Mobile Home | Desktop Version




Guilty Unless Proven Innocent

By Manny Pacquiao
PhilBoxing.com
Fri, 15 Jan 2010



MANILA — Magandang araw sa inyong lahat, mga ginigiliw kong tagasubaybay, mga fans at sa milyun-milyon kong kababayan sa buong mundo. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan gaya ng inyong abang linkod. Kung ako ang inyong tatanungin, mabuting-mabuti naman po ako sa umpisa ng bagong taon na 2010 habang naghahanda na ako patungo sa America para lumaban muli, kontra sa Afrikanong si Joshua Clottey.

Kagagaling ko lang sa Davao City kamakalawa sa magandang isla ng Samal at doon kami nagbakasyon ng aking pamilya upang i-celebrate ang kaarawan ng aking mahal na asawa na si Jinkee. Sa loob ng tatlong araw, nagawa ko ring makapag-relax at makapagpondo ng lakas para sa pagpasok ng maraming bakbakan sa loob at labas ng ring na mangyayari sa taong ito.

Opo, ako, kasama ng aking team ay uusad na at hindi magpapa-hostage sa mga mabababaw na usapin at akusasyon tungkol sa paggamit ko diumano ng steroids at ang performance enhancing drugs. Sinampahan namin ng kasong defamation ang mga sumira sa aking magandang reputasyon at imahe at inaasahan kong magbabayad ng mahal ang mga naglapastangan at umabuso sa mga karapatan sa pananalita lalung-lalo na kung walang basehan ito.

Dahil nakasampa na ang kaso sa hukuman sa Las Vegas, ako ay hindi na magbibigay ng komento o pananaw sa kaso dahil ipinagbawal na sa akin, kasama ang mga miyembro ng team, na magbigay ng kahit na anong statement. Tiwala ako na ang hustisya ay hindi natutulog, gaya ng Mahabaging Diyos na siyang pinagmumulan ng aking lakas at tapang.

Ngunit nitong linggo lamang, dumating na naman sa aking pansin ang isang balita na mayroon daw miyembro ng aking team na sumubok kumausap sa kabilang kampo sa pamamagitan ng email at binigyan pa ng malisya ang kasinungalingang ito. Tinutukoy ko ay ang lumabas na isyu sa higenteng network na ESPN “Friday Night Fights” na kinasasangkutan ni Teddy Atlas. Hindi ko na sana papansinin ito ngunit hindi ko masisikmura na ginagamit sa maling pamamaraan ang masagwang uri ng pamamahayag. Irresponsible journalism by irresponsible people can not be tolerated.

Tinanong ko na ang mga miyembro ng aking team kung sino sa kanila ang gumawa o sumulat ng liham, na diumano ay pinanghahawakan nina Atlas at isa pang manunulat, si Tim Smith ng New York Daily News na nagpakalat ng malisyosong tsismis na ito. Tiyak kong wala sa aking koponan ang gumawa nito at marahil ay imbento lang nila ito o gawa-gawa lang ng isang may malikot na isip at maitim na budhi. Sino? Wala akong kinalaman diyan. Hindi ba nila naisip na kahit sino ay pwedeng gumawa ng isang email address at gamitin ito sa pagpapanggap, lalo na sa paninira ng puri ng isang tao?

Nakakalungkot kasi dahil sa uri ng journalism ngayon, malaya ang ilan na gumawa at magsalita ng mga bagay na walang basehan, sa America pa man din. Sabi ni Atlas, matindi raw ang hawak niyang ebidensiya. Uso na rin ang maghusga bago subukang tanungin muna ang mga kasangkot para naman sana, makapagbigay din ng opinyon o posisyon ang taong maaapektuhan sa mga kasinungalingang ito. Para naman sana “fair” at parehas ang laban. Yes, I am saddened that many have crucified me “guilty” unless I prove myself innocent of all these accusations. Hindi ba dapat, kabaliktaran? Ngayon, hinahamon ko sila Smith at Atlas, kasama na rin ang ESPN, na ilabas nila ang mabaho nilang ebidensiya, para na rin sa hustisya, kung may respeto pa sila sa kanilang mga sarili at kung may tunay silang professional etiquette. Dahil kung hindi, habambuhay ko silang tatawaging sinungaling.

Hanggang sa muling Kumbinasyon. God Bless Us All.

* * *

This article is also available at Abante Online.

Send your comments to Manny Pacquiao at mannypacquiao@abante-tonite.com


Click here to view a list of other articles written by Manny Pacquiao.

Recent PhilBoxing.com In-House articles:

  • Junior, Youth and Elite Divisions Awarded on Final Day of 2025 USA Boxing National Championships
    Mon, 15 Dec 2025
  • Jean Henri Lhuillier Applauds Cebuana Lhuillier Ambassadors for Bronze Finish at SEA Games 2025
    Mon, 15 Dec 2025
  • NOEL MIKAELIAN DETHRONES BADOU JACK TO BECOME THE NEW WBC CRUISERWEIGHT WORLD CHAMPION
    Sun, 14 Dec 2025
  • FM Alekhine Nouri tops Kamatyas chessfest
    By Marlon Bernardino, Sun, 14 Dec 2025
  • Dante Kirkman Dominates DePriest Johnson in Unanimous Victory at Fight Club OC
    Sun, 14 Dec 2025
  • Bantam and Intermediate Divisions Crowned on Day Five of 2025 USA Boxing National Championships
    Sun, 14 Dec 2025
  • Murat Gassiev Brutally Knocks Out Kubrat Pulev in Dubai
    By Dong Secuya, Sat, 13 Dec 2025
  • United States Air Force Paralegals: Law, Order, and Excellence
    By Emmanuel Rivera, RRT, Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS AND RUNNING ORDER FOR PACHECO VS SADJO IN STOCKTON
    Sat, 13 Dec 2025
  • OFFICIAL WEIGHTS FROM TODAY'S CHM: 2 REMATCH SEASON CEREMONIAL WEIGH-INS IN DOWNTOWN LOS ANGELES
    Sat, 13 Dec 2025
  • Donaire to fight Tsutsumi on December 17 in Japan
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025
  • Nesthy faces Indon legend
    By Joaquin Henson, Sat, 13 Dec 2025
  • Bob Santos Joins Broadcast Team for Boxlab Promotions’ “Night of Champions XIII” During WBA’s 104th Annual Convention
    Sat, 13 Dec 2025
  • Championship Bouts Set for the Bantam and Intermediate Division
    Sat, 13 Dec 2025
  • SEAG Triathlon, aquathlon, duathlon in Rayong
    By Lito delos Reyes, Sat, 13 Dec 2025