Mobile Home | Desktop Version




Umpisahan Na Ang Paghahanda

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 09 Sep 2010




MANILA ? Isang magandang araw ang aking ipinahahatid sa inyong lahat, mga ginigiliw kong fans, kababayan at tagasubaybay ng kolum na ito. Saan man kayo naroroon ngayon saan mang sulok ng mundo, nawa ay maayos, masigla at malusog kayo gaya ng inyong abang lingkod.

Halos siyam na linggo na lang ang hihintayin at bubunuin natin bago tayo ulit sasabak sa matinding bakbakan sa Dallas, Texas kontra sa Mexicanong mandirigma na si Antonio Margarito. Gaganapin ang laban sa Nobyembre 13 sa malawak at modernong Dallas Cowboys Stadium sa karatig pook ng Arlington.

Tuloy pa rin po ang pagsisilbi natin sa bayan bilang kinatawan ng Sarangani province sa Kongreso at sa aking pagbabalik sa opisina ay hindi pa rin nababawasan ang dami ng taong dumadagsa upang humingi ng tulong o di kaya ay magbigay ng mga proposal. Ilan naman ay nagpupunta upang ako ay batiin at makamayan.

Sa ngayon ay binibigyan-pansin namin ang ilang lokasyon kung saan maaaring mag-ensayo na hindi naaapektuhan ang aking tungkulin, dahil na rin sa kahalagahan ng pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan ng aking mga kababayan. Nanumpa ako na gagampanan ko sa abot ng aking makakaya ang pagiging Congressman ng Sarangani at tutuparin ko ito, gaya rin ng pagtupad ko sa responsibilidad ko sa aking bayan bilang isang boxer.

Opo, pareho kong kailangang pag-igihin ang dalawa sa nakatakdang tungkulin ko at hindi ko maaaring iwanan ang isa. Sa tingin ko naman ay kaya kong gampanan ito at wala naman akong problema sa ngayon. Time management lang naman ang kailangan dito. Tatakbo ako sa umaga, papasok sa Kongreso sa tanghali at sa pagtapos ng session sa hapon ay mag-eensayo na kasama ang aking team sa pangunguna ni coach Freddie Roach at ang iba kong tinyente na sila Boboy Fernandez, Alex Ariza, Nonoy Neri at iba pa.

Siyempre, darating din ang iba pang kasama sa training kagaya ng aking mga sparring partners na halos kasing-tangkad at kasing-laki ni Margarito. Sa makalawa ay darating na rin ang aking mahal na si ?Pacman,? ang aso ko na nasa US, upang samahan at sabayan akong tumakbo sa umaga.

Hindi ko na rin papansinin ang ilan sa mga distraction at mga sagabal sa paghahanda gaya ng walang-kabuluhang isyu ng isang boxer na inggit sa aking mga nagampanan at naabot, kahit na nanggaling lang tayo sa isang maliit na bayan sa pinakasulok na bahagi ng Pilipinas. Naisip kong mas mabuting hindi na lang pansinin si Mayweather at pag-aksayahan ng oras ang kanyang kawalang-hiyaan.

Coming from a Third World country, we will stand with dignity and honor. We will not respond to racial slurs with equally violent and disrespectful statements. Instead, we pray for forgiveness and repentance.

Para sa mga mahilig sa boksing, marami ang hindi makakaintindi sa kahalagahan ng ispiritwal na paghahanda. Marami sa atin ang naniniwalang kailangan ay may galit ka sa katawan mo para ikaw ay maging isang magaling na boxer. Ang totoo po niyan ay kasalungat nito.

Kailangan mong maging mahinahon. Kailangan mong magdasal. Kailangan mong pairalin ang pag-ibig sa iyong puso upang maging mas magaling ka sa anumang bagay na iyong nanaisin.

Marami pang sikreto na kailangan ninyong malaman. Hanggang sa muling Kumbinasyon.God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025