
Maraming salamat sa ESPY at sa inyo
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 17 Jul 2011

MANILA?Magandang araw po ulit sa inyong lahat, kayong mga gininigiliw kong kaibigan, fans at mga tumatangkilik ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Habang wala pa kaming session sa Congress at medyo malayo pa ang susunod kong laban, ang isa sa pinagkakaabalahan kong mga proyekto ay ang pagbibigay ng kasiyahan at pagpapatupad ng mga munting pangarap ng ilan sa aking mga kababayan. Paminsan-minsan ay nagko-concert kami sa marami at iba?t-ibang lugar.
Habang sinusulat ko itong kolum na ito, nag-eensayo kami ng aking banda para sa panimulang episode ng pinakabagong game show sa telebisyon na pinamagatang ?Manny, Many Prizes!? Ito ay isa sa mga proyektong aking naisipan upang mabigyan kasiyahan ang marami sa ating mga kababayan bukod pa sa pagbibigay ng maraming pa-premyo.
Kasama sina Rhian Ramos, Paolo Contis, Onyok Velasco at Isabelle Daza sa GMA 7, ang ?Manny, Many Prizes!? ay isa lamang sa mga proyektong nais kong masimulan upang mapawi ang kalungkutan ng ilan sa ating mga kababayan at makapagbigay din ng pagkakataon na makatulong sa iba nating naghihirap na mga kapwa.
Minsan, ako ay naging ?fan? din at tagapanood ng ganitong mga show. Ngayon, ako ay nagsasanay at nag-aaral na lalong pagbutihin ang pagbibigay ng saya sa inyong lahat, hindi lang sa larangan ng boxing. Sa pagbubukas ng show, mamimigay kami ng bahay at lupa bukod pa sa marami pang mga prizes.
Malaki ang naibigay sa akin ng boxing at sa pamamagitan ng game show na ito, ay maipamahagi ko man lang ang kaunting biyayang aking nakamit sa inyo.
Maraming salamat din po pala sa mga kinatawan at bumubuo ng ESPN at ESPY awards sa pagbibigay sa akin ng Best Fighter award nitong nagdaang lingo. Pinatunayan muli natin na ang isang boksingerong gaya natin ay mabibigyan ng parangal na simbulo ng pinakamagaling na mandirigma sa buong mundo.
Thank you very much to everyone.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025