Mobile Home | Desktop Version




Unang linggo sa Kongreso

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Thu, 29 Jul 2010



MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong kababayan, tagasubaybay at lalung-lalo na sa mga mamamayan ng Sarangani province na pinagmumulan ng aking kapangyarihan bilang isang bagong halal na Congressman ng Pilipinas.

Nitong Martes lamang ay nabigyan ako ng pagkakataon na maibigay at maihayag ko ang aking unang privilege speech sa harap ng mga kapwa ko Kongresista at masasabi kong medyo kinabahan ako sa pagtatalumpati dahil hindi naman ako sanay pa.

Minsan, mas madali pa nga siguro ang pagboboksing dahil dito talaga ako nakilala at ito ang una at pangunahin kong trabaho. Dito ako sanay at kadalasan, wala akong takot. Sa bagong larangan na aking pinasukan, masasabi kong panibagong pagsubok ito muli sa akin.

Sa unang linggo ng pagbubukas ng Kongreso, naipahayag ko sa lahat ang aking layuning mapabuti ang mga buhay ng aking nasasaklawang distrito. Gaya ng bagong presidente, ako rin ay may malaking responsibilidad, mga tungkulin at suliraning minana ko sa nakalipas na panahon.

Yes, it is true. The province of Sarangani doesn't even have a provincial hospital and that reflects the poverty of my region. Four out of ten people of Sarangani don't have adequate housing, food and nutrition. I used to belong to this statistic.

Nananabik akong gampanan ang aking obligasyon sa aking mga kababayan dahil nanggaling ako sa hanay ng mga maralita. Halos hindi ko maipaliwanag ang ligayang aking nadarama dahil ngayon, magagawa ko nang mas epektibo ang pagtulong sa aking mga kapwa mahihirap.

Hindi pa rin ako makapaniwala minsan. Isa ako dati sa mga taong halos walang makain, walang matirahan at walang mapaghingian ng tulong kung kinakailangan. Sa pamamagitan ng aking bagong kapangyarihan, mas magiging mabilis ang pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan at naghihikahos.

Bukod dito, dahil malapit sa aking puso ang sports, masisiguro ko na maipapamulat ko sa lahat ang kahalagahan ng pag-aalaga sa sarili sa pamamagitan ng pagsali sa sports activities. Bukod dito, hinihingi ko rin sa lahat ang suporta at pakikiisa sa adhikaing makamit ng bansa ang kauna-unahang gintong medalya sa Olympics.

Ang lahat ng ito ay tututukan ko. Marami pa tayong dapat tuparin at tapusin. Sana, gaya na rin sa aking mga laban, sama-sama tayong magtulungan at manalangin upang tayo ay sabay-sabay na umusad at magwagi sa huli.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God bless us all.

* * *

Top photo: Filipino boxer and now Congressman Manny Pacquiao, center, talks to Senator Loren Legarda as they attend the State-of-the-Nation address by Philippine President Benigno Aquino III at the joint Congress at suburban Quezon city north of Manila Monday July 26, 2010. AP Photo/Bullit Marquez)

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Monster Dynamite: Inoue Crushes Cardenas in Eight
    Mon, 05 May 2025
  • "THE MONSTER" SURVIVES EARLY SCARE, DESTROYS CARDENAS IN THRILLING WAR TO RETAIN UNDISPUTED CROWN
    By Dong Secuya, Mon, 05 May 2025
  • Dana White to Promote Canelo vs. Crawford: UFC Boss Set to Elevate Superfight to Historic Levels
    By T. Chin-Te, Mon, 05 May 2025
  • Bata Reyes impressed with upcoming young players during exhibition in Libis
    By Marlon Bernardino, Mon, 05 May 2025
  • Canelo Wins the 'Xicoténcatl' Belt and is Undisputed Super Middleweight Champion Once Again
    By Gabriel F. Cordero, Sun, 04 May 2025
  • Florentino Inumerable rules 2025 Illinois Senior State Chess Championships
    By Marlon Bernardino, Sun, 04 May 2025
  • Canelo Grinds Out Uninspiring Win Over Elusive William Scull in Saudi Arabia; Canelo-Crawford Up Next
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Badou Jack Edges Norair Mikaelian in Grueling Cruiserweight Battle on Canelo-Scull Undercard
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Jaime Munguía Avenges Loss, Dominates Bruno Suráce in Riyadh Rematch
    By Dong Secuya, Sun, 04 May 2025
  • Weigh-In Results: Naoya Inoue vs. Ramon Cardenas/Rafael Espinoza vs. Edward Vazquez World Championship Doubleheader
    Sun, 04 May 2025
  • Rolly Romero Upsets Ryan Garcia, Throws Garcia-Haney Rematch into Chaos
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Haney's Cautious Approach Leads to Wide Decision Win Over Ramirez in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Teo Lopez Retains Titles with Unanimous Decision Over Barboza Jr. in Times Square
    By Dong Secuya, Sat, 03 May 2025
  • Canelo and Scull Hit the Scales: Undisputed Super Middleweight Showdown Set for Tomorrow in Riyadh
    Sat, 03 May 2025
  • Press Conference Notes: Naoya Inoue-Ramon Cardenas & Rafael Espinoza-Edward Vazquez Top Monster World Championship Doubleheader Sunday in Las Vegas
    Sat, 03 May 2025