
Paghanga sa Singapore
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 22 Aug 2010

SINGAPORE --- Magandang araw po ulit sa inyong lahat mga giliw kong kapwa Filipino, tagasubaybay at fans, isang pagbati mula rito sa aking kasalukuyang kinalalagyan, sa marikit at maayos na bansang Singapore kung saan ako kasalukuyang nagbabakasyon kasama ang aking pamilya at mga kaibigan.
Mula sa pormal na imbitasyon sa akin ng Singapore Tourism Board sa pangunguna nila Lynelle Seow at Justin Chew at ng bansang Singapore, tinanggap ko ang paunlak nila na bisitahin ko ang kanilang bansa upang ako na mismo ang makapansin at makapag-aral sa leksiyon ng pamamahala at pagpapatupad ng matuwid at maayos na pamahalaan ng Singapore.
Dahil na rin sa ipinamalas na pagbibigay-pugay sa akin ng gubyerno ng Singapore at sa pagkikilala nila sa akin bilang kampeon ng boxing sa Asia at sa buong mundo, ikinagagalak at natutuwa kong pinaunlakan angmainit na pagsalubong nila sa aming grupo.
Bago pa ako nakarating dito sa bansang ito, alam ko na na lubhang malinis, disiplinado at masunurin sa batas ang bawat nakatira sa Singapore. At sa paglapag pa lang namin sa airport, kapansin-pansin na ang kaayusan at pagdidisiplina ng bawat isa kahit na maliit na bansa lamang ito.
Mayaman at maunlad ang siyudad ng Singapore at naglalakihan ang mga gusali nito. Masasabi kong magaling na pangulo ang namahala sa bansang ito na nagbibigay ng matitinding parusa sa pagkakalat sa kalye na isa sa mga pangunahing rason kung bakit may anking disiplina na ang lahat ng tumitira dito at kasama na rin ang mga turistang gaya namin.
Damang-dama ko ang respeto na ibinigay ng bansang ito sa akin at sa aking mga kasama. Nakita ko rin ang malaking paghanga ng kanilang mga amateur boxers sa akin kaya naman inspirado rin akong bigyan sila ng mga inspirasyon upang magpursigi upang makamit nila ang kanilang minimithi sa buhay. Maayos naman ang Singapore Boxing Federation na siyang namamahala sa paghasa sa mga umuusbong na talento mula sa kabataan.
Kasama ko rin ang crew ng aking TV show na ?Show Me Da Manny? at dahil naririto na rin ako, dito namin kukunan ang isang episode ng sitcom na kinagigiliwan kong palabas.
Sa ganitong mga klaseng bakasyon naiiba ng kaunti ang aking busy schedule dahil sa Lunes ay babalik na naman ako sa Congress upang gampanan ko ang aking responsibilidad sa aking mga nasasaklaw sa bayan ng Sarangani. At kasama kong pauwi ng Pilipinas ang magandang mga ala-ala at leksiyon ng Singapore na maaaring gawing halimbawa rin sa ating bansa. Gaya ng sabi, kung kaya ng mga Singaporeans, kaya rin natin.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025