Mobile Home | Desktop Version




Pagbabalik ni Justin Fortune

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Mon, 07 Oct 2013



MANILA ? Isang magandang araw po ulit sa lahat ng mga masusugid kong mga kaibigan, kapamilya at fans lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito sa Bandera.

Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya rin ng inyong abang lingkod. So far, so good! Sa pagpasok ng buwan ng Oktubre, malugod kong ibabalita sa inyo na maganda ang takbo ng training natin sa paghahanda laban kay Brandon Rios sa Cotai Arena sa Macau, China.

Sa Nobyembre 23 (Nobyembre 24 Philippine time), siguradong umaatikabo ang magiging bakbakan laban sa Mexican-American na boksingero. Malugod ko ring ipinamamalita ang bagong surpresa ng aking team ? ang pagbabalik ni Justine Fortune.

Si Fortune, ang dati kong strength and conditioning coach, ang tatapos sa nasimulan naming pagsasanay simula noong isang buwan. Kasama ko si Fortune nang magsimula akong manalo kontra kay Marco Antonio Barrera noong 2003.

Hindi ko maisip na sampung taon na pala ang nakakalipas mula noong sumikat ako sa larangan ng boksing. Sa pagpapalit at paglipat ng dati kong strength and conditioning coach na si Alex Ariza sa kampo ni Rios, kinuha ko si Fortune dahil natatandaan ko ang magandang kondisyon na nagamit ko sa laban kontra kina Barrera, Erik Morales, Oscar Larios at iba pa.

Sa hindi pagkakaintindihan nina coach Freddie Roach at Fortune noong 2007, sa laban ko kontra kay Jorge Solis, maganda ring maipakita sa lahat na ang pagpapatawad at pagbabalik-loob ay isang mabuting asal na maituturo natin sa lahat ng tao, lalung-lalo na sa mga bata.

Love your God. Love your neighbor. Love, even your enemy. Iyan ang utos sa atin ng ating Panginoong Diyos. Ang pagtatambal muli ni coach Freddie at Justine, upang masimulan ulit ang pagbabalik ko mula sa pagkalugmok sa dalawang magkasunod na talo, ay simbulo ng pagbabalik ng isang makabagong Manny Pacquiao.

Ang tiwala ko sa aking team na siyang magdadala sa akin sa panibagong sigla at lakas upang manalo ulit, ang magiging hudyat ng pagbabago nating lahat.

Naniniwala ako na ang isang solid na koponan at ang isang magandang training camp ay mga susi para sa matagumpay na kampanya.

Sana po ay ipagpatuloy ninyo ang pananalangin at pagsuporta para sa akin habang ako rin ay nananalangin para sa inyong lahat.

May Almighty God Bless Us All.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon.



Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025