Mobile Home | Desktop Version




Tapang, talino at bilis

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 14 Nov 2010




ARLINGTON, Tx -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, sa aking mga kababayan saan mang sulok ng mundo. Nasaan man kayo naroroon, alam kong sabik na kayo sa aking laban.

Ito na po ang ating pinakahihintay na sandali. Ngayong gabi sa Cowboys Stadium, makakaharap ko na si Antonio Margarito upang pag-agawan ang belt ng WBC super welterweight division.

Inaasahan kong mainit ang magaganap naming laban. Dahil alam kong pinaghandaan niyang mabuti ang labang ito. Nababalitaan ko rin na talagang pinag-aralan nila ang aking galaw.

Pero, wala po akong kaba. Kailangan kong maging matapang upang ipakita sa aking kalaban na kahit siya?y malaki ay hindi ako uurong sa laban. Handa ako sa laban at sa anumang ibabato sa akin ng kalaban mula sa Tijuana, Mexico.

Kapwa kami may misyon ni Margarito.

Misyon niyang talunin ako at nang makabawi ang mga Mexican na aking tinalo sa mga nakalipas na laban.

Misyon ko naman na makuha ang ikawalong titulo. Bagay na hindi pa naisasakatuparan ng kahit sinong boksingero.

Marami ang nagulat at nagtaka sa aking naging timbang kahapon sa weigh-in.

May nagsasabing agrabiyado ako sa tinimbang na 144.6 lbs. Si Margarito ay may timbang na eksaktong 150-lbs kahapon. At inaasahan kong bibigat pa siya sa gabi ng laban.

Katulad sa mga nagdaan kong laban, tapang at talino, idagdag pa ang bilis ang aking sandata para magtagumpay.

Kaya po hindi ako nagpabigat ng timbang ay upang hindi mabawasan ang aking bilis.

That?s why we come in @ 144.6 lbs in yesterday?s weigh-in.

Speed is my advantage in every fight.

Ngayong gabi na po natin makikita ang lahat ng pinagdaanan kong hirap sa ensayo, mula pa sa Maynila, hanggang sa Baguio City at hanggang sa Los Angeles.

Ang bunga ng araw-araw na hirap sa gym ay aking ilalabas. Pero nais kong hilingin ang inyong suporta sa isa na namang mabigat na pagsubok na ito.

Tulad din po sa mga nakaraan ko ng mga laban, hindi ako magsabi ng resulta. Basta sa gabi ng laban, ibibigay ko ang lahat. Nais kong mabigyan ng kasiyahan ang lahat ng mga sumusuporta at sumusubaybay sa akin.

Magagawa ko rin ito sa tulong ng inyong dasal, upang sa bandang huli?y sabay-sabay tayong magtagumpay.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All!

* * *

Top photo: artwork by Michael Canja.

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025