
Pananabik sa Pagbabalik sa Ring
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 14 Jul 2011

SARANGANI--Isang magandang araw ang nais kong ipamahagi sa inyong lahat saan mang panig ng mundo kayo naroroon.
Ipagpaumanhin na ninyo ang medyo mahabang pagkaudlot ng kolum na ito sanhi na rin ng kaabalahan ko sa maraming bagay na hindi saklaw ng aking mahal na sport ng boxing. Pero gaya ng dati, ang lahat ng mga bagay na aking ginagawa ay ang maipaglaban ang mga karapatan ng mga mamamayan kontra sa kahirapan, kawalan ng hustisya at paglapastangan sa Inang Lupa.
Kung abala ako minsan sa sport ng diving, ito na rin ay dahil gusto kong makita kung may mga namiminsala sa ating kayamanang pandagat. Of course, kasama na rin diyan ang aking pakikiugnay sa mother nature na sobra sa ganda. Sa ilalim ng dagat, mararamdaman mo ang kapayapaan at katahimikan.
Ngayong recess din kami sa aming mga session sa Kongreso, pinapasyalan ko ang aking distrito sa Sarangani upang lalong maramdaman ang mga pangangailangan ng aking mga nasasaklawan. Sa kabilang dako, excited na akong mag-ensayo at bumalik sa ring.
Ayon sa proposed schedule ng aking susunod na laban sa Nobyembre 12, sa Las Vegas, Nevada, magkakaroon ng maraming pakulo sa napipintong world promo tour, kabilang na dito ang aking makakalaban na si Juan Manuel Marquez. Ayon sa balita, magsisimula raw sa Manila ang press conference at hahantong sa Los Angeles at sa bansa ni Marquez, sa Mexico.
I can't wait to step into the ring and train for this fight because there seems to be some unfinished business with Mr. Marquez. Marami akong dapat tapusin at patunayan sa ikatlong laban namin.
Tumba si Marquez noong una kaming nagkaharap noong 2004 dahil na rin sa pagkakamali ng isa sa mga judges, si Burt Clements, sa pag-score kung saan tatlong beses bumagsak si Marquez sa unang round. Kung 10-6 sana ang score na naitala niya sa scorecard, panalo sana ako via split decision. Noong 2008, na-knockdown ko si Marquez ng isa pang beses upang maitala ko ang isa na namang split decision, isang decision na hindi nirespeto ni Marquez at ng iba pang mga opinyon.
Magsisimula pa rin ang training para sa laban na ito sa high-altitude camp namin sa Baguio City at tatapusin sa Los Angeles, kung saan mahigit na sampung taon na akong bumabalik-balik. Para sa laban na ito, at gaya ng lahat ng nakalipas na mga laban, kakailanganin ko ang inyong suporta at panalangin.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
.
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025Press Conference Notes: Naoya Inoue-Ramon Cardenas & Rafael Espinoza-Edward Vazquez Top Monster World Championship Doubleheader Sunday in Las Vegas
Sat, 03 May 2025