
Tuloy Pa Rin Ang Trabaho
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 28 Jul 2011

SARANGANI ? Magandang araw po ulit sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga kapwa ko ka-probinsiya ng Sarangani kasama na rin ang mga sumusubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod na ngayon ay nasa lalawigang malapit sa aking puso.
Kahit na recess po kami sa Kamara, patuloy pa rin ang pag-aasikaso ko sa mga proyektong aming ipinatatayo sa Sarangani. Gaya ng aking pangako noong eleksyon, tinutupad ko ang aking mga binitiwang salita at sa tulong ng pamahalaan at ng pribadong sektor, unti-unti nang natutupad ang ilan sa mga pinangarap natin.
Bukod sa pagpapatayo ng kauna-unahang ospital sa Sarangani, marami pang ibang proyekto ang aming inumpisahan at ngayon ay naisasakatuparan na. Nais kong maiba sa karamihan ng mga nangangako na sa huli naman ay napapako. Nais kong palitan ang imahe ng isang politiko na kadalasan ay kinamumuhian ng marami sa atin dahil sa pangungurakot at pagbubulsa sa mga salaping dapat ay napupunta sa mga mamamayan.
Hindi pa naman naitatayo ang ospital ngunit halos tapos na ang mga plano at sana, hindi na tatagal ang paghihintay ng marami. Marami pang dapat ayusin, marami pang dapat tapusin at nagpapasalamat ako sa lahat ng aking mga kasamahan, kaibigan at kababayan dito sa Sarangani na tumutulong upang mapabilis ang proseso.
Malayo pa naman ang promotional tour ng nalalapit na laban naming ni Juan Manuel Marquez sa Nov. 12 sa Las Vegas, Nevada. Nakatakdang dumating dito sa bansa si Marquez sa Setyembre 3 upang i-promote namin ang laban. Pagkatapos nito ay dadayo rin ako sa Mexico at itutuloy namin ang trip sa America.
Excited na ako na lumaban at maghanda para sa ikatlong bakabakan namin ni Marquez at mapatunayan muli na ako ang nagwagi sa huling dalawang laban. Sa paghaharap na ito, nais kong maging malinaw at walang bahid ng pagdududa ang resulta ng laban.
Sa darating naman na mga araw at sa pagtatapos ng linggong ito, babalik ulit kami sa Kamaynilaan upang magbigay-saya sa ating mga kababayan sa bansa at sa buong mundo sa pamamagitan ng telebisyon at ng aking bagong game show, ang ?Manny, Many Prizes.? Masaya at lubos akong natutuwa na makita at mabakas sa mga mata ng aking mga kababayan ang pagkakaroon ng pag-asa at makapagbigay-aliw sa mga nalulungkot at mga nangangailangan. Sa aking munting pamamaraan, nakakapamigay din kami ng saya.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025