Mobile Home | Desktop Version




Masayang Training Camp

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 10 Apr 2011



LOS ANGELES, CA--Magandang araw po sa inyong lahat kasama na diyan ang aking mga tagasubaybay at fans na laging sumusuporta sa akin. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.

Gaya ng nakasaad sa pamagat ng pitak na ito, natutuwa ako at maganda ang kinahihinatnan ng karugtong ng aming training camp dito sa Los Angeles mula sa Baguio City. Kadalasan, kapag masaya ang isang training camp, mas magaan ang nagiging resulta ng laban at ang pagpapanalo ay nagiging mas madali.

Gayunpaman, lubha pa ring mahirap ang landas na ating tatahakin dahil isang buwan pa ang training. Nitong nakaraang mga araw, nanibago ako sa klima kaya naman patuloy ang sipon at ubo na dinanas ko sa Pilipinas. Sa ngayon, maganda na rin ang aking pakiramdam kaya handa na akong sumabak sa mas mahirap na yugto ng training.

Nakapag-adjust na kaming lahat mula sa pagka-jetlag at sa huling apat na linggo, kailangang makuha na natin ang pinakamataas na antas ng paghahanda.

Nitong huling mga araw, nakapag-spar na ako ng walong round kontra sa tatlong mga sparring partner. Minsan, kahit nananakit ang katawan dala ng sintomas ng trangkaso, pinipilit ko pa ring mag-ensayo at maganda naman ang resulta. Nagagalak ang aking team sa panimulang kondisyon na aking ipinamalas kaya naman inspirado ang lahat.

Nitong nakaraang dalawang araw, pagkatapos ng aking pag-eensayo, tumutuloy na ako sa maliit na shop na aking ipinundar--ang MP Merchandise and Tattoo shop--at dito na rin ako nagpapahinga kasama ng aking mga ginigiliw na mga kaibigan dito sa Los Angeles. Dito na rin dinadala ang aking pagkain na nanggagaling mula sa Nat's Thai food dalawang pinto lang ang layo. Sila-sila ang matagal ko na ring mga kaibigan simula pa noon ako ay magsimulang gumawa ng pangalan dito sa America. Dahil na rin sa suporta ng mga kaibigan, nabuo ang samahan kung saan lahat ng aking pangangailangan ay napupunuan nila.

Naririyan ang mga kasama ko ngayon mula sa aking paggising hanggang sa aking pagtulog--mula sa mga nagluluto ng almusal, paghuhugas ng mga pinagkainan, sa mga naghahanda ng aking gamit para sa pagtakbo, hanggang sa pagmamasahe ng aking nananakit na mga katawan sa gabi. Kahit na malungkot dahil malayo ako sa aking pamilya, marami ring mga patawa sa grupo kaya hindi boring ang training.

Kaya naman sa labang ito kontra kay Sugar Shane Mosley, hindi pa rin humuhupa ang inspirasyon at dedikasyon ko sa paglaban para sa bansa, Diyos at sa aking pamilya. Sana po, tuloy pa rin ang suporta ninyo sa akin sa nalalapit na laban sa May 7 sa Las Vegas, Nevada.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025