
Tulung-tulong, Sama-sama Para sa Pagbabago
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 25 Jul 2010

MANILA -- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, mga minamahal kong mga tagasubaybay, fans, at mga kapwa Filipino saan mang panig sa buong mundo. Matagal na panahon tayong hindi nagkasama at ngayon ay nagbabalik ang inyong abang-lingkod para ituloy ang inyong pinaka-aabanangang column, ang Kumbinasyon, na nagbabalik matapos ang ilang buwang pagkawala sa sirkulasyon.
Marahil ay matatandaan ninyo noong huling mga araw ng aking pagsusulat, pansamantala akong humingi ng pahintulot upang hindi muna magsulat ng column na ito dahilan na rin sa aking pagsunod sa batas at alituntunin ng election code. Marahil ay nabalitaan na ninyo ang ating pagkakapanalo sa paghangad natin na makatulong sa ating mga kababayan bilang inyong Congressman sa Sarangani. Ikinalulugod kong ibalita sa inyo na nagtagumpay tayong lahat at nahalal ako bilang kinatawan ng probinsiya sa Congress.
Maraming salamat po sa inyong suporta. Maraming salamat din sa mga hindi sumuporta, iyong mga taong naniwala na dapat lamang akong lumaban sa ibabaw ng ring at hindi sumabak sa magulo at maduming mundo ng pulitika. Maraming salamat sa inyong mga panalangin at suporta!
Alam kong nasa isip na ninyo ang isang tanong. Kailan ba ang susunod kong pagsubok sa ring, at matutuloy ba ang pinakamalaking sagupaan ng dekada laban kay Ginoong Mayweather? Of course, tuloy po ang laban sa Nobyembre 13 at hinihintay na lang natin ang ulat mula sa aking team na nangangasiwa ng aking promotion sa buong mundo. Matutuloy ba ang Mayweaher fight? Ayon sa aking promoter, hindi raw nagbigay ng pahayag ang kampo ni Mayweather na ayon na rin sa pinuno ng HBO Sports na si Ross Greenburg, na naging tulay sa mga negosasyon, ay hindi rumesponde sa pagharap sa atin.
I am still waiting for fight proposals next week and two names have come up as leading opponents in November?Miguel Cotto and Antonio Margarito. Until I get hold of the proposals, only then will I make an official statement as to who will I face next instead of the much-anticipated Mayweather fight. If Mayweather doesn?t want to fight, that?s fine. Life goes on for all of us and our lives don?t revolve around his ego. I will fight the best out there as I have always done in my career. We have given in to some of Mayweather?s concessions regarding drug testing and now that the ball is in his hands, he did not give an answer whether or not he wanted to fight me.
Most of my time is now dedicated to helping my constituency as well as making laws to benefit most of my fellow Filipinos. This is probably one of my callings as a citizen and I will be true to my promises. I will show to everyone that a simple person like me can also become a champion outside the ring. Kailangan ko rin lamang ang suporta ninyong lahat gaya ng dati.
Panahon na po para sa pagbabago. Panahon na para harapin natin ang panibagong hamon na nangangailangan ng kooperasyon ng lahat. Panahon na upang baguhin natin ang iba sa mga maling pamamaraan ng pamumuhay. Hindi pa huli ang lahat at sa pagbubukas ng Kongreso sa Lunes, sana, magtulungan tayong lahat upang maiusad natin ang antas ng pamumuhay ng bawat Filipino. Maaari tayong magsimula sa ating mga sarili, sa maliit na kontribusyon, sa pagsunod sa batas, sa paggalang at pag-aalaga sa kalikasan sa pagrespeto sa karapatan ng ibang tao at marami pang iba.
Ako po si Emmanuel Dapidran Pacquiao, nanunumpa na gagawin ko ang lahat bilang kinatawan ng Sarangani, sa pagtulong sa pagsulong para sa ikauunlad ng ating bansa at ng lahat ng Filipino.
Hanggang sa Muling Kumbinasyon. God bless us all.
* * *
Top photo: Filipino boxer Manny Pacquiao, an army reservist, smiles as he attends the turnover of command ceremony for the new Philippine Army chief Friday, July 23, 2010 at Fort Bonifacio parade grounds, south of Manila, in the Philippines. At right is his wife Jinkee. (AP Photo/Bullit Marquez).
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025