
Manny Pacquiao: 'The Boxer and Congressman'
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 24 Mar 2011

BAGUIO CITY--Isang magandang araw po ang nais kong ipahatid sa inyong mga tahanan at sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.
Matapos po ang isa't kalahating linggo ng pagsasanay para sa nalalapit naming laban ni "Sugar" Shane Mosley sa Mayo 7, masasabi ko pong maganda ang simula ng training at masaya ang buong koponan sa ipinamamalas kong sigla at sipag.
Dahil sa inspirasyon kong lalong pagtibayin ang pagdepensa ko sa pound-for-pound title at ang WBO welterweight belt na siya kong idedepensa sa laban na ito, nakatutok ako sa pagsasanay sa panibagong estilo na dulot ng paghamon ni Mosley, ang beteranong mandirigma na hindi pa nana-knockout sa kaniyang buong boxing career.
Abala kami, kasama ang aking koponan sa pamumuno ni coach Freddie Roach at sila Buboy Fernandez, sa pagbuo ng mga strategy upang talunin ang lakas at advantage sa laki at haba ng kamay ni Mosley. Dahil marami ang nakasubaybay sa mga kaganapan at halos sold out na ang MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, hindi biro ang labang ito kaya naman hindi rin ako nagpapabaya sa training.
Manny Pacquiao, the boxer, will come in ready and prepared for his upcoming fight.
Gayunpaman, dahil na rin sa aking sinumpaang pangako sa mga mamamayan ng Sarangani, nakatutok pa rin ako sa mga pangangailangan ng aking distrito at ang aking congressional staff ay hindi rin nagpapabaya sa kani-kanilang trabaho. Kahit na nasa Baguio City kami, hindi kami nalilingat sa mga responsibilidad na mistulan ay aming napapa-isang tabi.
Manny Pacquiao, the Congressman, will never back down from his sworn duty to serve the people.
Dahil na rin po sa dalawa ang aking uniporme na aking pinagsasabay na isuot kung minsan--isang uniporme sa training at isa rin sa Kongreso--iisa po ang aking layunin simula pa noong ako ay lumaban sa ibabaw ng ring. Iyan ay ang magbigay ng karangalan sa ating bansa sa pamamagitan ng pagsakripisyo ko ng aking katawan, dugo at pagod. At kahit sa Sarangani, maging ang sarili kong pinaghirapan ay ginagamit ko pa rin para sa mga proyekto upang maipakita ko ang aking katapatan sa isang sumpa.
Pag-uunawa lang po sana ang aking hinihingi sa inyong lahat, na sana ay makiisa ang lahat sa pagbibigay natin ng karagdagang karangalan sa ating Inang Bayan, kahit na minsan ay "absent" ako sa roll call ng Kongreso. Ang tagumpay ko ay tagumpay nating lahat kaya naman walang tigil ang paghahanda sa laban. Gaya po noong minsan ay nakaharap ko ang pangulo ng United States na si Barack Obama kasabay ng aking promotional tour, "absent" din po ako sa Kongreso ngunit dala ko ang pangalan ng ating bansa.
Sa susunod na linggo, lilipad na ako patungo sa America upang doon paghusayin at pagtibayin ang training. Sana naman po, patuloy pa rin ang ating pananalangin bilang iisang bansa at lahi, gaya ng mga nagdaang mga laban. At sa huli, ang dangal ng Pilipinas pa rin ang mamamayani at ang ating bandila ang iwawagayway sa pandaigdigang entablado.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025