
Oplan: Antonio Margarito
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 19 Aug 2010

MANILA--Magandang araw po ulit sa inyong lahat. Sana ay nasa maganda kayong kalagayan saan mang panig ng mundo kayo naroroon. Kung ako po ang inyong tatanungin ay mabuti naman po ako.
Tuloy pa rin ang mga pang-araw-araw na session sa Kongreso at kahit na mahigpit ang aming schedule, naisisingit ko pa rin namang magpapawis pagkatapos ang mga tungkulin sa hapon upang mapangalagaan ko rin at mapanatili ang magandang kundisyon sa pangangatawan. Minsan nga, kung minsan na hindi nagkakaunawaan ang ilan sa aking mga kasama sa Kamara ay sa basketball court na lang namin naiuuwi ang ilang usapin.
Dahil sa responsibilidad ko rin sa bayan ang maging handa at karapat-dapat sa titulong world champion sa boxing, hindi rin nawawala ang aking focus sa negosasyon para sa aking napipintong laban sa Nobyembre 13. Habang isinusulat ang pitak na ito, nakalalamang ang Cowboys Stadium sa Dallas, Texas, isa sa mga lugar kung saan maaaring maganap ang laban.
Marahil si Antonio Margarito ng Mexico na nga ang susunod kong makakaharap sa pagtatapos ng taong ito. Minamadali na ng aming promoter na si Bob Arum ang ilan sa mga detalye patungkol sa laban at ilang araw na lang ay malalaman na natin ang final na mga kasunduan para sa pinakamatinding pagsubok sa aking boxing career.
Ayon sa aking mga tagapanaliksik, kukuha ulit ng panibagong lisensiya si Margarito sa California State Athletic Commission matapos siyang masupindi noong 2009 dahil sa isang diumanong kagagawan ng kaniyang cornerman. At kung makakakuha ng panibagong lisensiya si Margarito, mas mapapadali na ang negosasyon sa kung saan siya maaaring lumaban.
Hindi basta-basta si Margarito. Matapos siyang matalo kay Shane Mosley sa isang sagupaan sa welterweight division, umakyat siya sa light middleweight division sa kaniyang pagbabalik at nakuha niya ang WBC International title. Sa kaniyang laban sa Mexico, ipinakita niya kung bakit isa siya sa mga iniiwasang boksingero sa buong mundo.
Sa taas na 5'11", si Margarito ang pinakamatangkad na boksingerong aking makakaharap, kung magkakaayos ang magkabilang panig sa negosasyong magaganap sa mga susunod na araw. Mas matangkad siya kay Oscar Dela Hoya at may taglay na lakas. Mabilis din si Margarito at dahil naging world champion din siya noon, hindi natin siya maaaring bale-walain. MInsan ay tinalo na niya si Miguel Cotto na kampeon na rin ng World Boxing Association light middleweight division.
Para sa akin, magbibigay ako ng apat na pulgada sa taas at laki at haba ng kamay at ayon sa panimulang usapan, maglalaban kami sa timbang na 150 pounds, isang dibisyon na hindi ko pa naaabot mula nang magsimula akong lumaban. Sa aking huling laban noong March 13 kontra kay Joshua Clottey, hindi ko man lang naabot ang 147 pounds limit at tumimbang lang ako ng 145.5 pounds sa araw ng timbangan.
Lubos akong maliit sa laban sa welterweight division at ang pagpasok ko sa mas mabigat na light middleweight class ay nagbibigay sa akin ng bagong pagsubok. Lalabanan ko ang higanteng si Margarito dahil gusto ko kayong bigyan-saya sa makapigil-hiningang aksyon.
Malalaman natin ang iba pang kaganapan sa mga susunod na araw.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Kevin Brown and Yoenis Tellez Shine at Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During the 104th Annual WBA Convention
Tue, 16 Dec 2025TRAINING CAMP NOTES: Justin Cardona Shares Insights Ahead of December 19 Showdown Against Avious Griffin
Tue, 16 Dec 2025JAS MATHUR JOINS MANNY PACQUIAO PROMOTIONS AS CEO TO LEAD STRATEGIC VISION, CREATIVITY AND GLOBAL GROWTH INITIATIVES
Tue, 16 Dec 2025Split-T Management Signs Amateur Standout Adrian Salazar
Tue, 16 Dec 2025INTERNATIONAL BOXING HALL OF FAME REMEMBERS CANASTOTA’S MANAGER / TRAINER / PROMOTER TONY GRAZIANO
Mon, 15 Dec 2025Catubig, Prado win Suy Foods Santa Run
By Lito delos Reyes, Mon, 15 Dec 2025Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025