
Paghanga kay Gerry Pe?alosa
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 14 Oct 2010

BAGUIO CITY -- Isang magandang araw po ang nais kong iparating sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga sumusubaybay sa kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang sulok ng mundo kayo naroroon.
Isang buwan na lang po ang binibilang natin bago tayo sumabak sa isa sa mga pinakamahirap na laban ng aking boxing career, ang pagharap ko sa higanteng si Antonio Margarito sa November 13 sa Dallas, Texas. Handa na raw ang malawak na Cowboys Stadium at inaabangan na ng marami ang laban na ito.
Patungo na rin sa pinakamatinding yugto ang training at paparami na ang bilang ng rounds sa sparring habang ang conditioning coach ko naman ay abala sa pagbibigay sa akin ng mas mahirap na drills upang hindi mawala ang aking bilis habang pinalalaki ko ang aking katawan para sa pinakamabigat kong timbang mula nang ako ay magsimulang magboksing.
Susubukan nating makamit ang ikawalong sinturon, ang WBC super-welterweight title kontra sa Mexicanong kalaban, na siya ring isa sa pinakamatangkad at pinakamalaking makakalaban ko mula pa noong ako ay magsimula. Mas malaki si Margarito kaysa kay Oscar Dela Hoya at lamang halos siya sa laki, taas at haba.
Kaya naman pinagbubuti ko ang pagsasanay, dahil kung makakamit natin ang tagumpay, ito ang magiging karagdagang titulo na siya na namang bubura sa record na pitong world titles sa pitong magkakaibang dibisyon. Opo, isang Filipino ang may tangan ng record na iyan at sana, mapalawig natin lalo ang record na iyan.
Utang na loob ko ang pagkamit ng mga titulo sa mga nagdaang kampeon ng Pilipinas gaya nila Gabriel Flash Elorde at kamakailan, si Gerry Penalosa. Nanalo si Penalosa sa huli niyang laban noong Linggo at nagpasya siyang magretiro na sa edad na 38. Ang mga naunang boxer sa akin ang nagsilbing inspirasyon ko, lalung-lalo na si Pareng Gerry na naka-spar ko pa noong ako ay nagsisimula pa lang.
Marami akong natutunan kay Ginoong Penalosa na isa sa mga pinakamagaling na boxer ng bansa kaya naman nakuha niyang maging kampeon sa dalawang weight divisions. Bukod doon, ang kaniyang disiplina sa pangangatawan ang isa sa mga dapat nating tularan. Alaga niya lagi ang kaniyang kalusugan kaya naman kahit na umabot siya sa edad na 38, isa pa rin siya sa mga kinatatakutan at nirerespetong boxer.
Mahigit na 55 na panalo ang record ni Penalosa maliban sa ilang talo at masasabi kong matagumpay ang naging boxing career niya. Good luck sa iyo, pare, sa mga proyektong iyong plano ngayong retired ka na. Alam kong marami ka pang maibibigay at maipapamahaging magagandang tulong sa mga boxer na susunod sa iyong yapak habang ako naman ay magsusumikap din na dagdagan at itaguyod ang sinimulan ninyong lahat?ang bigyan karangalan ang bansang minamahal natin.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025