
Nagmumula ang lahat sa Puso
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 14 Aug 2011

Isang magandang araw ang muli kong nais ipahatid sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga sumusubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Mula sa Kongreso, sa entablado, sa himpapawid at sa ibabaw ng ring, at sa loob ng aking pamamahay, tuloy pa rin ang pag-ikot ng ating mga kapalaran. Kahit na medyo malayo pa ang aking laban na nakatakda sa Nobyembre 12 sa Las Vegas, Nevada, marami pa ring mga bagay ang aking pinagkakaabalahan. Dahil marami namang panahon ang nasa aking kamay, nararapat lamang na mabigyan ng tamang pansin ang bawat bagay kasama na diyan ang pagtulong sa ating mga kapus-palad na mga kababayan.
Nitong nagdaang linggo, nabalitaan kong lalong lumalakas at dumarami ang nagkakagusto sa aking kantang pinamagatang ?Sometimes When We Touch.? Napabalitang nasa No. 7 na sa Secondary Adult Contemporary Chart ang awit na ito na sinamahan ng original na mang-aawit at kompositor na si Dan Hill.
Ayon sa balita, ang aming kanta ay isa sa mga pinakamainit sa himpapawid na sinusukat ng Friday Morning Quarterback Album Report (FMQB.) Kung ano man ang ginagawang panukat sa kasikatan ng isang awit, lubha akong nalulugod at lalong nagpapasalamat sa lahat ng tumatangkilik ng kantang ito.
Pati si Dan Hill ay halos hindi makapaniwala na gaya ko. ?Manny leaping from No. 11 to No. 7 on the Adult Contemporary secondary charts reminds us once more that there?s nothing this man/boxer/congressman/singer is not capable of,? ani Hill. ?I?m so proud to call him my friend and a major life inspiration.?
Hindi ko lubos maisip na ang isang boxer na kagaya ko ay pinakikinggan ng marami at nagiging katapat ko na halos ang mga batikang mang-aawit na sila Adele, Bruno Mars, Lady Gaga at Maroon 5.
Sa wari ko, karamihan sa mga nakikinig ng aking awit ay hindi tumitingin sa aking anyo bagkus ay nakatuon sa nilalaman ng kanta at sa puso ng kumakanta.
Gaya ng lahat ng aking pinagkakaabalahan, ang isa sa mga pinakamahalagang sangkap ay ang pagbubuhos ng ating sarili at puso sa ating ginagawa. Nang ako ay tumakbo sa Kongreso, inisip ko ang kung ano ang aking magagawa para sa bayan at sa aking mga kapwa. Kapag ako ay nag-eensayo para sa isang laban, ibinibigay ko ang aking puso at ang buong katawan sa paghahanda upang hindi ako mapahiya sa huli at upang makapagbigay ako ng isang kapana-panabik na laban.
Sa pagkanta, kahit ang aking boses ay hindi kasing-pino kung ikukumpara sa karamihan ng mga recording artists, ang pagbubuhos ng puso sa bawat titik ng kanta ang isa sa mga sekreto upang ang kapwa puso na makakarinig nito ay makakaunawa rin sa mensahe nito.
Sa tingin ko, kapag puso sa puso ang nangungusap, doon nagmumula ang pagkakaintindihan.
Sa lahat ng mga tagapakinig, maraming salamat po ulit. Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025