Mobile Home | Desktop Version




Tuloy Ang Laban

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 26 Aug 2010



MANILA --- Isang magandang araw po ang aking ipinamamahagi sa inyong lahat mula Aparri hanggang Jolo at kung saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang-lingkod na abalang-abala sa pagsisilbi sa bayan.

Matapos ang isang makabuluhang pagbisita sa bansang Singapore, balik-Pilipinas po ulit ako upang bigyan pansin ang iba pang proyekto at panukala para sa aking distrito sa Sarangani province.

Marami akong natutunan at maipapamahagi sa aking maikling pagbisita sa ibang karatig-pook at dahil wala namang session sa Congress kapag Sabado at Linggo ay naging mas mabunga ang kalakaran. Bukod sa naging masaya ang trip sa Singapore dahil kasama ko ang aking mga kaibigan, nakapagbigay ulit tayo ng saya at inspirasyon sa mga kabataan, kasama na diyan ang mga boxers na nagsisimula pa lang sa amateurs. Kung masaya sila, mas masaya ako.

Habang marami kaming tinatapos sa Kongreso ngayong panahong ito, tinatapos na rin ng aking mga promoters at team ang negosasyon para sa aking laban sa Nobyembre 13. Marami pa ring mga detalye ang dapat tukuyin at tapusin pero ayon sa mga pahayag, matatapos ang mga talakayan sa linggong ito. Malalaman po natin ang ibang detalye sa susunod na mga araw.

Hindi pa rin final ang lugar kung saan gaganapin ang laban pero malaki ang posibilidad na sa Dallas, Texas pa rin ang laban kung hindi madadaig ng ilan pang bidders ang offer ng Cowboys Stadium.

Kailangan pa ring makakuha ng lisensiya ang napipisil na kalaban na si Antonio Margarito, ang Mexicanong nasuspinde dahil sa kagagawan ng taong nagbalot ng benda sa kanyang kamay. Kung may kinalaman man si Margarito sa mga kaganapan, siya lang at ang kaniyang konsensiya ang maaaring humarap sa Dakilang Lumikha. Kung nagsisi na siya o humingi ng kapatawaran o dispensa sa bagay na di niya alam o kung may kinalaman man siya, ang mga athletic commissions ng bawat state sa US ang bahalang magbigay ng kaukulang parusa. Nasa kanilang kapangyarihan ang pagbabalik ng kaniyang lisensiya. Bukod doon, kailangan pa rin niyang harapin ang responsibilidad ng sinuman sa kaniyang koponan lalung-lalo na sa mga susunod niyang laban dahil lahat ay magmamasid.

Narinig ko kung paano nagsisi at nakita natin na tinanggal ni Margarito sa kanyang team ang matagal na niyang trainer. Nalaman ko rin na bago na ang koponan ni Margarito at nangangako silang hindi na mauulit ang pandaraya at masamang gawain ng paglalagay ng pampatigas sa kanyang benda. Kailanman ay hindi dapat bigyan pahintulot ang ganitong gawain.

Nasuspindi at hindi siya nakalaban ng mahigit na isang taon mula nang mahuli noong Enero, taong 2009. Kung patas ang laban, tuloy ang sagupaan namin ni Margarito sa Nov. 13.

Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
    Tue, 16 Dec 2025
  • TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
    Tue, 16 Dec 2025
  • JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
    Tue, 16 Dec 2025
  • Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
    Tue, 16 Dec 2025
  • INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
    Mon, 15 Dec 2025
  • Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
    By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025
  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025