
10 araw na lang
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Fri, 05 Mar 2010

LOS ANGELES -- Isang pagbati ng magandang araw mula rito sa Los Angeles sa aking mga kaibigan at minamahal na taga-subaybay ng aking kolum saanman kayo naroroon sa panig ng mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong lingkod.
Excited na ba kayo sa aking nalalapit na laban? Ako man ay ganoon rin.
Eksaktong sampung araw na lamang at dadagundong na naman ang ibabaw ng ring at sa pagkakataon ito’y sa isang lugar na kakaiba sa ating lahat.
Dadalhin namin ni Ginoong Joshua Clottey ang laban sa Dallas Cowboys Stadium sa Arlington, Texas sa Marso 13 (Marso 14 dyan sa ating bayan sa Pilipinas).
Alam kong marami na ang nag-aabang sa aming laban at inaasahan kong dadayo ang mga fans sa Texas upang saksihan ang isa na naming importanteng laban.
Sa loob ng natitirang labing isang araw, masasabi kong nasa tamang kundisyon na ang inyong lingkod. Kumbaga sa ginagawang building, finishing touches na lang ang kulang at ready to rumble na ako.
Wala na rin po kayong dapat alalahanin sa aking kaliwang binti, dahil hindi ko na po nararamdaman ‘yong pananakit nito.
Kahapon ay muli po akong umispar sa isang 19-anyos Irish na si Jamie Kavanagh. Maganda po ang naging resulta ng aming isparing, dahil pumapalit po ng suntok ang aking kaispar sa loob ng sampung rounds.
Ipagpapatuloy po namin, sampu ng bumubuo ng aking training camp, ang puspusan pang paghahanda, dahil batid po namin na hindi dapat balewalain ang isang Joshua Clottey.
Batid kong puspusan din ang paghahandang kanyang isinasagawa bilang paghahanda sa akin at alam kong gutom siya at gagawin ang lahat para ako’y kanyang talunin.
Kaya naman po, ginagawa rin namin ang lahat para ako’y maikundisyong mabuti upang sa Marso 13 ay aking iuuwi ang isa na namang tagumpay sa pagbabalik sa Pilipinas.
Tulad ng dati, tatapusin namin ang sparring session ngayong linggo, upang sa araw ng Lunes, matapos ang huling ensayo ay bibiyahe na ang buong Pacquiao Team sa Dallas.
Nakabalik na rin po ditto ang aking maybahay na si Jinkee, gayundin ang iba pang mga kaibigan na sasaksi at susuporta sa aking laban.
Muli ko pong hihingin ang suporta nyo sa labang ito. Hindi lamang po ito aking laban, kundi nating lahat na mga Pilipino.
***
Nais ko pong maiba ng konti. Natutuwa po ako sa naging pasya ng Comelec hinggil sa aking isa pang laban --- ang laban sa lona ng pulitika.
Ito po ay may kinalaman sa isinampa ng aking kalaban na ako raw po ay hindi kuwalipikadong tumakbo.
Alam ko naman sa simula pa lamang na lehitimo ang aking pagtakbo dahil naipagkaloob ko po ang mga requirements na kailangan upang siguraduhing walang makapipigil sa aking pagnanais na tumakbo at mapagsilbihan ang aking mga kababayan sa Mindanao.
Hindi rin dapat tinitingnan ang kung anuman ang tinapos ng isang tao para hadlangan ang hangaring makapaglingkod sa bayan.
Kaya ako ay labis na nasisiyahan sa desisyon ng Comelec.
Pero sa ngayon po, ito munang laban kay Clottey ang aking pagtutuunan ng pansin. Pagkatapos ng aming laban ay saka ko na po haharapin ang hamon naman ng pulitika.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025