAKE WEIGHT FOR WBF 118 BELT IN TANZANIA
    By Carlos Costa, Thu, 26 Dec 2024