
Pakikiramay Kay Mr. Arum
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 05 Sep 2010

LOS ANGELES -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, lalong lalo na ang mga nagbabasa ng pitak na ito at ang mga fans ng Pacland, mula Batanes hanggang Jolo, mula rito sa Los Angeles hanggang sa Manila at saan mang panig ng mundo.
Kararating lang po namin dito sa Los Angeles matapos ang halos isang linggong pagpo-promote ng susunod kong laban sa Nobyembre 13 sa malawak na Cowboys Stadium sa Dallas, Texas. Kahit na pagod na pagod kami sa biyahe at sa pagharap sa mga kinatawan ng media at mga fans ng boxing, masaya pa rin ako sa nangyari dahil matagumpay naming naipahayag sa lahat ang magandang laban na masasaksihan ng lahat.
Excited na ako na bumalik sa pag-eensayo at paghandaan ang napipintong pinakamahirap kong laban sa aking career. Gayunpaman, uuwi agad din ako sa Pilipinas upang gampanan ang aking tungkulin sa aking mga kababayan sa Sarangani bilang Congressman ng lalawigan.
Hindi namin nakasama ang batikang promoter na si Bob Arum dahil kinailangan niyang hanapin ang nawawalang anak sa Washington. Nawala at nahanap na rin ang anak ni Mr. Arum sa bundok kung saan siya umakyat at nadisgrasya. Nakikiramay ako sa aking promoter na hindi na nakasama sa ikalawa at ikatlong yugto ng promo tour sa New York, New York at Dallas, Texas.
Wala man si Mr. Arum sa press tour, nagawa rin naming gawing makabuluhan at matagumpay ang pagpo-promote ng laban kasama ang host ng Cowboys Stadium na si Jerry Jones. Natutuwa ako sa ipinakitang gilas, suporta at saya ni Ginoong Jones, ang bilyonaryong may-ari ng bagong Cowboys Stadium.
Malugod akong lalaban muli sa Dallas matapos ang bakbakan namin ni Joshua Clottey noong Marso. Sa aking palagay ay mas maganda ang laban na ito dahil si Margarito ay kilalang mandirigma ng Mexico at hindi siya umaatras sa dikitang laban.
Sa pagdagsa pa lang ng mga fans at ng mga manunulat sa Los Angeles, New York at Dallas, nakikinita naming dadagsain ang laban at susubaybayan ng lahat ang pay-per-view sa telebisyon.
Natutuwa naman akong pati si Floyd Mayweather ay tumutulong sa pagbibigay ng pansin sa aking laban. Dahil sa paninira niya sa aking puri at sa paglalahad niya ng kaniyang kamangmangan ay lalong napapansin ng lahat ang laban na ito. Dahil kukulangin ang pahina ngayon, bibigyan-pansin ko ang mga kasalanan na ipinataw ni Mayweather sa susunod kong kolum.
Alam kong aalma ang maraming taong naapektuhan ng racial slurs ni Mayweather na nagpakita ng kawalanghiyaan niya sa sarili. Alam kong marami pang babatikos sa kanya mula ngayon hanggang sa susunod kong kolum.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Photo: Superstar Manny Pacquiao (L) does an interview while chief trainer Freddie Roach (far left) looks on during the Dallas-Miami preseason game Thursday night at Cowboy Stadium. Pacquiao and three-time world champion Antonio Margarito will hold a press conference Friday at the stadium for their upcoming mega fight on November 13 at Cowboys Stadium in Arlington,Texas. Pacquiao vs Margarito is promoted by Top Rank in association with MP Promotions and Cowboys Stadium. This telecast will be available live on HBO Pay Per View. -- Photo Credit: Chris Farina - Top Rank.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
Mon, 05 May 2025"THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
Sun, 04 May 2025Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
Sat, 03 May 2025Press Conference Notes: Naoya Inoue-Ramon Cardenas & Rafael Espinoza-Edward Vazquez Top Monster World Championship Doubleheader Sunday in Las Vegas
Sat, 03 May 2025