Mobile Home | Desktop Version




Paghahanda Laban Kay Margarito

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 29 Aug 2010



MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga ginigiliw kong mga kababayan, fans at tagasubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin, ako po ay nasa mabuting kalagayan at handa na muling sumabak sa laban.

Ilang araw na lang ay lilipad na ulit ako patungong Estados Unidos upang pormal na pirmahan ang kontrata ng laban at makasama at makaharap na muli si Antonio Margarito, na siya kong makakalaban sa Nobyembre 13.

Babalik ulit ako sa Dallas, Texas, sa magarbo at malawak na Cowboys Stadium sa karatig bayan ng Arlington upang lumaban. Opo, walong buwan matapos ang aking laban kay Joshua Clottey at natutuwa akong lumaban ulit sa state-of-the-art na palaruan ng bilyonaryong si Jerry Jones.

Excited ako na lumaban ulit dito dahil noong huli akong nagsuot ng gloves dito ay mahigit sa 50,000 katao ang dumalo at nanood. Tinatantiya na mahigit sa 70,000 katao ang dadagsa sa Cowboy?s Stadium at marahil ay malalampasan namin ni Margarito ang pinakamalaking live audience na dumalo sa isang patimpalak sa US o maging sa mundo. Alam kong mahigit sa 100,000 katao ang maaaring makapanood ng laban sa loob ng Stadium na ito.

Napili ng aking promoter na si Bob Arum, kasama ng aking team si Margarito bilang kasunod kong kalaban matapos ilang beses na umayaw si Floyd Mayweather na lumaban sa akin, kahit na inaasahan ng lahat na sa pamamagitan lang naming dalawa ay magagawa naming lampasan ang pinakamaraming record sa larangan ng sport na boxing.

Marami ang hindi nagkakagusto sa aking kalaban dahil raw sa matinding pandarayang ginawa ng kanyang team sa kanyang laban kontra kay ?Sugar? Shane Mosley noong taong 2009 dahil sa pagkakadiskubre ng ilegal na pagbabalot ng kamay gamit ang mga sangkap na bububo?? sa Plaster of Paris o semento.

Kaya naman po nasuspindi si Margarito ng mahigit sa isang taon bago siya nakalaban muli noong Mayo at sa pananaw ng Texas Athletic Commission na nagbigay ng panibagong lisensya ay sapat na ang panahon na ito upang makakuha ulit siya ng panibagong pag-asa upang linisin ang kanyang pangalan. Dahil sa pinagsisihan ni Margarito ang kanyang nagawang kasalanan at pinagbayaran naman niya ito lalung-lalo na sa pagpaparusa niya sa kanyang trainer na kanyang tinanggal sa kanyang koponan, nakabalik ulit si Margarito mula sa pagkakalugmok.

Marami ang bumabatikos sa kanya at pati na rin ako ay nasali sa mga batikos. Sinabi ni Margarito na wala raw siyang kinalaman sa mga pangyayari at wala namang nakapagpatunay na si Margarito nga ang nag-utos sa kanyang dating trainer na ?sementuhin? ang kanyang kamay. Isang napakasamang tao lamang ang makakagawang talikuran ang kanyang kaibigan. Isang matinding martir lamang ang taong aamin at aako sa pagkakamali at isasakripisyo ang kanyang pangalan para sa isang tao. Sa aking palagay, si Margarito na lamang ang dapat managot sa Diyos, kung malinis man o madungis ang kanyang konsiyensiya.

Para sa akin, tuloy ang laban at dapat patunayan ni Margarito na kaya niyang lumaban na walang semento ang kanyang kamay. Tuloy ang media tour namin sa Los Angeles, California, New York at Dallas, Texas.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025