
Tatlong Linggo na Lang
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 24 Oct 2010

MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon.
Habang tinitipa ang artikulong ito ay Ilang oras na lang at papalipad na kami papunta sa Los Angeles, California upang doon ipagpapatuloy ang pinakamahirap na yugto ng training. Kasama ang aking buong koponan at mga sparring partners, masasabi kong matagumpay at maayos ang unang yugto ng pagsasanay sa Baguio City kung saan ako nakapaghanda at nakabuo ng resistensiya, bilis at lakas.
Unti-unting nanunumbalik na ulit ang aking maayos na kondisyon para sa aming laban ng dambuhalang si Antonio Margarito ng Mexico sa malawak na Cowboys Stadium sa Arlington, Texas. Tatlong linggo na lang ang bubunuin bago ang salpukan namin ni Margarito. Itala sa inyong mga kalendaryo: November 13 (tanghali ng Nov. 14 sa Filipinas).
Nakataya ang bakanteng WBC super-welterweight title at ngayon pa lang ay excited na akong lumaban at habulin ang isa pang record sa sport na boksing. Kung pagpapalain ulit tayo, ang ikawalong titulo sa ikawalong magkakaibang dibisyon ang magbibigay sa atin ng karagdagang papuri at karangalan?isang record na bibihirang darating sa kaninumang mandirigma ng ring.
There is still so much work to be done and I will not rest until I attain 100 percent condition going into the fight. Alam kong hindi mabuti na makuha ang peak condition kaya naman natutuwa ako at nasa tamang kondisyon ako ngayon sa yugto ng training.
Sa huling araw namin sa sparring dito sa Elorde Gym, nakaharap ko sa apat na rounds si Amir Khan, ang kampeon ng Inglatera at anim na rounds naman kontra kay Michael Medina. So far, so good but we still have more room for improvement.
Sa America ko kukumpletuhin ang sparring at madaragdagan pa ang aking mga sparring partners. Bukod sa maganda ang klima sa Los Angeles, kinakailangan ko ring i-promote ang aking laban sa US media. Pansamantala kong maiiwan muli ang aking mga anak at pamilya gaya ng marami kong laban mula pa noong 2001. Iyan ang ilan sa mga sakripisyong dapat kong harapin kapalit ng tagumpay nating lahat.
Masasabi kong nasa 90 hanggang 95 percent na akong handa para sa laban at gusto ko pang makamit ang karagdagang bilis para mabura ko ang malaking kalamangan ni Margarito sa laki at taas. Kinakailangan ko ring makamit ang perpektong timing upang mailagan at matamaan si Margarito.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025