Mobile Home | Desktop Version




Sampung Taon sa America

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 03 Apr 2011




MANILA --- Kumusta na po kayong lahat? Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.

Habang isinusulat ito?y abala ako at ang aking mga kasama sa Team Pacquiao sa pag-iimpake dahil paalis na kami patungong Amerika.

Tatapusin ko sa Los Angeles ang pagsasanay para sa laban namin ni Sugar Shane Mosley sa May 7 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

So far, so good. Maganda ang simula ng training camp namin kasama sila coach Freddie Roach at sina Buboy Fernandez at Alex Ariza. I am happy with my conditioning right now and with more than one month to go before the fight, I have achieved better stamina and my timing is already there.

Sa paglipad ko sa America, hindi ko lubos maisip na sampung taon na pala akong pabalik-balik sa bansang ito at halos taun-taon ako lumalaban doon at halos doon na nga ako nakatira.

Parang kailan lang, iilan lang ang aking mga kasama noon, nang nagsisimula pa lang akong gumawa ng pangalan sa ibabaw ng ring.

It was in 2001 when my former manager, the late Rod Nazario, and I came to America via San Francisco. We did not have actual plans back then. There were no fights scheduled for me. But I guess coming to America was my destiny. Fighting for the IBF super bantamweight title was not even within our plans but yes, 10 years ago, we finally started to make a name in America. It was no accident.

Sampung taon na ang nakalilipas nang sinubukan naming mamasyal sa Los Angeles upang maghanap ng isang bagong trainer at pati na rin promoter. Marami rin kaming nakausap at marami rin ang tumangging i-promote ako. Pero ang pagkikita namin ni coach Freddie ay isa sa mga biyayang aking nakamit sa aking buhay at sa pagbabalik-tanaw sa nakalipas na mga taon, ang aming tambalan ay isa na siguro sa pinakamatibay na samahan sa larangan ng anumang sport.

Dati, mag-isa lang akong tumatakbo sa mga lansangan ng Daly City at Los Angeles. Ngayon, kumpleto ang aking team. May kanya-kanyang gawain ang bawat isa. Pati ang aking asong si "Pacman" ay kinakailangang lumipad mula sa Los Angeles patungong Manila at Baguio at pabalik muli sa L.A.. Bukod sa mga kasamang sumasabay sa akin, marami ring mga kaibigan at supporters ang aking kasabay sa aking pagbabalik sa Wild Card gym.

Noong simula, naglalakad lang kami papunta sa Wild Card dahil medyo may kalayuan ang aming unang tinirahan. Hanngang sa lumipat kami sa isang maliit na kuwarto sa motel katabi ng gym. Dati, dalawa lang kami ni Buboy. Halos lahat ay iniasa ko sa kanya, lahat ng paghahanda ng mga gamit sa training. Ngayon, sa dami ng aking mga kaibigan, nag-uunahan pa sila sa paggawa ng mga maliliit na bagay na lubha ko namang ikinatutuwa.

O kaysarap gunitain ang mga araw na lumipas pero sa susunod na linggo, lalo ko pang pag-iibayuhin ang training para sa mapanganib na laban kontra sa three-time world champion na si Mosley.

Sana po ay ipagpatuloy pa rin ninyo ang pagsuporta sa akin. Sana ay sabay-sabay tayo sa panalangin upang sa huli ay magwagi pa rin tayo bilang isang bansa.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com




Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025