
?Inspirado ako?
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 17 Mar 2011

BAGUIO CITY -- Isang magandang araw po sa inyong lahat. Medyo matagal-tagal na rin nang huli ninyong nabasa ang aking kolum. Sana po ay nasa mabuti kayong kalagayan. Kung ako naman po ang inyong tatanungin, maayos naman po ang aking kalagayan rito.
Nagsimula na nga po ang aking ensayo dito sa Summer Capital of the Philippines noong araw ng Lunes.
Noong Martes ay medyo nanibago ako nang mag-jogging sa matarik na akyatin dito sa City of Pines. Mas matarik po ang tinatakbo ko rito kumpara sa Griffith Park sa Los Angeles.
Pero, maganda ito para sa aking pagpapakundisyon. Mabuti na ?yung masanay ako sa mahirap na ensayo, para pagdating sa laban magiging madali na para sa akin.
Ganado ako sa darating kong laban kay Sugar Shane Mosley sa MGM grand sa Las Vegas sa Mayo 7, na taya aking WBO welterweight belt.
Inspirado ako dahil ang pound-for-pound rankings ang nakataya sa aming laban maliban sa aking belt.
Ang tawagin kang pound-for-pound king ay isang napakalaking karangalan para boksingero. Lahat ay naghahangad, pero bibihira ang nagkakamit niyan.
Gaya ng sinabi ko na nung nag-tour kami sa Amerika para sa laban kay Mosley, hindi ko maaaring maliitin ang aking kalaban.
Lalo na ang gaya ni Mosley, bukod sa dati siyang kampeon, beterano na, mautak pa. At kailanma?y ?di pa na-knockout.
?Yan ang mga motivation ko sa labang ito.
Ang talunin siya ay malaking tagumpay, at kung akin siyang ma-knockout ay isang malaking bonus.
Nagpapasalamat rin po ako sa mga kababayan natin dito, dahil nagagawa kong makapag-ensayo nang walang aberya.
So far, maayos na ang itinatakbo ng training camp namin dito. Ikatlong pagkakataon na ito at alam kong kasama ko kayo na aking mga kababayan sa pananalangin na makuha ko ang sapat na kundisyon.
Tulad ng dati, gagawin ko ang lahat para sa labang ito. Alam kong tulad ko ay nag-eensayo rin si Mosley nang maigi para sa aming laban.
Paghahandaan ko ang anumang sandatang bitbit ng aking kalaban sa gabi ng laban at sa suporta at panalangin ninyo, muli nating makakamit ang tagumpay.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025