
Walang Madaling Laban
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 09 Jan 2011


MANILA -- Isang magandang araw ulit ang ipinaparating ko sa inyong lahat lalung-lalo na sa mga masusugid kong tagahanga at mga tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Kababalik lang namin sa Pilipinas matapos ang isang mahabang bakasyon na nagsimula sa Boracay at naituloy sa Japan at Australia. Lubhang kasiya-siya at nakakarelax ang panahong ginugol ko kasama ang aking buong pamilya. Masayang-masaya ako sa paglalambing ng aking dalawang anak na babae na lubos ding nag-enjoy kasama ang kanilang dalawang kuya. Kaybilis ng panahon at ngayon, mas kalugud-logod na ang ganitong mga family trip namin ng aking asawang si Jinkee.
Dati, mahirap ang maglakbay dahil maliliit pa ang aming mga anak. Ngayon, pati ang aking bunso ay kasama na sa saya. Maraming mga ala-ala ang hindi mababayaran ng anumang salapi at ang ginintuang oras namin sa isa't-isa ay bunga na rin ng pagsisikap naming mag-anak. Lahat ay nagsasakripisyo dahil na rin sa aking trabaho bilang boxer at Congressman. Dahil minsan lang magiging bata ang aking mga anak, kinakailangan kong ibigay ang nararapat na oras para rin sa kanila gaya na rin ng oras ko sa pag-eensayo at sa pagtulong sa aking mga nasasaklaw sa lalawigan ng Sarangani.
Balik ulit ako sa pagsubaybay sa mga proyektong aking sinimulan at lubos akong nasisiyahan at sa wakas, masisimulan na rin ang ospital ng lalawigan. Bukod dito, marami pang proyekto ang nakasalang, gaya ng aking naipangako sa aking mga kababayan.
Malapit na rin ang laban namin ni "Sugar" Shane Mosley sa May 7 at sa susunod na buwan, uumpisahan na namin ang pagpo-promote nito sa America. Uumpisahan ko na rin kahit na papaano ang paghahanda dahil alam ko, mahirap na laban ito.
Marami kasi ang nagsasabi na madali ang laban na ito, iyong mga umano?y mga ekspertong manunulat na simula pa man sa una ay hindi na naniwala sa kakayahan ng isang maliit na Filipino. Magmula nang manalo tayo kontra sa mga dambuhalang kalaban ay lalo naman nila tayong kinukutya. Madali raw ang laban na ito kaya "basura" raw, ani ng isang maimpluwensiyang writer na sa tingin ko ay hindi pa nakaranas ng totoong away o di kaya ay magsuot ng gloves o maglagay ng benda sa kamay. Kaya naman daw dapat ay i-boycott ang laban na ito, gaya na rin ng kanyang panawagan na i-boycott din ang laban namin ni Antonio Margarito na isa raw na mandaraya.
Ito lang ang masasabi ko: There is never an easy fight. Every time I step into the ring, I risk my life and my future. I had to find ways to negate the advantages in size of Diaz, Dela Hoya, Hatton, Cotto, Clottey and Margarito. I have stepped up to face men easily bigger and taller than me. To say that every fighter I face in the ring does not deserve attention talks about ignorance. How can a fight be easy when I have been working my hardest efforts every single time? I am no superman. When I get hit, I pretend I did not get hurt so as to frustrate my opponent. That's part of the sacrifice! Funny, these same writers who ask for a boycott almost always cover my fights, anyway.
Noong laban namin ni Margarito, marami ang hindi nakakaalam na ito ang isa sa mga pinakamahirap kong laban. Nang tamaan niya ako, naramdaman ko ang lakas ng dating kampeon na 5 inches at 17 pounds ang bentahe sa akin. Kaya naman iniiwasan siyang makaharap ng marami. Gaya ni Mosley na dati ring kampeon, mas mahirap sa aking pananaw ang laban na ito dahil may taglay na bilis at talino sa ring si Shane. At dahil nakataya pa rin ang aking pagiging No. 1 pound-for-pound, sigurado akong maghahanda ng lubusan ang sinumang makakalaban ko para pabaksakin ako sa trono.
Noong nagkaharap si Margarito at Mosley, marami ang tumawa sa akin nang sabihin kong kayang tatalunin ni Mosley si Margarito. Si Mosley ang pinili ko at ako ang nanalo at tumatawa sa huli. Now I say, Shane Mosley is still very much more dangerous. Bernard Hopkins is much older at 45 years old but I think he won that fight which ended in a draw!
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025