
Walang Tiyaga, Walang Nilaga
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 21 Oct 2010

BAGUIO CITY ? Kahit na maulan pa rin at katatapos lang na dumaan ang isang malakas na bagyo dito sa Baguio City, ibig ko sanang ipaabot sa inyo ang isang magandang araw saan man kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.
Kahit na nagsusungit ang panahon, kailangan pa ring ipagpatuloy ang paghahanda sa tinatayang isa sa pinakamahirap kong laban mula nang ako ay magsimulang lumaban sa ibabaw ng ring. Hindi maaaring ipagsawalang-bahala ang makakalaban kong si Antonio Margarito ng Mexico dahil alam kong isa siya sa pinaka-focused na makakaharap ko.
Bukod sa siya ang pinakamatangkad sa lahat ng aking nakaharap mula pa noong umpisa, ang timbang para sa nakatayang WBC super-welterweight belt ang pinakamabigat na dibisyon na aking lalabanan, mas mabigat kaysa sa 147-pound limit na aking sinuong nang makalaban ko si Oscar Dela Hoya, Miguel Cotto at Joshua Clottey.
Ako na rin marahil ang pinakamaliit na boksingerong lumalaban o lalaban sa catchweight na 150 pounds sa taas kong 5?6 1/2?. Bukod sa hindi na ako naghihinay-hinay sa pagkain ng kung anumang masustansiyang pagkain na aking nanaisin, hindi na ako dumadaan sa proseso ng pagpipiga sa sarili upang makuha ang timbang. Kabaliktaran pa nga. Kinakailangan kong mapanatiling mataas ang aking timbang upang hindi naman lubos na madehado sa salpukan.
Si Pernell Whitaker siguro, na lumaban sa welterweight division, ang isa sa pinakamaliit na naging kampeon sa welterweight pero hindi sa mas mataas na super-welterweight division. Kaya naman, puspusan po ang aking paghahanda sa sarili sa anumang paghamon at pagsubok na mararanasan sa aming laban ni Margarito.
Sa taas na 5?11? at may habang 73? reach, kailangang sanayin ko ang sarili sa pakikipaglaban kontra sa mga mas matatangkad na sparring partners at hindi ito madali. Upang makamit natin ang karangalan ng paghahangad at pagkopo sa ikawalong world championship sa ikawalong magkakaibang weight divisions, kailangang maging gutom ako sa pagkamit ng titulo dahil alam kong malaki rin ang motibasyon ni Margarito para ako ay talunin.
Dahil nahuli siya at pinarusahan at pinaratangan ng marami bilang isang mandaraya sa paggamit ng ?semento? sa kamay, alam kong matindi ang motibasyon ni Margarito upang mabura sa isipan ng marami ang masamang reputasyon na nakaugnay sa kanyang sarili nang labanan niya si Sugar Shane Mosley.
At dahil ako ang tinaguriang pound-for-pound best na boksingero, alam kong lahat ng makakalaban ko ay gusto akong talunin. Hindi ko po hahayaan at bibigyan ng pagkakataon ang mga kalaban upang makuha ang titulong iyan mula sa atin. Kaya naman kahit na malamig, basa at mahirap ang training, kailangang magsakripisyo ng mas matindi upang makakapagbigay tayo ng magandang laban.
Hindi pa kami dumarating sa pinakamahirap na yugto ng training. Sana, ipagpatuloy po ninyo ang panalangin at suporta.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025