
Buhay na buhay ang boksing
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 03 Feb 2011

Manila --- Magandang araw po sa inyong lahat, mga giliw kong tagatangkilik ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Ako nama?y nasa maayos ding pangangatawan, bagama?t masyadong abala ay hindi naman po ako nagpapabaya sa aking kalusugan.
Nakakatuwang malaman na mabenta ang tiket para sa nalalapit naming laban ni Ginoong Shane Mosley sa Mayo 7 sa MGM Grand sa Las Vegas.
Nakarating po sa akin ang magandang balita na sa loob lamang ng 3 oras ay 16K agad ang nabentang tiket.
Nakakataba ng puso, hindi po ba? Na ngayon pa lamang ay marami na ang interesado sa aming laban. Imagine, 16 thousand tickets sold in just three hours, ?yan ay ayon sa aking promoter.
Nangangahulugan lamang na hindi totoo ang sinasabi ng ilan, na walang may manonood ng aming laban. Ang pagka-sold out ng tiket sa unang labas pa lamang ay matibay na ebidensiya na buhay na buhay talaga ang larong boksing. Walang katotohanan ang sinasabi ng ilan na ?patay? ang boksing at walang manonood sa laban namin.
Ibig sabihin rin nito, na mas marami ang naniniwalang isa na namang kapanapanabik na laban ang kanilang aabangan sa Mayo.
Ibig sabihin din ng balitang ito, mahal ako ng tao. Kaya naman, susuklian ko ang pagmamahal na iyan ng ibayong paghahanda upang muli na naman nating makamit ang tagumpay.
Nabasa ko rin ang sinabi ni Ginoong Mosley na kaya niya akong talunin dahil madali naman daw akong tamaan.
?Yan po ang aking paghahandaan. Sa tulong ng aking trainer at iba pang makakasama sa training camp, gugugol po kami ng panahon upang ma-counter ang anumang ibabato sa akin ng kalaban.
Katulad po ng dati, muli kong hihingin ang inyong tulong at suporta, hindi sa pisikal, kundi sa ispiritwal na aspeto, upang sa bandang huli, tayo pa rin ang magbubunyi.
Maraming salamat sa patuloy ninyong pagtangkilik sa aking laban.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all!
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025