
Halina sa Baguio
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 26 Sep 2010

MANILA ? Isang magandang araw po ang aking bati sa inyong lahat ngayong araw at sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo. Sana ay sumainyo ang mga biyaya at pagpapala ng ating Poong Maykapal.
Ibig ko po sanang ibahagi sa inyo na simula sa susunod na linggo ay patindi na nang patindi ang pagsasanay ko para sa nalalapit kong laban sa Nobyembre 13 sa Dallas, Texas. Makakaharap ko ang Mexican champion na si Antonio Margarito sa dambuhalang Cowboys Stadium para sa WBC light middleweight title na bakante sa kasalukuyan.
So far, so good! Iyan ang ulat ko sa inyo mula sa panimulang yugto ng training namin dito sa Maynila bago kami aakyat sa Baguio City, kung saan sisimulan ang pangunahing yugto ng training camp. Kinailangan ko munang dumalo pa sa ilang sessions sa Congress upang makumpleto ang ilan sa mga proyekto para sa lalawigan ng Sarangani na kinakatawan ko.
Dito sa Kamaynilaan namin sinimulan ang pagkuha ng kaunting resistensiya upang muling maibalik muli dating sigla ng katawan habang tumatakbo kami kasama ng ilang mga kapwa boxers sa umaga. Natutuwa ako dahil masaya ang team sa pangunguna ni coach Freddie Roach, Alex Ariza, Buboy Fernandez at Nonoy Neri.
Siyempre naman, hindi rin mawawala ang aking alagang aso na si Pacman.
Medyo wala rin siyang hangin pero sa ilang araw lang ay babalik ulit ang gilas ng aking paboritong aso.
Alam namin ni coach Freddie na hindi magiging madali ang pag-eensayo para sa laban na ito dahil si Margarito ay malaki, matangkad at malakas. Para maging handa kami sa anumang maaaring mangyari sa laban ay kinakailangan naming magsakripisyo nang mahaba at wasto. Walang madaling landas na tatahakin para makamit ang ginto sa ilalim ng bahag-hari at kung ako ay magpapabaya sa training, ako rin ang mahihirapan sa huli.
Sa Baguio namin makukuha ang resistensiya dahil high-altitude training ito. Bukod sa walang masyadong traffic, mas sariwa ang hangin sa City of Pines. Dito namin uumpisahan ang mga sparring session simula sa Martes.
Kasama na ni coach Freddie ang dalawang boksingerong kasing-tangkad at laki ni Margarito. Ang kanilang estilo raw ay halos pareho sa mga kilos ng Mexican. Excited na akong sumabak muli sa matitinding bakbakan. Sa ikatlong linggo ng Oktubre naman ay lilipat ang training sa Los Angeles at tatapusin sa Arlington, Texas ang training.
Sana ay suportahan po ninyo ako sa paghahanda natin. Gaya ng dati, ang Inyo pong mga panalangin ang magdudulot sa atin ng lakas at sigla upang makausad at malusutan natin ang bawat pagsubok.
Hanggang sa muli pong Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
IBA embraces Bare Knuckle Boxing
Tue, 06 May 2025Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025