Mobile Home | Desktop Version




Bakbakan Na Naman

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Fri, 01 Oct 2010



BAGUIO CITY -- Magandang araw po ulit sa lahat ng mga tagasubaybay ng kolum na ito mula Batanes hanggang Jolo, mula rito sa Summer Capital ng Pilipinas hanggang saan mang sulok ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang lingkod.

Habang sinusulat ko ang kolum na ito, naghahanda na kami para simulan ang sparring kontra sa dalawang malalaki at batang sparring partners. Excited na ulit akong mag-spar dahil matagal-tagal na rin ang huli kong sparring sessions.

Opo, kamakailan ay bumisita ako sa ospital upang ipakita ang sumasakit kong paa sa aking doctor sa Maynila. Hindi ko na po sana ibabalita ito pero lumabas na rin sa diyaryo kaya gusto ko lang kayong garantiyahang nasa mabuting lagay naman po ang aking katawan. Maganda naman ang mga mitts sessions namin ni coach Freddie Roach at handa na kami para sumabak sa mga pagsubok na dala ng aking sparring partners.

Ayon sa kani-kanilang record, ang dalawang boksingerong kasama ni coach Freddie mula pa sa US ay sina light middleweight Michael ?Murder Man? Medina ( 24-2-2, 19 KO?s) at ang wala pang talong welterweight na si Glen Tapia (7-0, 5 KO?s). Parehong matatangkad at mas malalaki sa akin ang dalawang ito gaya ni Antonio Margarito na siya kong makakaharap sa Dallas, Texas sa Nobyembre 13.

Inaasahang mas marami raw sa 51,000 katao ang dadagsa sa Cowboys Stadium upang manonood ng aking laban kontra sa kampeon ng Mexico na may halos apat na pulgadang kalamangan sa taas at anim na pulgadang kalamangan sa haba ng kamay. Excited na akong lumaban, habang iniisip ko kung gaano kaingay at kasaya siguro ng mga manonood sa labang ito.

Nakataya ang bakanteng WBC super welterweight title at kung maipapanalo natin itong laban na ito, makakamit natin ang ikawalong titulo sa walong magkakaibang weight division.

Isa pong Filipino ang may tangan ng record na pitong world championship belts sa pitong magkakaibang weight division kaya naman puspusan ang aking paghahanda sa laban na ito. Alam ko pong mas malaking karangalan na naman ang matatanggap nating lahat kung maipapanalo natin ang labang ito kaya hindi ako magpapabaya sa paghahanda. Kahit na dalawang higante ang kaharap ko bukas, ipapakita ko ang tapang at gilas ng isang Filipinong gerero upang mapaghandaan ang anumang sorpresa na maibibigay ni Margarito sa takdang araw ng aming laban.

Upang maging handa tayong lubos sa laban ay kinakailangang magsakripisyo ng matindi sa training. Para sa akin, ang training ang isa sa pinakamahirap na yugto ng paghahanda. Kung mas mahirap ang training, mas malaki ang tsansa na maipapanalo ang laban. Mas malaki ang kumpiyansa natin sa ating sarili at mas mapapadali ang mahirap na pagsubok sa ibabaw ng ring.

Sana ay ipagpatuloy pa rin ninyo ang pagsuporta sa akin sampu ng inyong mga panalangin. Malaki ang ipinagpagpapasalamat ko sa inyong lahat sa walang-tigil na suporta kaya naman hindi tayo pinababayaan ng ating Panginoon.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • IBA embraces Bare Knuckle Boxing
    Tue, 06 May 2025
  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025