
Fighter of the Decade
By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Sun, 07 Feb 2010

LOS ANGELES --- Magandang araw po ulit sa inyong lahat, lalung-lalo na sa mga fans ng boxing at sa mga sumusubaybay ng kolum na ito. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan saan man kayo naroroon sa mundo.
Papasok na tayo sa huling limang linggo bago ang laban kontra sa Afrikanong si Joshua Clottey na gaganapin sa Dallas Cowboys Arena sa Arlington, Texas at masasabi kong maganda naman ang takbo ng training namin dito sa Los Angeles. Markahan na po ninyo ang petsa — Marso 13.
Kahit na umuulan at malamig na panahon ang gumigising sa akin sa umaga, pilit kong pa ring sinusuong ang mga balakid na ito dahil sa buhay ng isang boksingero, walang day-off, walang dahilan upang pigilan ang paghahanda sa laban kahit gaano kasungit ang panahon.
Kahapon nga, kaarawan ng aking panganay na anak na si Emmanuel Jr. o Jemuel at nalulungkot ako dahil hindi ako nakadalo ng kaniyang birthday. Kaya naman, binati ko na lang siya sa telepono at sinabi ko na pasensiya na lang siya muna dahil ang daddy ay naghahanda para sa isa na namang laban. At kahit na umuulan, malamig at maputik ang daan, hindi ko ito inalintana at bagkus ay itinuloy ko pa rin ang pag-eensayo dahil kailangan.
Hindi namamalayan sa bilis ng pagtakbo ng panahon, siyam na taong gulang na pala ang aking panganay. Parang kailan lang, baby pa lang ang aking anak, ngayon ay malaki na at malapit nang magbinata. Parang kailan lang, nagsisimula pa lang ako na gumawa ng pangalan sa ibabaw ng ring at hinarap ko ang lahat ng mga kalabang ipinalaban sa akin ng aking manager at promoter. Kahit na kinakatakutan si Lehlo Ledwaba sa super-bantamweight division, kinailangan ko siyang harapin upang mapatunayan na hindi ako namimili ng kalaban. Sumunod kong nakasagupa ang ilan pang mga superstar ng mundo hanggang sa maabot ko na ang isa sa mga pinakamataas na karangalan na maaaring makamit ng isang boxer na katulad ko.
Maraming-maraming salamat po sa mga bumubuo ng Boxing Writers Association of America sa pagbigay nila ulit sa akin ng ikatlong Fighter of the Year award at ang Fighter of the Decade na parangal na sa aking palagay ay isa sa mga pinakamalaking award na aking natanggap sa kasalukuyan. Awards like these make me want to fight more and improve more, so I can give more entertainment to all of the boxing fans throughout the world.
Sa loob ng huling sampung taon, nakuha ko ang karamihan sa pitong world championships sa pitong magkakaibang dibisyon ng timbang. Salamat din sa inyong lahat sa mga suporta at panalangin. Kaya naman, pilit kong pinapatunayan na ang pagiging kampeon ay bunga ng matinding pagsisikap at kahit na pagsasakripisyo sa sarili sa training. Kahit na ako ang tinitingalang kampeon ng mundo, hindi iyan sapat na dahilan upang ako ay hindi tumakbo sa umaga at mabasa ng ulan. Hindi dahil sa malayo na ang aking narating ay dapat na akong tumigil sa paghahangad ng mas matataas na mga adhikain.
I have sacrificed a lot of blood, sweat, aches and tears before I became Fighter of the Decade. I thank the Lord God for giving these blessings. I will not stop to fight and fight harder so that I can give more joy and excitement in the ring to all of my fans. They are the reasons why I try to become better and better each fight. Thank you to all of you.
Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.
* * *
Top photo: Manny Pacquiao is shown here receiving his first 'Fighter of the Year' award from BWAA in 2007.
* * *
This article is also available at Abante Online.
Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com
Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.
Recent PhilBoxing.com In-House articles:
Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
Mon, 15 Dec 2025Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
Mon, 15 Dec 2025NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
Sun, 14 Dec 2025FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
Sun, 14 Dec 2025Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
Sun, 14 Dec 2025Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
Sat, 13 Dec 2025OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
Sat, 13 Dec 2025Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025Nesthy faces Indon legend
By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
Sat, 13 Dec 2025Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
Sat, 13 Dec 2025SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025